highschool days ng chanbaek.

2.9K 153 27
                                    

Dalawang Mrs Park; Highschool Days. 

-

Baeksilog Point of View 

ang feeler talaga ni park chanyeol, feeling niya crush ko siya! Dapat marunong siyang tumingin sa sarili niya. Sobrang Jeje niya tapos pang kenji delos reyes pa yung haircut niya! Puta, gangster tignan; sabi pa ng classmate kong si lukesha, ang gwapo gwapo at ang appeal appeal daw niya. Yuck! Di porke madaming nagkakagusto sakanya, magiging isa na ako dun! Hindi naman ako yung tipo ng tao na kapag may bagong labas na cellphone, ay makikiuso. Ayokong ipilit ang sarili kong gustuhin siya no.

"andito nanaman yung number one labs ko." ang sipol ni chanyeol nung mapadaan ako sa classroom niya. putangina nga eh, di dapat ako dadaan dito. kaso hindi maiiwasan. Tignan mo? Ang kapal talaga ng japez ng lalaking to; hindi talaga marunong tumingin sa salamin. Inirapan ko nalang siya at dumiretso ng lakad. Kadiri, eww. Uso na talaga ang mga taong makakapal ang bayag sa panahong ngayon ano? Sana nabuhay nalang ako sa panahon ng mga nanay at tatay ko. Yung may mga lalaki pang rinirespeto yung mga babae, (akala mo babae eh no?) yung mga lalaking magsisibak ng kahoy para sakin. Yung lalaking manghaharana at mamanhikan sa mga magulang ko. 

Hindi yung Manliligaw sakin at magpapansin, at kung minsan gagawa ng paraan para pakiligin ako kasi gusto lang mabuksan yung zipper ko. Alam mo yun? Hindi yung lalaking gusto lang makita ang katawan kong kayang talunin ang figure ng mga babaeng sumasali sa mga beauty pageant. Hindi yung tipo ng lalaking sisitsitan ka, eh may pangalan ka naman. Hind yung tipo ng lalaking parang gangster wannabe ang itsura at puro raprapan lang ang alam. Sa totoo lang, nakakaderder talaga. Mataas kasi talaga ang standards ko sa mga lalaki. Oo, mataas. Ako pa naman ang unica ijah sa aming magkakapatid. (unicah ijah? O.O) atsaka strict ang mga kuya ko sa mga mnliligaw ko. Kung pwede ko nga lang isumbong tong si park chanyeol sa mga kuya ko eh, kaso kawawa naman. Baka mapaglamayan ng maaga. 

Tapos, dumating yung mga araw na less paramdam na ang istorbo sa buhay ko, kaya naman ako ito, nakatuon kung papano ko kikilalanin ang asungot na secret admirer ko. Kinikilig talaga ang singit ko sa mga sticky notes niya, pero never pa siyang nagpakilala sakin kaya naiinis na ako sakanya. Kung magpakilala kaya siya nang sa ganun, magkaron siya ng pag asa sakin? Kasi sa lahat ng manliligaw ko siya lang ang matino.

"Sino yan? Secret Admirer mo nanaman ba, sisteret? Kelan ka ba tatantanan niyan--"

"Wala ata siyang balak;"  ang alimbaba ko. kasi naman eh, gusto ko na talaga makilala ang lalaki or worst babae na nagdidikit ng sticky note sa locker ko. 

"eh si yeol? anong balak mo sa gangster wannabe nayun?" ang tanong ulit ng bestfriend kong si lukesha de luketch.

"sus, pake ko naman dun." ang irap ko sabay crossed arm. Less paramdam nadin yun si long hair eh; sana hindi na siya magparamdam forever para ebribadihapi. Atsaka, kung may problema man siya o ano, wala na akong pakealam. basta, wala akong pakealam sakanya.

Ang kaso, dumating yung isang araw na sana! na sana! hindi nalang dumating. Umuulan kasi nung mga araw nayun. Badtrip nga eh! Wala pa akong payong, anak ng pempem ng nanay ko naman oh. Eh sa ayokong mabasa naghintay ako ng matagal sa may waiting shed dahil sa lakas ng ulan, dapat kasi nagstay nalang ako sa bahay eh. Gumala pa kasi ako, ayan tuloy. Umulan. Lowbat pa ang cellphone ko dahil nagselfie selfie kami ng mga kamars ko sa mall. Eto tuloy ako, nganga.

"Labs, pasilong." ang sigaw ng isang lalaki sabay tayo sa tabi ko. Kumunot naman ang noo ko, si Park Chanyeol nanaman. Kailan ba niya titigilan ang buhay ko? Atsaka teka-- Nagpagupit ba siya ng buhok? Kelan pa naging brown ang buhok niya? at-- at ano, kelan pa siyang naging gwapo? Agad akong umiwas ng tingin, yuck padin. Ayoko parin sakanya.

"Kanina ka pa ba dito?" ang tanong niya sakin, pero hindi ko parin siya sinagot. kasi kahit naman lagi siyang nagpapansin sa akin noon, hindi parin kami naging close. Sakto lang.

"Oh eto." ang bigay niya sakin ng payong niya. Noong una, hindi ko alam kung kukunin ko ba o hindi. Kasi alam ko kailangan din niya yun eh, baka mabasa siya. Dahil ayaw kong isipin niya na concerned ako sakanya ay kinuha ko agad yung payong. Ang kaso, nakalimutan ko palang malandi siya dahil agad niya itong tinaas sa ere. Gago talaga, sa ginagawa niyang yan mas lalo akong naiinsulto. Kasi mas lalo niyang pinapamukha sa akin na napakaliit kong tao. Edi siya na matngkad, hiyang hiya naman ako sa kanya eh.

"Akala ko ba ipapahiram mo sa akin?" ang mataray kong tanong sakanya. He pursed his lips.

"Kapag kiniss mo ako sa lips, ipapahiram ko sayo." ang ngisi niyang maloko. Yuck~ pwe. ew.

"Magpakamatay nalang ako, diyos ko patawarin." ang crossed arm ko sabay kunot ng noo sakanya. Duh, di porke ang gwapo gwapo niya ngayon. Papayag na akong halikan siya no, Dibale ng magkasakit. Maganda parin naman na ako.

"Hindi ka pwedeng mamatay baek," ang pout niya sa harapan ko. Putang ina naman, nagpacute pa.

"At bakit naman?" ang taas ko ng isang kilay sakanya.

"kasi hindi pa kita nahahalikan." ang sabi niya sa akin sabay ngiti ng malapad.

"At sino namang may sabing magpapahalik ako say-- mmph." nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong halikan sa mga labi ko. Napatalon agad ako nun sabay punas sa mga mapupula kong lips. Tangna, hinalikan ba ako ng gagong to?

"Oh eto," ang tawa niya sabay bigay sakin ng payong niya. "Ingat ka pauwi, papakasalan pa kita. Ge. Labyu, labs. Babye~" ang sabi nito, sabay takbo sa ulan. Nababaliw na ba siya? Papano kung magkasakit siya? At Pakealam ko naman no? Magkasakit sana siya! Kainis.

Nagpapadpadyak ako dahil sa inis dahil kinuha niya ang first kiss ko, pero sa aminin ko man sa hindi, Ay Malalambot ang mga labi ni yeol. Noong una kasi akala ko hindi, kasi diba mukha siyang gangster noon? malay ko ba kung nagdodroga o sumisinghot ng katol yang si chanyeol? malay ko ba kung naninigarilyo yang si yeol? pero, hindi. nagkamali ako.

Pinunasan ko ulit yung labi ko kasi feeling ko nandudun parin yung bakat ng mga labi niya. Nakakainis talaga, manyak forever eh. Nakapout akong binuksan ang payong ng may piraso ng papel ang nalaglag mula doon, kaya nama kunot noo ko tong dinampot. Maliit lang siyang papel, kaya naman bigla kong naalala yung mga sticky note na laging nakadikit sa locker ko. Kamukha kamukha ng papel na to ang mga papel nayon.

Ingat ka sa paguwi, labs. Kita tayo bukas, ge. Labyu :*

-bhoszx_chanyeol69

Shet, Kahit kelan talaga si Park Chanyeol. Teka-- wait. Di kaya si Park Chanyeol ang Secret Admirer ko? Omyshet! Papano kung si Park Chanyeol yun? Oemgee. Hindi nga?

-

Its kyungsoo, baekhyun. its kyungsoo!

Dalawang Mrs. Park.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon