kabanata dos. ang pangalawang pagtatagpo.

5.7K 237 103
                                    

salamat sa comments mga kabebe, kahit mukhang ewan to. peboret ko kasi yung dalawang mrs real eh.  

"bae, bitawan mo nayan. Nininerbyos ako sayo eh." ang hawak ni chanyeol sa kamay ng asawa na may hawak hawak na martilyo. Kanina pa siya pinagpapawisan sa tuwing ginagalaw na tila ba barbell ni baekhyun ang hawak hawak. Tila ba kailangan na niyang maghanda dahil yun ang papatay sa kanya.

"san mo ba gagamitin ang martilyo nayan, bae?" ang tanong ni chanyeol na kanina pa nagtatago ng nerbyos sa boses. Susko. Nakakatakot ang asawa niya.

"inimbitahan ako ng kumare kong si lukesha sa birthday party niya." ang casual nitong sagot sabay tingin sa asawang may kasama pang taas ng isang kilay. Napalunok naman si chanyeol. "at nandon ang kabet mong napaka ggss."

"Bae naman, hindi na kami nagkikita ni kyungsoo. Atsaka ano ba yung ggss?" ang ignoranteng tanong ni chanyeol. "atsaka hindi mo sinasagot yung tanong ko? Para saan ang martilyo?"

Inisnaban lang siya ni baekhyun dahil sa sobrang kakulitan at kabobohan ng asawa niya. Pinakasalan ko ba talaga ang putanginang lalaking to? Kung hindi lang dahil sa birthday party ng not-so-maganda niyang kaibigan ay hindi siya maiinis ng todo todo. Kasi naman, bakit pa kailangan imbitahan pa ang kyunggoy nayon, alam naman ni lukesha na mainit ang dugo nila sa isa't isa eh. Kailangan pa tuloy niyang magtodo effort sa pagmamakeup para lang matalo sa pagcocrossdress ang makating higad nayon. Ang dami niyang Nickname kay kyungsoo ano?

"Katulad nga ng sinabi ko, andon sa party ang malanding higad na kabet mo." ang sabi niya. "alam mo na, just in case. Baka makapatay ako ng mga makakati." ang dagdag nito na agad namang nagpataas ng balahibo ni chanyeol. Kahit kelan, ang asawa niya kung magbiro parang totoo.

"bae naman eh. Wag ka namang magbiro ng ganyan.."

"che! Hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil diyan sa kalandian ng apog mo. Kahit kelan talaga hindi ka makapagpigil." ang duro ni baekhyun ng martilyo sa asawa kaya naman agad napatayo sa kinauupuan si chanyeol. Nagpapasalamat siya sa poong maykapal at martilyo ang hawak ng asawa at hindi itak. Dahil baka nagkataon, maaga siyang mapaglamayan at maagang maging byuda ang napakaganda niyang asawa-- at higit sa lahat… mawalan pa ng napakagwapong ama ang anak nilang si bambam at si junjun.

"bae, papano namang hindi ako makakapagpigil? Hindi mo na nga ako mapagbigyan kahit isang beses lang eh. Intindihin mo naman ako, naglabas lang ako ng ini-- bae. Masakit." ang hawak ni chanyeol sa braso niya ng paluin ito ng pagkalas lakas ni baekhyun.

"Gago ka talaga kahit kailan. Hindi lang tenga mo ang malaki pati nadin kalib*gan sa katawan. Hindi ka lang kasi marunong maghintay. Kung maglalabas ka ng init, dumiretso ka ng CR. Gago!" ang walkout ni baekhyun ng padabog sa asawa. Kahit kelan, laging may pagkukulang sa isip ang asawa niyang kapre.

Dalawang Mrs. Park.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon