Chapter 6

7 4 0
                                    

Maegan's POV

"Bili tayo sa canteen." Pangungulit ko kay Chanlech. Ang totoo nyan ay wala naman talaga akong gustong bilhin sa canteen. Gusto ko lang makita kung may kasabay talaga si Nicolas mag-recess.

"Ano bang bibilhin mo don?" Tanong niya sa akin. Agad naman akong umisip kung ano.

"Fries." Sabi ko na lang sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at tumango. Tinatamad siguro 'tong lumabas.

Tumayo na siya at tumayo na din ako. Sinarado ko yung kinakain namin dahil baka langawin. Kinuha ko naman yung chuckie na binili niya sa akin.

"Tara na." Sabi ko at hinawakan ko siya sa braso na ikinagulat niya. Nasanay kase akong laging nakakapit kay Nicolas kapag naglalakad.

"Bakit?" Tanong ko. Tumingin siya sa kamay ko na nasa braso niya.

"Nasanay kase akong nakakapit sa braso ng iba eh." Sabi ko na lang sa kanya. Tumango na lang siya at hinayaan akong nakakapit sa braso niya.

Pansin ko namang namumula na yung tenga niya. Hinawakan ko iyon. Nagulat ulit siya at iniwas yung tenga niya.

"Bakit namumula yung tenga mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Nga-ngayon lang kase na may kumapit sa braso ko na babae." Sabi niya at natawa naman ako.

Hindi na ako nag-salita. Pagkapasok namin sa canteen ay hinagilap agad ng mata ko si Nicolas.

Bigla akong napatigil sa paglalakad ko.

Nakita ko sila Nicolas at Irish na nasa iisang mesa at parehas na nakangiti sa isa't isa.

Nakatingin lang ako sa kanila. Bigla na lamang namuo yung luha sa mata ko.

Bakit ganito? Pinipilit ko namang kalimutan na yung nararamdaman ko sa kanya. Bakit ayaw mawala? Kailangan ko ba talagang mahirapan?

Bigla na lamang may humila sa akin palabas ng canteen. Pero habang hinihila ako ng humila sa akin ay hindi ko maalis ang mga mata ko sa dati kong best friend at sa pinsan ko. Bagay sila.

Nakatulala lang ako habang hinahayaang hilahin. Napatingin ako sa paligid papunta 'to sa bench sa gilid ng building ng room namin.

Tumingin ako sa humihila sa akin. Si Chanlech na walang emosyon ang mukha. Ngayon ko lang siyang nakitang ganto.

Tumigil kami sa isa sa mga bench. Saktong pagtingin niya sa akin ay ang pagtulo ng mga luha ko. Nanlaki naman yung mga singkit niyang mata at kinapa yung bulsa niya. Mukhang naghahanap siya ng panyo pero mukha ding wala siya.

Umupo ako sa bench at hindi pa rin tumitigil yung mga luha na umaagos sa mata ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hubarin yung polo na uniform niya at naka-tshirt na lang siya ngayon. Lumapit siya sa akin at hinila niya yung tshirt niya at yun ang pinampunas sa mga luha ko.

Dugyot naman neto. Pero hinayaan ko lang siyang punasan yung luha ko gamit yung damit niya.

Umupo siya sa tabi ko nang matapos niyang punasan yung luha ko.

"Kaya ayokong bumili sa canteen eh kase makikita mo sila." Napatingin naman ako sa kanya.

"Kaya ba namili ka na lang ng pagkain natin?" Tanong ko.

"Oo, alam ko kaseng siya yung gusto mo kaya alam ko ding masasaktan ka kapag nakita mo siyang may kasamang iba." Sabi niya at unti-unti na namang tumulo yung mga luha ko.

Napayuko ako at tinakpan ng dalawang palad ko ang mukha ko.

Hinawakan niya ang ulo ko at inilagay sa mga balikat niya. Kaya naman tuluyan na akong napa-yakap sa kanya. Siniksik ko yung ulo ko sa balikat niya.

Ang bango hayop.

Tinatapik niya yung likod ko.

"Ikaw kase eh. Kung ako yung gusto mo hindi ka masasaktan ng ganto." Sabi niya.

Nasayang lang yung mga taon na pinagsamahan namin ni Nicolas dahil sa mga minutong na nilaan ko sa pag-amin sa kanya.

"Pero madaya talaga yung tadhana eh. Sila ang saya tapos tayong dalawa parehas na nasasaktan." Sabi niya na nagpatigil sa akin sa pag-hikbi.

Kumalas ako sa mga yakap ko sa kanya at tumingin sa kanya habang namumugto yung mata.

"Nasasaktan ka din?" Tanong ko at ngumiti siya sa akin ng pilit.

"Oo naman. Anong akala mo sa akin bato? Ikaw kaya sa sitwasyon ko. Yung gusto mong tao umiiyak sa harap mo dahil sa gusto niya. Pero ayos lang sa akin. Nahihirapan din ako kapag nakikita kitang umiiyak." Sabi niya. Lumukot naman yung mukha ko dahil naiiyak na naman ako.

Napayakao ulit ako sa kanya. Natawa naman siya.

"Ang panget mo hahahaha." Sabi niya at hinampas ko naman yung dibdib niya. Mas lalo naman siyang natawa.

Maswerte ba ako kase may taong nagco-comfort sa akin ng ganito o hindi kase nasasaktan ko din siya habang nasasaktan ako sa ibang tao?

•••

Chanlech's POV

Basang-basa yung kili-kili ko hindi dahil sa pawis kundi dahil sa luha ni Maegan lol.

Hindi ko kayang nakikita siyang ganto lagi.

Yung lagi siyang umiiyak sa ibang tao tapos ako yung magpupunas ng mga luha niya. Parang ang sikip lang sa dibdib dahil parang pinapa-mukha ng tadhana na hindi ako yung gusto ni Maegan.

Una kong kita kay Maegan dati ay sa parking lot. Mukhang hinihintay niya si Nicolas noon dahil nakasandal siya sa motor ni Nicolas habang nakasimangot.

Natawa ako sa itsura niya dahil para siyang emoji na umuusok yung ilong.

Lagi kaseng magkatabi ay pinagpa-park-an namin ni Nicolas. Nagkataon lang siguro.

Hindi muna ako umalis sa parking lot non. Dumating si Nicolas na natatawa rin sa itsura ni Maegan. Binatukan siya ng malakas ni Maegan. Nagulat ako dahil sa pagka-sadista netong babaeng 'to.

Hindi ko pa siya kilala non kaya naman nagtanong-tanong ako sa mga babaeng lumalapit sa akin kung kilala nila yung laging kasabay ni Nicolas pauwi.

Si Nicolas ay kilala ko na dahil malamang Basketball Player ang loko. Kaya nakakairita sa tenga na sa bawat sulok ng school na 'to ay bidang bida yung pangalan niya.

Simula nung araw na nakita ko siya sa parking lot ay lagi ko na siyang hinihintay doon. Ewan ko kung bakit.

Alam kong nakakabading yung love at first sight pero langya sige kung nakakabading 'yon. Mukhang na-bading na nga ako.


Author's Note:
Ipagpapatuloy ko ang POV ni Chanlech next chapter. Please keep supporting and voting. Thank you!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon