Chapter 12

7 2 0
                                    

Chanlech's POV

Agad akong lumapit doon. Madaming tao ang nakapalibot sa amin kaya bala mas lalong hindi makahinga si Maegan dito. Ang dami dami nila pero ni-isa walang makapagdala kay Maegan sa clinic. Mga bobo bwisit!

Binuhat ko siya. Ang bigat niya langya! Baka mas lalong di ako lumaki neto.

May mga tumulong sa akin para mabuhat ko siya ng maayos. Magtitiis ako kahit mabigat siya, madala ko lang siya sa clinic.

Agad akong nag-lakad papunta sa clinic habang buhat-buhat ko siya. Malapit lang naman ang clinic dito kaya mas binilisan ko yung paglalakad para madala ko agad siya doon.

Pagpasok ko ay nagulat pa ang nurse dahil padabog kong binuksan ang pintuan ng clinic.

"Anong nangyari!? Ilagay mo siya doon." Tinuro niya ang higaan sa likod ng kurtina kaya nilagay ko naman siya doon. Nang mailapag ko na siya ay bumaling ako sa nurse.

"Nakita ko na lang na nahimatay siya sa court. Sabi ng mga magulang niya ay kanina pa siyang umagang maputla." Paliwanag ko doon sa nurse.

"Oh sige. Ako na ang bahala. Umupo ka muna doon." Sumunod na lang ako kahit gusto kong tingnan si Maegan habang inaasikaso siya ng nurse.

Napa-paypay ako sa sarili ko dahil sa sobrang init at sobrang pagod. Pawis na pawis ako pucha.

Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ng uniporme ko. Ni-text ko agad ang mga magulang ni Maegan.

To: Mama Ni Maegan
Nahimatay po si Maegan pero dinala ko na po siya sa clinic. Hindi ko pa po alam kung anong kalagayan niya kase tinitingnan pa po siya ng nurse dito.

Baka ako yung pagalitan kapag nalaman nilang nahimatay si Maegan! Bakit ko ba kase siya nilalayuan!? Kalalake mong tao Chanlech kung makalayo ka nung nasaktan ka! Aish.

Di ko mapigilang mag-aalala. Dapat talaga bantay sarado ko si Maegan para hindi nagkaka-ganito. Hindi niya inaalagaan yung sarili niya.

Maya-maya pa ay nag-vibrate yung cellphone ko. Tumatawag yung Mama ni Maegan kaya agad ko 'tong sinagot.

"Nasaan si Maegan!? Ayos na ba siya? Nagising na ba?" Nag-aalalang tanong ng Mama ni Maegan.

"Hindi ko pa po alam dahil tinitingnan pa siya ng nurse. Nandito po kami sa clinic ng school namin." Sabi ko.

Ang sabi niya na lang ay pupunta na daw siya.

Hinawi na ng nurse yung kurtine kung saan naka-higa si Maegan.

"Kulang lang sa tulog yung kasama mo. Nawalan siya ng lakas tapos nagpagod pa ata kaya nahimatay. Anemic ba 'tong kaibigan mo?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Kaya pala eh. Dapat hindi niyo siya pinagpupuyat. Makakasama 'yon sa kanya baka lumala pa. Oh sya, magigising na din siya maya-maya. Bumili ka muna ng tubig sa canteen dahil dehydrated din yung kasama mo. Paniguradong mauuhaw 'yan pagkagising." Sabi niya kaya sinunod ko naman yung sinabi niya. Lumabas ako ng clinic at mabilis na nagpunta sa canteen para bumili ng tubig niya.

Mabilis din akong bumalik sa clinic baka kase nandun na yung Mama ni Maegan tapos hindi ako naabutan doon. Malalagot ako panigurado.

Pero pagdating ko doon ay wala pa naman yung Mama ni Maegan. Kinuha ko yung monoblock na upuan at itinabi sa higaan niya. Tiningnan ko siya mabuti.

Sobrang putla ng labi niya at halatang-halata yung eyebags niya. Tuyo din yung labi niya. Parang may sakit na malala yung itsura niya ngayon.

Napabuntong hininga ako at lumabas muna ng clinic. Pero papalabas na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan ng clinic at pumasok yung Mama ni Maegan.

"Nasaan si Maegan!?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Nandun po sa may higaan. Wala pa rin pong malay." Sabi ko at pumunta na siya doon. Kinausap niya muna yung nurse.

Lumabas muna ako ng clinic para makapag-usap sila ng maayos. Umupo ako sa upuan sa tabi ng pintuan ng clinic. Napayuko ako don.

"Kamusta siya?" Biglang may nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. Si Nicolas... Bigla na lang uminit yung dugo ko at napatayo ako.

Sinuntok ko siya. Napaupo siya sa lakas ng suntok ko

Tinitigan niya ako ng masama.

"Tangina mo Nicolas! Gustong gusto kitang bugbugin. Ayaw ko ng nasasaktan yon si Maegan. Hindi ko na nga alam gagawin ko para lang wag siyang masaktan. Ang manhid mo!" Sigaw ko sa kanya at dinaklot yung kwelyo ng uniporme niya.

"Wala akong ginagawa sa kanya. Iniwasan ko na nga siya dahil ayaw ko din siyang masaktan." Mahinahon niya pang tugon na mas nakapagpainit ng dugo ko.

"Pero yun yung mas nagpapahirap sa kanya gago!" Sinapak ko ulit siya dahil sa inis.

Maya-maya pa ay bumukas yung pintuan ng clinic. Napatingin ako don. Si Mama ni Maegan agad akong napatayo. Tumingin lang siya kay Nicolas at binaling ang pansin sa akin.

"Chanlech, anak gising na si Maegan. Hinahanap ka niya. Ihanda mo din ang kotse mo dahil dadalhin daw siya sa Hospital." Sabi ng Mama ni Maegan. Tumango naman ako at tiningnan ulit ng masama si Nicolas bago pumasok ng clinic.

Nakita ko si Maegan nakatingin sa akin. Matamlay yung mga mata niya pero ngumiti siya sa akin.

Lumapit ako sa tabi ng higaan niya.

Sinikop ko yung buhok niya sa tenga niya. Bigla siyang napatingin sa kamay ko at kumunot yung noo niya.

"Bakit may pasa yan?" Tanong niya sa akin. Malat yung boses niya.

"Wala." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Napatingin ako sa mama niya na napangisi sa akin.

"Nahuli ko silang nagsu-suntukan ni Nicolas sa labas." Sabi ng Mama ni Maegan. Patay nahuli na.

"At kailan ka pa natutong makipag-away?" Tanong niya sa akin. Masama ang tingin niya sa akin.

"Kanina lang." Sabi ko pa.

"Ma, gusto ko sanang makausap si Nicolas." Sabi ni Maegan na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kanya at kay Mama niya.

"Hindi pwede!" Napasigaw ako dahil don.

"Bakit?" Tanong ni Maegan sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin. Bumaling ako sa Mama niya.

"Papayagan niyo ba siya?" Tanong ko sa Mama ni Maegan.

"Please. Last na talaga 'to promise." Pakiusap ni Maegan sa amin.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon