Chapter 32

7 2 0
                                    

Maegan's POV

Nang makalabas ako ng Hospital ay dumeretso na ako sa park. Inalok pa nga ako ni Chanlech na ihatid ako kaso sabi ko wag na dahil hindi pa siya naliligo. Naasar naman siya kaya hindi niya na ako pinilit pang ihatid.

Nagcommute ako at dala-dala ko yung bag ko na binigay ni mama kanina na may lamang cellphone ko, wallet na may pera at pati yung inhaler ko kung sakaling atakihin na naman ako ng hika ko.

Nang makarating sa park malapit sa dagat ay agad akong dumeretso kung saan kami laging tumatambay ni Nicolas.

May taong nakaupo sa lagi naming inuupuan ni Nicolas pero wala akong pakialam kaya lumapit ako dun at balak ko na sanang umupo nang makilala ko kung sino 'yon.

Si Nicolas umiiyak siya. Hindi ko alam ang ire-react ko dahil ngayon ko lang siya umiyak ng ganyan. At kung iiyak ako ay hindi ko pipiliing tumambay sa public place.

Kinalabit ko siya. Agad niyang pinunasan yung luha niya gamit yung manggas ng Tshirt bago siya tumingin sa likuran niya.

Naaawa ako sa kanya. Kung tutuusin swerte si Irish kase iniiyakan siya ng isang lalake at dun mo talaga makikita kung mahal ka ng lalake. Kapag iniyakan ka niya. Nginitian ko siya at sumampa sa pasimano kung saan siya nakaupo ngayon.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa dagat.

"Gusto ko sanang magpa-hangin tapos nakita kita dito nagmu-mukmok." Tiningnan ko siya at bigla siyang yumuko at nanatiling tahimik.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot. So ano? Kausap ko yung hangin dito ganun ba?

"Nico, best friend naman tayo dati. Isipin mo ngayon na ganun pa rin tayo. Para sa akin, wala namang nagbago at pwede ka pa ring mag-sabi sa akin ng problema at nararamdaman mo." Dahil sa sinabi kong 'yun napatingin siya sa akin. Nakita ko yung mga mata niyang namumula na halatang galing lang sa kakaiyak.

"Naghihintay akong mag-salita ka, Nico." Sinabi ko 'yon habang nakatitig sa mga mata niya. Dati hindi ako makatingin sa mata niya dahil parang lalo akong nahuhulog sa kanya pero ngayon wala na akong maramdaman na kung ano. Patunay na hindi ko na talaga siya gusto.

"May kayakapang ibang lalake si Irish sa kwarto niya." Mahinahon niyang sabi. Sus! May kayakap lang pala---- wait!? What? Nalaglag yung panga ko dahil sa sinabi niya.

"Totoo?" Di-makapaniwalang tanong ko sa kanya at tanging tango lang ang nasagot niya sa tanong ko. Baka nagbibiro lang 'to eh! Trip ata ako hayop!

"Sino naman yung lalake? Bakit may lalake doon? Paano mo sila nakita? Bakit ka pumunta sa bahay nila? Akala ko ba hindi ka kilala ng magulang niya?" Sunod sunod kong tanong. Napakunot ang noo niya at parang nainis sa sunod sunod kong tanong hehehe.

"Isa-isa lang mahina ang kalaban, Meg." Sabi niya. Ngumiti na lang ako na parang ewan.

"Sorry, sino yung lalakeng yumakap sa kanya?" Tanong ko ulit sa kanya ng hindi niya sinagot 'yon.

"Si Ramzien." Sagot niya na ikinalaki ng mata ko halos mahulog yung eyeballs ko sa dagat. Jusmiyo! Akala ko ba di 'yon gusto ni Irish kase ganun yung ugali? Kaloka!

"Yung nabalitang nanliligaw sa kanya dati? Yung mayabang na akala mo electric fan sa sobrang hangin?" Tanong ko at tumango na lang siya.

"Eh bakit nandun si Ramzien?" Tanong ko pa sa kanya. Kung ayaw niya magkwento magtatanong na lang ako ng magtatanong.

"Hindi ko alam." Tanging sagot niya at tatango-tango na lang ako sa walang kwenta niyang sagot. Kung 'di lang problemado 'to kanina ko pa 'to nabatukan bwisit.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon