kabanata labing apat;

2.8K 162 38
                                    

"I GOT A BOY CHANYEOL! I GOT A BOY CHANYEOL! I GOT A BOY, CHANYEOL BOY! NAEMAM DA GAJYEO GAN." 

Agad na napatalon sa kinahihigaan si chanyeol dahil sa gulat, puta. Kumakanta nanaman ang asawa niya. Ke aga aga, nakafull charge agad ang bunganga. Agad siyang napahawak sa noo niya, Oh diyos ko. Bakit ko nga ba siya minahal? ang tanong ni chanyeol sa sarili. 

Lumabas ng kwarto si chanyeol habang nagkakamot ng tiyan, grabe. Hindi mo na kailangan ng alarm clock sa umaga, boses lang ni baekhyun sapat na.

"Baek, please. Low down your voice, natutulog pa ako." ang banas na sabi ni chanyeol sakanya, habang nakasando at nakaboxer pa. Napatigil lang sa pagluto si baekhyun, habang ang dalawang anak ay nakaupo sa mesa at ang mga kamay ay nakatakip sa bawat tenga. 

Inirapan siya ni baekhyun. "May natutulog bang nakatayo diyan sa harap ng pintuan, at dilat na dilat ang mga mata?" ang mataray na tanong ni baekhyun sabay balik sa pagluluto. "Bukas na bukas ang pintuan, pwede kang lumabas at dun sa tarangkahan matulog." ang inis na sabi ni baekhyun. 

Eto ang problema sa asawa niya, mas chicks pa sa chiks. Kay bilis magtampo, pero kay tagal man masuyo. Nakakaputangina minsan, pero si baekhyun ay si baekhyun at kabisadong kabisado ni chanyeol ang ugaling siya lang mismo ang makatatagal. Maldita, Masungit, Mapanglait, Ang taas ng standards, Gandang ganda sa sarili, Maarte, Bungangera. Kaya madalang nalang pumunta sila kris at sehun dito eh; halos lahat ng galaw nila pinapanood ni baekhyun. 

"Anong nangyari? San ka nagpunta kahapon?" ang lakad ni chanyeol papunta sa direksyon ng mga anak niyang nagpatuloy sa paglalaro ng psp. 

Napahinto naman sa pagluluto ng egg si baekhyun, anong nangyari? san siya nanggaling kahapon? 

*flashback 

"huwag." ang agad na talon ni sehun sakanya sabay kuha ng cellphone niya; "hindi mo pwedeng gawin yun." ang takot na pagkakasabi saknya ng bata. 

Inirapan naman siya ni baekhyun; "ibibigay mo ang cellphone ko, o ibibigay mo!?" ang crossed arm nito; agad na napalunok si sehun. ganito kailap si baekhyun. Kapag ganyang seryoso na ang mukha niya, ready nang manabunot ng buhok yan. Naku, jusko. buti at napapagpasensyahan pa siya ng kaibigan niyang si yeol. 

"Baekhyun, huwag ka nang makisali pa. Problema namin to! Ako na nag magsasabi sakanya." 

"Problema ko kung anong problema ng bestfriend kong punyeta ka! Ngayon, ibigay mo sa akin ang phone dahil kung hindi puputulin ko ang betlogs mo! Ibigay mo na!" ang inis na sabi ni baekhyun sabay lahad ng palad. Napausog ng kaunti si kyungsoo para magkaron ng space sa tabi niya si baekhyun. 

"Kahit ano namang sabihin mo kay lukesha; hindi parin ako iiwan ng bestfriend mo. Parang kay yeol lang yan, baek. Kung ano ang kaibigan, yun din ang kaibigan. Linoko ka na ng asawa mo at nagkaanak pa sa iba, hindi mo parin iniwan-- ARUUUUUUUUYYY!" 

Dalawang Mrs. Park.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon