Chapter 33

10 3 1
                                    

Maegan's POV

"Anak, ready ka na ba?" Medyo nagulat ako ng pumasok si Mama sa kwarto ko. Tapos na akong mag-ayos ng sarili ko para mamaya sa 'meet the parents' kuno. Syempre kailangan maganda ako dahil baka hindi bumoto sa akin yung mga magulang ni Chanlech kapag ang dugyot dugyot ko tingnan diba?

"Okay na po 'ma." Sabi ko at lumapit siya sa akin, tiningnan ang repleksyon ko sa salamin habang hinahawi yung kinulot kong buhok.

"Parang dati lang ako pa yung nag-aayos sayo sa tuwing lalabas tayo. Ngayon kayang kaya mo ng ayusan yung sarili mo. Dalagang dalaga ka na, anak." Madrama niyang sabi kaya naman natawa ako.

"'Ma hindi pa ako magpapakasal. Ipapakilala pa lang ako sa magulang ni Chanlech. 'Wag kang OA 'ma. I-reserve mo yung drama mo kapag ikakasal na ako." Sabi ko at hinampas naman ako ng pabiro ni Mama at nagtawana kami.

Maya-maya ay may narinig kaming bumusina sa ibaba. Kaya naman alam na naming si Chanlech 'yon.

It's been a month simula ng manligaw sa akin si Chanlech. Alam kong maikling araw pa 'yon ng panliligaw kapag kinumpara sa ibang babaeng nagpapaligaw. Kagabi ko pa din 'to pinag-isipan. And I think na tama naman yung desisyon ko. I also ask my mother about it and she agreed about that. Mas masaya pa nga si Mama nung tinanong ko sa kanya 'yon.

Sasagutin ko na si Chanlech.

Hindi naman panliligaw ang pinapatagal eh. Kundi yung relasyon. At alam kong hindi sasayangin ni Chanlech ang pag-sagot ko ng "OO" sa panliligaw niya. Iba si Chanlech. Ibang-iba. And he deserve to be loved too.

Nauna na si Mama sa baba para salubungin si Chanlech. Ang sabi ko ay susunod na lang ako at pumayag naman si Mama.

Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.

Nakasuot ako ng simple maroon dress na above the knee ang haba, 3 inches black heels, and black chanel bag. Nagsuot din ako ng diamond earings at necklace na may letter 'M'.

Nang makuntento na ako kakatingin sa sarili ko sa salamin ay napag-pasyahan ko ng lumabas. Nakita ko silang nagke-kwentuhan sa sala.

Unang nakapansin sa akin si Papa kaya nagsalita siya.

"Nandyan na yung princess ko." Sabi niya at tumayo kaya napatingin sila sa akin lahat. Si Mama, mga kasambahay namin ay si Chanlech. Lahat sila ay nakangiti pwera kay Chanlech na naka-nganga lang kaya natawa naman ako.

"Pasukan 'yan ng langaw huy!" Sigaw ko sa kanya kaya natawa din sila Mama at natikom niya naman yung bibig niya. Agad naman siyang nahimasmasan at umakyat siya ng hagdan.

"Panira ka ng moment. Gandang ganda na ako sa iyo ayy." Bulong niya sa akin kaya hinampas ko naman siya ng pabiro. Natawa na lang siya dahil sinamaan ko siya ng tingin. Parang sinasabi niya na hindi na siya nagagandahan sa akin ngayon bwisit.

Inalalayan niya ako pababa ng hagdanan at pumunta kami sa salas para magpaalam kila Mama at Papa na aalis na kami. Pumayag naman sila at kilig na kilig yung mga katulong namin sa aming dalawa ni Chanlech. Natawa na lang kaming dalawa ni Chanlech.

•••

Nang makadating kami sa bahay nila Chanlech ay saka ko lang naramdaman yung kaba. Jusko! Paano pag hindi nila ako nagustuhan para kay Chanlech?

"Meg? Ayos ka lang ba?" Natauhan lang ako ng bigla akong tinanong ni Chanlech. Napalingon ako sa kanya at nakakunot na yung noo niya. Nakatulala siguro ako kanina pa.

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Tinatanong ko kung ayos ka lang?" Ulit niya pa habang papasok kami sa loob ng bahay nila at bigla akong napahinto at napahawak sa dibdib ko.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon