Lucas Kyle Ashton P.O.V
>♡< >♡< >♡< >♡<
Tapos na kami bumili ni Ellaine nung dapat aalis na kami pero gusto ko muna magpaalam kay mommy kaya pumunta muna ako sa office nya sa shop, i was about to open the door nung narinig ko yung si mommy.
" No hon there is no problem pero i saw her " Parang naiiyak na sabi ni mommy.
Si Daddy pala yung kausap ni mommy pero sino yung nakita nya? Curious ako kaya pinakinggan ko muna sila.
" Crystal Snow. I saw our daughter mark, i saw her " Umiiyak na sabi ni mommy kay Dad sa phone.
Wait! What? Nakita ni mommy si Crystal Snow? How did that happened?
" Sabi nya she's a Sandoval so posible na sya yung sinasabi ng mag asawang sandoval kahapon and besides hon, her eyes looks like your eyes and i feel that she's my daughter " Umiiyak na sabi ni mom kay dad
What? Si Ellaine? Ay Si Crystal? Kaya ba ganon nalang sya ka familiar sakin? When i saw her eyes she really looks like dad and her lips looks like my lips. That means she could be my sister, dapat malaman to nila kuya and dapat malaman ko yung totoo.
" Of course i am sure about it Mark, kung sya yung ampon ni Laina Sandoval at Ian Jester Sandoval posibleng sya talaga si Crystal. " Umiiyak parin na sabi ni mom kay daddy na kausap nya sa phone.
Kailangan kong malaman kung si Mrs. Laina Sandoval and Mr. Ian Jester Sandoval yung magulang ni Ellaine kasi kung sila man ibigsabihin non si Ellaina nga si Crystal na kapatid ko.
Pagkatapos kong pakinggan yung usapan ni mommy at daddy ay hindi na ako tumuloy na pumasok sa Office ni mommy. Pinuntahan ko nalang si Ellaina sa labas ng Shop na nag aanatay sakin.
" Ang tagal ko ba bago dumating? Sorry Roselle huh? Ang tagal kasi ni mommy ee, may sinabi pa kasi sakin " Nakangiting sabi ko sakanya. Kailangan ko magsinungaling kasi hindi ko pwedeng sabihin yung totoong narinig ko.
" Hindi naman hahaha thank you nga pala dito ah? " Sabi nya sabay pakita sa paper bag na may lamang damit na napili nya.
" Hatid na kita sainyo? " Tanong ko sakanya. Gusto ko sya ihatid para malaman ko kung san sya nakatira at para narin matanong ko kung sino yung magulang nya.
" Nakakahiya naman " Nahihiyang sabi nya sakin.
" No i insist " Sabi ko sakanya kaya wala na syang nagawa kaya pumunta na kami sa parking lot ng mall
" Ellaine " Tawag ko sa pangalan nya habang naglalakad kami sa parking.
" Bakit Lucas? " Tanong nya.
" Anong pangalan ng magulang mo? Curious lang ako " Tanong ko sakanya. Gusto ko talaga malaman kasi feeling ko sya talaga si Crystal
" Si Laina Sandoval ang mama ko at si Ian Jester Sandoval naman ang papa ko " Nakangiting sabi nya kaya napatigil ako sa paglalakad at niyakap ko sya ng mahigpit.
" Lucas bakit mo ako niyakap? " Nagtatakang tanong nya habang hindi pa ako bumibitaw sa pagyakap sakanya.
" Please Crystal let me hug just for a little bit longer " Sabi ko sakanya at halatang naguguluhan sya sa tinawag ko sakanya pero hinayaan nya ako na yakapin sya. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa Kapatid ko tapos pumunta na ako sa gilid ng kotse ko at pinagbuksan sya ng pinto.