Chapter 29

3 3 0
                                    

Maegan's POV

Nagkulong ako sa kwarto ko. Alam kong nandito pa sa bahay namin si Chanlech. Hindi ko siya pinapasok sa kwarto ko. Mas gusto kong mag-isa.

Maya-maya pa habang umiiyak ako habang inaalala yung mga nangyari kanina ay bigla na lang may kumatok sa kwarto ko.

"Anak buksan mo ang pinto. Mag-usap tayo." Nag-aalalang sabi ni Mama sa akin habang nasa labas ng kwarto ko pero hindi ako sumagot.

"Anak?" Tanong niya ulit.

"G-gusto ko po munang mag-isa 'ma." Yun ang sabi ko saka tinakpan ng unan yung mukha ko. Ayokong marinig nilang umiiyak ako. Ayokong may makakita ulit sa aking mahina ako. Ayokong makita nilang nasasaktan na naman ako.

Mas mabuti pang mag-isa ko na lang haharapin yung sakit kesa sa may nagco-comfort sa akin pero bandang huli yun din yung makakasakit sa akin.

Kakaahon ko lang pero bigla na naman akong nalunod ulit.

•••

Kinabukasan...

Tiningnan ko yung orasan sa loob ng kwarto ko. 11:23 am na. Madaling araw din ako nakatulog kagabi kakaiyak.

Pumasok ako sa banyo na nasa loob ng kwarto ko. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin.

Ang laki ng eyebags ko. Magang maga yung mga mata ko. Namumutla na naman yung labi ko dahil sa puyat kagabi. Umaatake na naman siya...

Nag-toothbrush ako at nag-hilamos.

Ramdam na ramdam ko na yung gutom dahil yung streetfoods lang naman na bigay ni Nicolas yung kinain ko kagabi at hindi na ako nag-hapunan dahil nawalan ako ng gana sa sinabi ni Chanlech sa akin.

Lumabas ako ng kwarto ko. Wala akong pake kung nandito pa rin siya sa bahay. Ang mahalaga makakain ako at makainom ng gamot dahil parang ang bigat bigat ng ulo ko.

Paglabas ko ng kwarto ko ay laking gulat ko ng nakasalampak siya malapit sa pinto ng kwarto ko. Nakaupo siya sa isang sulok habang nakasandal sa pader habang natutulog. Suot niya pa rin yung uniform niya kagabi. Hindi ba sumasakit yung batok neto?

Naramdaman niyang bumukas yung kwarto ko kaya napadilat siya at nahuli akong nakatingin sa kanya. Agad siyang napatayo at pinunasan yung mukha niya. Akala niya ata ay may panis na laway siya sa mukha.

Hindi ko siya pinansin at tumuloy ako pababa sa kusina. Ramdam kong nakasunod na naman siya sa akin. Hinayaan ko lang siya. Hindi ako tumitingin kahit nasa harapan ko siya habang kumukuha ako ng pagkain ko.

Umupo ako sa dining table at tumabi siya sa akin. Napaka-kapal ng mukha! Bwisit!

"Meg." Sabi niya habang kinakalabit ako pero patay malisya lang ako habang kumakain at nguya lang ako ng nguya.

Isipin mo Maegan wala kang katabi. Masakit yung sinabi niya sayo hayaan mo muna siya.

"Maegan sorry na oh." Sabi niya sa akin. Napairap na lang ako sa hangin habang nagme-make face.

"Maegan naman. Sige na sorry na oh." Sabi niya.

"Magtoothbrush ka nga muna!" Sabi ko sa kanya habang masama yung tingin ko. Inamoy niya naman yung hininga niya.

"Hindi naman mabaho!" Sabi niya at bigla na lang napangiti habang tumataas-baba yung kilay. Kaya naman umarko yung kilay ko sa pagtataka.

"Yieee~ bati na kami nyan!" Sabi niya at tinutusok-tusok yung tagiliran ko. Padabog kong binagsak yung kutsara't tinidor. Nagulat naman siya dahil doon.

"Akala mo ba madali lang kitang patawarin dahil don!? Alam mo Chanlech may pinatunayan ka lang sa akin. Katulad mo lang din si Nicolas! Parehas lang kayo!" Sigaw ko sa kanya bago umalis ng kusina at umakyat ulit ako sa kwarto ko. Tumulo yung mga luha ko at agad ko namang pinunasan 'yon. Akala ko ba ubos ka na? Bakit tulo ka pa rin ng tulo? Ilang oras kang tulo ng tulo kagabi hindi pa rin ba tapos?

Pero bigla na lang may humawak ng braso ko at niyakap ako.

"Hindi ako tulad niya Maegan. At kahit kailan hindi ako magiging siya." Sabi niya at pinilit kong itulak siya. Hinarap ko yung mukha niya at nakikita kong naiiyak na din siya.

"Sige, hindi nga kayo parehas pero tandaan mo na mas nasaktan mo ako kesa sa kanya." Sabi ko at bigla na lang tumulo yung luha sa mata niya. Hindi ko kayang titigan siya dahil naaawa ako kaya tinalikuran ko na siya at tumakbo sa kwarto ko. Ni-lock ko agad yung pinto at saka napadausdos yung katawan ko doon at napaupo na ako ng tuluyan.

"Tama na naman oh. Masyado ng masakit dito." Sabi ko habang kinakabog yung dibdib ko.

"Lord, pwede bang pakibigay na ako sa tamang tao? Hindi ko na kakayanin kapag yung susunod sasaktan din ako. Please..." Niyakap ko yung tuhod ko at isiniksik doon ang mukha ko.

Hanggang sa halos isang oras akong umiyak bigla na lang ako hindi makahinga. Agad kong kinuha yung inhaler ko pero ubos na yung gamot doon. Agad akong lumabas ng kwarto ko. At nakita ko na naman si Chanlech sa pwesto niya kaninang umaga. Agad akong napaupo dahil hindi na talaga ako makahinga. Barado na din yung ilong ko kakaiyak.

Biglang lumapit sa akin si Chanlech at inalalayan ako.

"Tita! Tita! Si maegan po!" Sigaw niya at binuhat ako. Nakita ko naman sila Mama na nasa salas at nag-panic na lang bigla.

"Dadalhin ko na po siya sa hospital!" Sabi agad ni Chanlech at dinala na ako palabas ng bahay namin papunta sa kotse niya.

Madaling-madali siya at pinaandar ng mabilis yung kotse niya. Naalala ko na lamang ay halos iilang minuto lang ang naging biyahe namin at nada hospital na kami.

Binuhat ulit ako ni Chanlech at pinasok sa Emergency Room kung saan yung sinabi ng nurse.

"Hinihika po siya." Nag-aalalang sabi ni Chanlech sa nurse. Pinalabas siya ng nurse sa Emergency Room. Ayaw pa niya nung una pero ilang nurse na ang tumulong mapalabas lang siya.

Sinuotan ako ng oxygen ng doctor at kung ano ano ang ginawa sa akin. Hanggang sa pati ang dextrose ay tinurok na din sa akin.

Takot na takot ako sa karayom o injection pero mas nakakatakot palang masaktan ulit.

Maya-maya pa ay nakatulog na ako dahil sa pagod kakaiyak kanina.

Author's Note:
Halos 1 week din akong hindi nakapag-update! Medyo tinamad mag-type hahahaha. Please keep supporting and voting for this story. Thank you!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon