Chapter 19

5 3 1
                                    

Maegan's POV

Hindi na muli ako nag-salita simula nung nangyari yung kanina. Hanggang sa room ay hindi pa rin ako nagsasalita dahil nag-iisip ako.

Kahit hanggang sa nagdi-discuss ang teacher hindi ko naiintindihan!

Gusto ko ba talaga siya o sadyang kinikilig lang ako?

Maya-maya pa ay may tumawag sa akin mula sa labas kaya napalingon ako dito.

Yung teacher ko dati sa math nung section 1 pa ako.

"Excuse me." Sabi ko kay Chanlech na nakaharang sa dadaanan ko. Agad naman siyang tumabi para padaanin ako.

"Bakit po, Ma'am." Tanong ko sa Teacher ko sa Math dati.

"Pwede bang ikaw muna ang mag-discuss ng lessons sa section 1?" Pakiusap niya sa akin. Pansin kong sobrang malat niya na.

"Po? Bakit po ako?" Tanong ko naman.

"Hindi pa kase dumadating yung sinabihan ko kaya kung pwede ikaw muna." Sabi pa ni Ma'am kaya wala akong naggawa kundi pumayag.

Ayoko sana dahil makikita ko na naman si Nicolas.

"Sama ako Ma'am!" Biglang may sumabat sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Chanlech na nakasilip mula sa pintuan.

"Hindi pwede. Si Maegan lang ang mapapaalam ko." Sabi ni Ma'am. Agad namang napanguso si Chanlech.

"Sige na Ma'am! Ako bahala!" Pangungulit pa ni Chanlech at natawa naman ako.

"Ang kulit mong bata ka. Hindi nga pwede hay nako!" Halatang nakukulitan na si Ma'am kaya binalaan ko na si Chanlech. Napasibangot na lang siya at pumasok sa loob ng room.

"Sige na ha? Malapit na mag-time kaya pumunta ka na don. Sasabihan ko na lang yung math teacher mo na dagdagan ka ng plus para dito. Pumunta ka muna sa faculty para sabay tayong pupunta doon." Sabi pa ni Ma'am at ngumiti sa akin bago umalis.

Nako! Kung hindi lang talaga nakikiusap si Ma'am hindi ako papayag!

Pumasok ako ng room para kuhanin yung libro ko sa math at pupunta na ako sa faculty.

Nakita ko si Chanlech na nakahalukipkip sa upuan niya at nakasibangot.

"Lukot na naman yung mukha mo." Piningot ko yung ilong niya kaya mas lalong lumukot yung mukha niya.

"Kaya mo na ba?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako agad.

"Oo naman. Hindi na 'to marupok." Turo ko pa sa puso ko. Napabuntong hininga na naman siya.

"Basta kapag kailangan mo ko i-text mo ko agad ah? Magka-cutting ako para sayo." Sabi niya at natawa naman ako dahil nag-aalala talaga siya.

"Baliw. Sige na pupunta na ako sa section 1." Sabi ko nang makalabas na ako ng room ay bigla siyang sumigaw.

"Ingat ka! Papakasalan pa kita!" Sigaw niya. Laking pasalamat ko na nasa labas na ako dahil kundi makikita niya na naman akong namumula!

Dinaanan ko muna si Ma'am sa faculty at sabay kaming pumunta sa section 1.

Pagdating doon ay agad na natahimik yung mga section 1 ng makita ako. May iba pang umawang ang bibig.

"Okay class. Dahil medyo paos talaga ako ngayon. At baka bukas ay wala na akong boses. Observation ko pa naman tomorrow. Si Maegan muna ang magdi-discuss ng panibagong lesson sa math ngayon. Gusto pa ngang sumama ni Chanlech. Pero pinagalitan ko dahil hindi ko na siya mae-excuse sa klase nila." Paliwanag ni ma'am. At pumunta na siya sa likuran at naupo sa vacant seat doon.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon