Chapter 25

4 2 0
                                    

Maegan's POV

Lumipas ang mga araw at sobrang ramdam ko ang panliligaw ni Chanlech sa akin. Mas lalo siyang naging sweet. Kung dati nakukulitan ako sa presensya ngayon parang lagi na akong kinikilig shemay!

Tuwing uwian mag-aaya siya ng date kunno. Hindi naman ako nakakaangal dahil napapaalam niya na ako agad kila Mama at Papa.

Kakarating lang namin ngayon sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto na lagi naman niyang ginagawa. Hinintay ko siyang i-lock yung kotse niya sabay kaming nag-lakad papasok ng school.

Pagpasok namin sa room ay pinauna niya akong umupo dahil nasa gilid yung upuan ko.

"Gala ulit tayo mamayang uwian?" Tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ba siya napapagod?

"Oh bakit?" Tanong niya ng makitang ganon ang itsura ko.

"Hindi ka ba napapagod mag-gala?" Tanong ko sa kanya at natawa naman siya. Tumaas yung isang kilay ko.

"Ahh nga pala! Pinapapunta ka nila Mama sa bahay! Gusto ka nilang makilala!" Galak niyang sabi sa akin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa kaba. Shemay!

"Oh bakit bigla kang namutla? Nahihilo ka ba?" Tanong niya sa akin at kinapa yung noo ko kung mainit ba ako.

"Hindi ka naman nilalagnat. Anong problema?" Tanong niya sa akin. Bakas sa mukha niya yung pag-aalala.

"Kinakabahan lang ako." Sabi ko sa kanya at bigla siyang napangiti.

"'Wag kang mag-alala. Habang kinekwento kita sa kanila nakangiti sila at halatang gusto ka nila." Pampagaan niya sa loob ko. Napabuntong hininga naman ako dahil medyo nawala yung kaba ko dahil doon.

Hindi ko halos naintindihan yung mga nilesson. Nakakainis naman kase! Manong mamaya ng uwian sinabi 'yon.

Nang magrecess ay sabay kami ni Chanlech pumuntang canteen. Nang papasok na kami ay rinig na rinig ko yung mga bulungan ng nga estudyante.

"Nako! Nakakaawa nga si Irish kase iniwan siya ni Nicolas parang naiiyak na nga si Irish eh!"

"Mukhang may pinag-aawayan sila kaya ganon. Narinig kong tumaas yung boses ni Nicolas pero hindi ko naman naiintindihan kung ano yung pinag-aawayan nila."

"Sa totoo lang hindi naman talaga sila bagay! Si Nicolas sikat na sikat tapos si Irish ay kilala lang naman bilang pinsan ni Maegan!"

Napalingon ako sa mga nagke-kwentuhan na 'yon. Nakita nila ako at napayuko sila bago umalis ng canteen.

"Mukhang nag-away sila Nicolas ah?" Tanong ni Chanlech sa akin kaya nabaling sa kanya yung atensyon ko. Napakibit balikat na lang ako.

"Hanap na akong lamesa natin. Ikaw na lang yung mag-order." Sabi ko at tumango na lang siya.

Habang naghahanap ng bakanteng upuan ay napansin ko si Irish na nag-iisa sa isang lamesa. Bigla na lang tumulo yung luha peri agad naman niya 'yong pinunasan. Gusto ko sana siyang puntahan kaso napanghihinaan ako ng loob. Nilayuan ko siya dati dahil siya ang gusto ni Nicolas pero hindi ko man lang naisip na kadugo ko siya. Mas inatupag ko pa yung nararamdaman ko kay Nicolas kesa sa closeness naming dalawa.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon