Prolouge

22 6 0
                                    

Maegan's POV

Winagayway ko ang kamay ko para parahin ang tricycle na dadaan pero nilagpasan lang ako.

Bwiset naman! Kung kailan late na ako saka naman walang nagsasakay sa akin!

Maya-maya pa ay may humintong kotse sa harap ko.

Umarko naman ang kilay ko dahil hindi ko kilala ang isang 'to dahil tinted ang salamin ng kotse niya.

Maya-maya pa ay binaba niya ang bintana. Sinilip ko naman ang nasa loob. Napairap na lang ako ng makilala ko yung taong nasa loob.

Siya na naman.

"Maegaaaaaaan! Sakay ka na! Late na!" Sabi ni Chanlech pero hindi ko pinansin.

"Sige bahala ka. Mapagalitan ka sana." Akma niya ng sasaraduhin ang bintana ng kotse ng pigilan ko 'to.

"Teka lang! Aish! Ngayon lang ako sasabay ah? I-consider mo ng utang 'to!" Sabi ko. Kung hindi lang talaga ako late ay hindi ako sasabay sa kanya ngayon.

"Wait!" Sabi niya ng bubuksan ko na ang pintuan sa harapan.

Narinig kong sumarado ang pintuan sa driver's seat. Napatingin ako doon at nakita kong lumabas siya.

Lumapit siya sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan.

Ang arte naman! May kamay naman ako hays.

"Dami mong alam, boi." Sabi ko na lang at natawa naman siya.

Nagmamadali siyang bumalik sa driver's seat.

"Bilisan mo at late na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Tayo?" Manghang tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Para siyang shungang kumikinang ang mga mata dahil sa salitang tayo.

"Ikaw at ako. Walang tayo lol." Bigla siyang napanguso dahil sa sinabi ko. Nag-iwas na ako ng tingin at hindi na ulit umimik.

Nang makaparada na siya sa Parking Lot ay lalabas na sana ako ng pigilan niya ulit ako. Bumaba siya agad ng sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako.

Pinagbuksan niya na naman ako ng pintuan. Hinawakan niya pa ang ulo ko para hindi ako mauntog.

"Thanks." Tipid kong pasasalamat sa kanya.

"Basta ikaw hehehe." Parang bata niyang sabi.

Nauna na akong maglakad dahil late na talaga ako. Ang daldal netong lalaking 'to!

Ramdam ko namang tumatakbo na siya para makasabay sa lakad ko.

"Alam mo bang nagpalate ako para lang makasabay kita pumasok?" Pagmamalaki niya pa sa akin pero hindi ako sumagot at mas binilisan pa ang lakad ko.

"Lagi kitang kinakausap pero kanina mo lang ako kinausap!!! Ang saya saya ko. Yung puso ko natunaw!" Sigaw niya habang nasa covered court na kami. Napatingin ako sa kanya at nakahawak pa siya sa puso niya habang nakapikit.

"Shokla." Bulong ko pero mukhang narinig niya.

"Sayo lang ako naba-bakla ng ganito hoy!" Sigaw niya pa sa akin at pilit pa ring hinahabol ang bilis ng lakad ko.

"Alam mo, maliit ka pero la-laki ng hakbang mo." Sabi niya sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin.

In-insulto pa ako bwiset!

Nanahimik naman siya ng samaan ko siya ng tingin pero ngi-ngiti pa siya sa akin.

Nang makalagpas kami sa room nila ay laking gulat ko ng nakasunod pa rin siya sa akin.

"Lagpas ka na hoy!" Sabi ko sa kanya.

"Hatid muna kita sa room niyo." Sabi niya. Tinde ng lalaking 'to!

"Late ka na tapos ihahatid mo pa ako? Siraulo ka din ano?" Sabi ko sa kanya.

"Ganun talaga. Dagdag pogi points 'yon. Kahit mapagalitan pa ako ng teacher basta mapalapit lang ako sayo ayos lang." Sabi niya at halos masuka ako ng kinindatan niya ako.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa room at tumingin ako sa kanya kumaway naman siya sa akin at nag-flying kiss pa ang loko.

Pinakitaan ko siya ng nandidiring mukha pero natawa lang siya. Pinaalis ko na siya at tumango naman siya at saka lumakad na palayo.

"Goodmorning ma'am. Goodmorning classmates. I'm sorry, I'm late. May I come in?" Napatigil ang teacher namin sa pagsusulat sa board dahil sa pagsasalita ko.

Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin.

Nakatingin din si Nicolas. Hays, ayoko na talagang makita ang mukha ng isang 'to. Naalala ko lang lahat.

Tumango na lang ang teacher namin kaya nagmadali na akong umupo sa upuan ko. Nilabas ko na din ang notebook ko para isulat ang sinusulat niya sa board.

Akala ko ay hindi niya na ako papagalitan pero ng matapos siyang magsulat ay saka siya bumaling sa akin.

"Lagi ka na lang late, Ms. Flores. Minsanan lang kitang madatnan dito sa room pagdating ko." Sabi ng teacher namin kaya napayuko naman ako dahil lahat na naman ng atensyon nila ay nasa akin.

"Sorry po Ma'am." Sabi ko na lang.

"Kapag bukas ay late ka ulit. Hindi na kita papapasukin." Sabi niya at tumango na lamang ako.

Nang makaalis siya room ay napairap na lang ako. 'Di man lang ako pinagpaliwanag kung bakit ako late.

Sunod na dumating yung teacher naming tamad. Nagpasulat lang ng lectures sa secretary namin sa board. Tapos mambabagsak 'di naman nagtuturo hmp!

Napahawak ako sa kalyo ko dahil ang haba ng sinulat namin tungunu!

Tumunog na ang bell bilang hudyat na break time na. Nanatili lang ako sa room dahil wala akong balak mag-recess.

Iilang kaklase ko lang natira dito. Kasama doon si Nicolas tss.

Wala bang practice 'to ng basketball?

Sa tuwing nakikita ko siya hindi ko mapigilang mainis. Simula kase nung umamin ako, lumayo na siya sa akin.

Pwede namang sabihin sorry hindi niya akp gusto pero yung bigla na lang lalayo? Aba hindi makatarungan 'yon. Sobrang tagal ng pinagsamahan namin tapos lalayuan niya lang ako? Best friend ko siya pero ganon?

Bwiset lang.

Maya-maya pa ay tinawag ako ng isa kong kaklase.

"Meg, may naghahanap sayo sa labas." Sabi niya kaya napatingin naman ako sa pinto pero wala namang tao.

Tamad akong tumayo at lumabas para silipin kung sino.

Ramdam ko namang nakatingin sa akin si Nicolas.

Pagka-silip ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Chanlech na abot tainga ang mga ngiti.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kukulitin na naman ako neto.

"Sabay tayo mag-recess! Tara!" Sabi niya at hinila na ako papuntang canteen. Wala na akong naggawa dahil mahigpit ang pagkaka-kapit niya sa braso ko.

Author's Note:
Again and again po, maaaring kapangalan ko ang bidang babae pero hindi ko siya totoong kwento. And si Chanlech ay kaibigan ko lang sa totoong buhay HAHAHAHA. Yun lang! See you sa next chapter!♡

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon