Kabanata Labing Walo: Gumalang

2.5K 182 61
                                    



"Tulungan mo naman ako kris."ang sabi ni chanyeol sa kabilang linya.

anong tulong naman ang gusto mo, yeol?

"Tulungan mo naman ako magluto para sa asawa ko, madalas na kasing mainit ang ulo niya at napapagalitan ako kahit wala naman akong ginagawang masama..."

baka buntis? Ganyan din ang asawa kong si suho eh, tignan mo ngayon preggy na.


"Tindi mo tol! pero hindi eh. Kung buntis man si baekhyun, ako naman ang una niyang pagsasabihan.."


sige tol, ikaw bahala. Pupunta ako diyan mamaya, sige!

-

"Kailangan ba talaga ang mga ito?" ang tanong ni kyungsoo kay baekhyun na pinabitbit siya ng mga pinagkukuha kuha nitong damit. Madami siya bibilhin ngayon, syempre. Dala dala niya ang credit card ng asawa eh.


"nagbuntis ka bang gaga ka? " ang tanong ni baekhyun sakanya "Malamang sa malamang, lalaki ang tiyan mo at magsusuot ka ng mga duster at nang kahit anong maluwag na bestida, bakit? Nung nagbuntis ka?  Anong sinuot mo?"

"Duster ng nanay ko."

"cheap." ang sabi ni baekhyun. "oh well, nung pinagbuntis ko si bambam, bestida din naman ng nanay ko ang ginamit ko." ang dagdag nito.

"Edi cheap ka din." ang isnab sakanya ni kyungsoo. Rinolyohan lamang siya ni baekhyun ng mga mata.

"Omg!" ang turo ni baekhyun sa bag na nakadisplay sa may salamin ng isang shop. Kumikinang ang primadonnang bag sa mga mata niya, at biglang umapoy ang kagustuhan niyang mabili ang bag nayon. Pinagmasdan lamang siya ni kyungsoo ng nakataas ang isang kilay.

"Gagastos ka ng sampung libo para sa bag nayan?" ang tanong ni kyungsoo.


"wenot? Yang bag lang naman ang gamit gamit ni taeyeon my labs ko sa girls generation noong nasa incheon airport." ang lakad nila papasok ng shop. "kailangan kong mabili ang limited edition na bag na ito dahil kung hind-- ehem. Excuse me?" ang taas ng isang kilay ni baekhyun sa babaeng humawak rin sa bag. "mine." ang pameywang nito. Napatingin lang sakanila.yung saleslady.

"Excuse you, but mine." ang mataray na sagot sakanya ng babaeng halatang neneng pa at baka nakahawak pa sa bestida ng nanay niya.

"Ilang taon ka na?" ang tanong ni baekhyun sa babae na itinaas ang shades.

"seventeen bakit? I bet naman na kasing edad lang kita kaya--"

24 na ako gaga.


"kasing edad kita? Grabe, napakagandang marinig yan mula sayo, pero dear, may dalawang anak na ako at magiging tatlo pa nga eh, at may asawa narin ako pero bakit ganun? mas mukha akong bata sayo?"

Nagngitngit naman ang babae sa narinig. Samantalang natawa naman ang saleslady sakanilang dalawa.

"Excuse me? Tumingin ka na ba sa salamin? Gurang ka na pala, tignan mo naman ako fresh na fresh."

Tinignan lamang siya ni baekhyun mula ulo hanggang paa.

"eto nanaman tayo." ang inis na kamot ni kyungsoo sa tenga niya.

"you called me what? Gurang?"

"uh huh."

"hoy neneng, gumalang ka sa mas nakakaganda sayo, twenty four years old na ako pero mas may kulubot ka pa kesa sakin, noong kasing edad mo ako, umaabot hanggang edsa ang pila ng mga manliligaw ko sa kubo namin kaya sarreh, miss! pakibalot nga to para sakin." ang nabibwisit na kuha ni baekhyun sabay salampak na abot nito sa dibdib ng saleslady. Hard.

"Umaabot pala hanggang edsa ha?" ang nakacrossed arm na tanong ni kyungsoo. Tinignan lamang siya ni baekhyun ng nakangisi.

"Sus. Kung makapagsalita parang hindi siya pumila." ang flip ni baekhyun ng buhok sabay lahpas sakanya. Nanganga lang si kyungsoo.

-

"ayan yeol, tama. Hiwain mo ng maayos tapos saka mo ilagay sa bowl."

"parang ganito?"

Kumunot ang noo ni baekhyun ng makarinig siya ng dalawang naguusap sa may kusina na parang magkaibigang nag aaminan ng damdamin. Kakapasok palang niya ng bahay pero ang baho na ng naamoy niya, tangina! Nanggigil si baekhyun, nangangati na siyang masabunutan ang buhok ng asawa.

"hindi naman pantay yeol eh."

Kunot noo siyang dumiretso sa may kusina at nakita niya ang isang kadumal dumal na pangyayari. Si Kris na nakayakap sa likod ni chanyeol habang naghihiwa ng kung ano.

"ANONG KATARANTADUHAN ITONG NAKIKITA KO!?" ang sigaw ni baekhyun kaya naman agad silang napatalon sa gulat. Napahawak si kris sa dibdib dahil sa kaba, habang si chanyeol na hawak hawak pa ang kutsilyo ay nginitian lamang siya.

Hindi na ako magtataka kung bakit under palagi si yeol. Ang sabi ng isip ni kris.

"ah, yeobo. Tinuturuan lang niya akong magluto." ang nakangiwing sagot ni chanyeol sabay kamot sa ulo. Tinignan lamang sila ng masama ni baekhyun, nagsimula nang tumibok ng mabilis ang kanilang mga puso at swear, tatakbo talaga palabas ng bahay nila si kris para makatakas.

Ngunit, nakakapagtaka lang dahil bumuntong hininga lamang si baekhyun sabay ipinikit ang mga mata ng ilang sandali.

"lumayas ka na sa tahanan namin, kris! Ako na ang tutulong kay chanyeol na magluto." ang kalmadong pagkakasabi nito sabay lapit sa kusina. Tinignan lamang ni chanyeol si kris bago ito umalis.

"Baek" ang yakap ni yeol sa likod nito habang pinapanood niya ang asawanv naghihiwa ng gulay. "Nagkakaron ka na ng baby fats. Hindi ka na ba nagdidiet?" ang tanong ni yeol ng makapa niya ang tiyan ni baekhyun.

Rinolyohan lamang siya ni baekhyun ng mga mata.

"Im pregnant."

"oh, so pregnant ka?" ang ngiti ni yeol sa leeg ni baekhyun. "thats awe-- TANGINA!!"

Agad na pinaharap ni chanyeol sa kanya si baekhyun at yinugyog ng mahina.

"Buntis ka!? SHOULD I BUY BABY CLOTHES NOW!? AND-- CRIBS? Oh my god baekhyun, a new baby!" ang hawak ni chanyeol sa tiyan ni baekhyun. "HEY BABY!! DADDYS HERE!!I AM YOUR PAPA CHANYEOL!!" ang naeexcite na sigaw ni chanyeol.

"Nagwawala ka yeol." ang tawa sakanya ni baekhyun. "and yeah, our third baby is coming...."

Dalawang Mrs. Park.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon