Chapter 30

4 2 0
                                    

Chanlech's POV

Pabalik-balik ako sa harapan ng pintuan ng Emergency Room dahil sa kaba.

Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi ko siya nasaktan hindi siya iiyak ng ganun. Hindi siya maho-hospital.

Napakatanga ko naman kase! Bakit ko ba kase sinabi 'yun!? Hindi ko man lang siya pinag-paliwanag kung bakit nga ba nandun siya! Pinangunahan ko agad ayan tuloy kung ano pa nasabi ko.

Flashback

"Sige, hindi nga kayo parehas pero tandaan mo na mas nasaktan mo ako kesa sa kanya." Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko siya sasaktan--- na kahit kailan hindi ko susubukang saktan siya pero anong ginagawa ko ngayon? Mas lalo ko pa siyang nasaktan.

Bakit ko ba kase sinabi yung mga 'yon? Nakalimutan kong sinabi niya sa aking ako na yung gusto niya. Pinamukha ko sa kanyang wala akong tiwala sa kanya.

Parang sumikip yung dibdib ko dahil harap-harapan niyang sinabi sa akin 'yon. Ewan ko ba pero pati ako nasasaktan sa sitwasyon niya ngayon. Parang nawalan siya ng kakampi. Parang pakiramdam niya walang nagtitiwala sa kanya. Pakiramdam niya walang may gusto sa pagkatao niya. Pakiramdam niya lahat sasaktan siya.

Natatakot ako na baka sa susunod wala na siyang pagkatiwalaan pa dahil natatakot siyang masaktan ulit.

Sinundan ko siya sa kwarto niya. Umupo ako sa gilid ng pinto niya. Rinig na rinig ko yung iyak niya kahit nandito ako sa labas ng kwarto niya. Napahamak pa siya dahil sa akin kagabi.

Kundi dahil sa akin hindi niya mararanasan 'yun. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sinisi ko talaga yung sarili ko sa lahat.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon