Chapter 1

15 7 0
                                    

Maegan's POV

Maaga akong naghanda ngayon dahil kapag na-late ako ay baka makasabay ko na naman si Chanlech.

Nagtaka sila Mama kung bakit sobrang aga ko naman daw. Sabi ko na lang ay ayokong ma-late katulad kahapon.

Nag-suklay lang ako ng buhok at nag-pulbos saka naglagay ng konting liptint sa labi para hindi makitang maputla ako.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na mula sa kwarto ko.

"Alis na po ako." Sabi ko kila Mama at Papa.

"Hatid na kita?" Presinta ni Papa pero agad akong umiling.

"Magco-commute na lang po ako." Sabi ko at tumango na lang si Papa kaya lumabas na ako ng bahay.

Naglakad ako hanggang sa kanto ng village namin dahil bihira lang may dumaan na tricycle doon sa loob ng village namin.

Pero nang nakarating ako sa kanto ay may pamilyar na kotse ang nakatabi doon.

Hindi ko pinansin at naghintay na lang ng tricycle.

Pero laking gulat ko ng agad na umatras ang kotse papunta sa lugar kung saan ako napatayo kaya naman napaatras din ako dahil baka mahagip ako neto.

Nang makatapat yung kotse sa akin ay bumaba ang mga bintana neto. Tumambad na naman sa akin ang mukha ni Chanlech na abot tenga ang mga ngiti.

"Sakay na." Sabi niya.

Bwiset! Kaya nga ako maaga papasok ngayon para hindi ko siya makasabay tapos eto pa nangyari.

"Ayoko." Sabi ko at lumayo sa kotse niya pero inatras niya ulit ang kotse niya at tumapat ulit sa akin.

Tungunu! Ang kulit!

"Dali na pag-ako nabangga kaka-atras, ikaw sisisihin ko." Sabi niya at inirapan ko na lang siya.

"Para makatipid ka din sa pamasahe. Pag-naabutan pa tayo ng Papa mo dito baka pati ikaw malagot." Pagbabanta niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko ng ma-realize na aalis na pala si Papa maya-maya at baka maabutan nga niya kami dito.

Jusko! Ayaw pa naman ni Papa na nakikita akong may kasamang lalake pwera kay Nico na best friend ko DATI.

Wala akong naggawa kundi sumakay na lang dahil ayoko ding mapagalitan oras na mahuli kami ni Papa dito.

Tatawa-tawa siya nung sumakay ako. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Mautak talaga 'tong lalakeng 'to. Sarap hambalusin.

"Dalian mo na! Magdrive ka na!" Sigaw ko sa kanya at ngi-ngiti ngiti pa siya bago pinaandar yung kotse niya.

Himala at hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan nung pumasok ako.

Nang nakaparada na siya sa parking lot ay agad akong bumaba. Pinigilan niya ako pero hindi ako nagpa-pigil, dere-deretso akong bumaba.

Nakita ko namang bumaba siya ng nakanguso. Napangisi na lang ako dahil sa itsura niya.

Nauna na akong maglakad dahil ayaw ko talagang kasabay siya. Ang daldal-daldal niya nakaka-irita.

Ramdam kong nakasunod lang siya sa akin ngayon pero hindi siya nagsasalita kaya napalingon ako sa kanya.

Naka-simangot na siya at nakatingin sa lupa habang naglalakad. Mukhang na-badtrip dahil hindi ko siya hinayaang pagbuksan niya ako ng pinto kanina.

Huminto ako dahil lutang siya nagderw-deretso siya sa paglalakad at nabangga niya ang likod ko.

"Sorry!" Sabi niya agad sa akin. Natawa naman ako dahil sa itsura niya.

Bigla siyang natulala ng tumawa ako kaya naglaho yung ngiti sa labi ko.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ang weird netong lalaking 'to.

Hindi na ako nagpaalam sa kanyang papasok na ako. Dere-deretso lang akong pumasok sa room. Akala ko ay aalis na siya pero laking gulat ko ng nakita kong walang hiya siyang pumasok sa room namin.

"Chanlech!" Sigaw ng isa naming kaklase pero hindi niya pinansin. Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa umupo ako sa upuan ko.

"Nililigawan mo ba si Maegan?" Tanong ni Patrick na kaklase namin. Tungunu!

Napalingon naman siya at biglang ngumisi kay Patrick.

"Oo pero 'di ako nagpaalam sa kanya eh." Taas noo niyang sabi.

Umulan ng tukso sa loob ng room. Tumingin ako kay Nicolas, nakatingin lang siya kay Chanlech ng seryoso.

"Siraulo!" Sabi ko na lang kay Chanlech. Bwiset naman! Mai-issue pa ako neto.

Umupo siya sa lamesa na nasa harapan ko. Napatingala ako sa kanya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba at nakatitig lang sa akin.

Puro tukso ang naririnig ko sa mga kaklaae ko. Nakatitig lang din ako sa kanya. Napangisi ako ng makaisip ako ng gagawin.

Nakangiti pa rin siya. Bahagya akong tumayo habang nakatitig pa rin ako sa kanya. Agad kong nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

Nakita kong nanlaki ang mata niya habang napapalunok siya. Nawala yung ngiti niya kanina habang nakatingin sa akin. Mukhang napalitan 'to ng kaba.

Mas narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko dahil sa ginawa kong kalokohan.

Nilapit ko ang labi ko sa mga tenga niya.

"Pumasok ka na magta-time na." Malandi kong bulong sa kanya.

Umupo na ako at tiningnan ang ekspresyon niya.

Nakatingin siya sa malayo habang nanlalaki ang mata at lumulunok pa.

Tawa ako ng tawa dahil sa itsura niya. Agad naman siyang natauhan nung tumawa ako.

"Shet! Hahahahahaha ang sakit ng tiyan ko!" Sabi ko habang nakahawak pa sa tiyan. Nakatingin siya sa akin ng nanlalaki pa rin ang mata.

"Ha!" Malakas na buntong hininga niya.

"Jusko! Parang lalabas na yung kaluluwa ko!" Sigaw niya habang nakahawak sa dibdib at nakatingala.

Napa-arko naman ang isa kong kilay. Weird.

Bumaling ulit siya sa akin at ngumiti. Mas lalong sumingkit yung mga mata niya at lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi.

"Pwedeng isa pa?" Tanong niya. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Siraulo talaga ang isang 'to!

Tinulak ko siya palabas ng room namin. Sobrang init na ng pisngi ko. Maling kalokohan yung ginawa ko kanina jusko! Nakakaloka!

Tumatawa pa siya habang tinutulak ko.

"Bumalik ka na sa room niyo! Pisti ka!" Sigaw ko habang tinutulak siya pero humarap ulit siya sa akin kaya naman nagdere-deretso ako sa mukha niya at mas lalong malapit ang mukha namin ngayon kesa kanina!

Mas lalong lumaki ang mga ngiti niya.

Agad akong lumayo. Mas lalo atang namula yung pisngi ko. Hindi naman ako mistisa!

"Sunduin kita mamayang break time ah? Sabay tayong pumunta sa canteen. Libre ko." Sabi niya at saka naglakad na palayo.

Author's Note:
End of chapter 1✔

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon