Chapter 26

5 2 1
                                    

Maegan's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong kay Nicolas pero hindi niya ako sinagot.

Biglang lumapit sa kanya si Chanlech. Ramdam kong naiinis na si Chanlech sa kanya. Dinaklot ni Chanlech yung kwelyo ng uniform ni Niclas.

"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi mo ba talaga titigilan si Maegan ha!? Pagkatapos saktan ng sobra si Maegan kukulitin mo siya ngayon!? Gago!" Sinapak ni Chanlech si Nicolas. Agad akong tumakbo sa harapan nila. Hindi ko alam kung bakit hindi gumanti si Nicolas. Dahil ba sa pangako niya dating hindi siya makikipag-away sa harapan ko?

Hindi ko tinulungang tumayo si Nicolas dahil ayokong maramdaman ni Chanlech na kinakampihan ko si Nicolas. Pinigilan ko si Chanlech ng akma niya ulit na susuntukin si Nicolas.

Napahawak si Nicolas sa gilid ng labi niya at nakita kong may sugat 'yon dahil sa pagkakasuntok ni Chanlech.

"Ano bang dapat nating pag-usapan ha, Nicolas? Hindi ka ba napapagod manakit? Pwes ako pagod na pagod na akong masaktan kaya please lang wag ka na babalik sa buhay ko, masaya na ako!" Sigaw ko kay Nicolas. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili niya.

"Kahit isang oras lang. Kung ayaw mo ay kahit limang minuto lang o kali sampo. Pangako, huling-huli na 'to." Sabi niya sa akin. Naiiyak na ako dahil hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to ngayon pagkatapos niyang hilingin na itigil ko na yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Sige, pagbibigyan kita. Isang oras lang. Mauna ka na sa labas." Sabi ko sa kanya kaya tumango naman si Nicolas. Hinarap ko si Chanlech at naramdaman ko namang lumabas na si Nicolas. Mahabang paliwanagan 'to panigurado.

"Bakit ka pumayag!?" Inis na tanong sa akin ni Chanlech. Ngayon lang siya nagalit ng ganto sa akin.

"Saglit lang naman 'yon Chanlech." Mahinahon kong paliwanag sa kanya.

"Maegan! Ngayon kita ipapakilala kila mama diba!? Hanep! Mas pinili mo pang makipag-usap sa kanya kesa maipakilala kita sa magulang ko! Sa bagay anong laban ko don gusto mo 'yon." Sabi niya at saka naglakad palabas ng bahay.

Hinabol ko siya pero sadyang mabilis siya maglakad kaya hindi ko din naaabutan.

Sumakay siya sa kotse niya at pinaharurot 'yon paalis. Bumagsak yung balikat ko. Nasaktan ko na naman siya. Pinilit kong hindi bumagsak yung luha ko dahil ayokong may nakakakita sa aking umiiyak. Lalo na't nandito si Nicolas.

Lumingon ako kay Nicolas at bumuntong hininga. Hindi ko din alam kung bakit mas pinili kong makipag-usap kay Nicolas kesa sumama kay Chanlech para ipakilala ako sa magulang niya.

"Pwede bang magbihis muna ako bago tayo umalis?" Tanong ko sa kanya at halos mautal ako dahil sa sobrang pagpipigil ng iyak. Tumango naman siya at kita ko sa mukha niya yung pag-aalala.

Nagmadali akong magbihis para hindi na siya maghintay ng matagal. Simpleng high-waist short lang at croptop na maroon ang sinuot ko at converse na itim na sapatos.

Lumabas na din ako at tinanong ko siya agad.

"Saan ba tayo mag-uusap?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Sumasakit na yung ilong ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Ayokong makita niyang miserable ulit ako.

"Sa Park malapit sa dagat." Sabi niya. Tumango na lang ako. Isa yun sa mga pinupuntahan namin dati.

Isang helmet lang ang dala niya at binigay niya sa akin 'yon. Wao ang sweet huh? Kinuha ko na lang agad 'yon para mabilis na lang kaming makakapag-usap.

Inalok niya ang kamay niya para tulungan akong sumakay sa motor pero hindi ko 'yon tinanggap. I'm strong independent woman! Mabilis naman akong nakasakay sa motr niya kaya hindi hassle.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon