Chapter 11

7 3 0
                                    

Maegan's POV

Lumipas ang mga araw at hindi na ako masyadong kinukulit ni Chanlech. Parang iniiwasan niya ako. Siguro kase nasaktan ko talaga siya at hindi ko naman ikinakaila 'yon.

Minsan magte-text ako sa kanyang sabay kami pumasok o kali magpapahatid pauwi pero ang lagi niyang sinasabi sa akin ay may dadaanan muna siya, sira yung kotse niya o kali busy siya.

Alam ko namang ayaw niya na akong kasama kaya naiintindihan ko din siya.

Lahat na lang sila iniwan ako. Hindi nila tanggap yung ugali ko. Bakit ba kase ganito ako?

Matamlay akong pumasok sa school. Nahihilo ako dahil halos 3 oras ang naging tulog ko since nagpuyat ako kagabi kakanood ng kdrama.

Naglagay ako ng liptint para sana hindi mahalatang maputla ang labi ko pero hindi tumalab 'yon dahil hindi naman sobrang pula yung shade ng liptint ko.

Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Ayaw pa nga akong papasukin ni Mama dahil ang putla putla ko daw. Pero syempre dahil makulit ako ay magpumilit akong pumasok.

As usual tahimik akong pumasok sa room namin. Sinilip ko si Chanlech sa room nila nung dumaan ako don pero wala siya.

Nagbasa na lang ako ng libro hanggang sa dumating yung teacher namin sa 1st subject.

Nang dumating ang time ng 2nd subject. Nakaramdam ako ng uhaw. 15 minutes late na yung teacher namin. Siguro ay hindi papasok 'yon. Napagpasyahan kong bibili muna sa canteen dahil hindi naman talaga ako nagbabaon ng tubig sa school.

Pinilit kong tumayo kahit mas ramdam ko na yung hilo at panghihina ko ngayon. Ramdam kong nakatingin sa akin yung iba kong kaklase. Pati si Nico...

Dahan-dahan lang yung paglalakad ko dahil baka kapag napagod ako ay bigla na lamang akong bumagsak dito.

Sumilip ako sa room nila Chanlech ng makatapat ako doon.

Nandon siya. Seryoso habang nakatingin sa labas ng bintana. Bigla siyang napatingin sa akin. Nagulat siya. Ngumiti na lamang ako sa kanya pero hindi siya ngumiti pabalik. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Binasa ko yung labi ko dahil natutuyo na 'to. Shet sana pala hindi na lang ako pumasok ngayon. Nakakainis.

Nang makarating sa canteen ay pumila ako.

Pamilyar yung lalakeng nasa harapan ko. Pagkatalikod niya ay nagulat siya nang makita ako. Mukha ba akong Nicolas?

Hindi pa rin siya tumatabi kaya naman nag-salita na ako kahit parang wala akong boses.

"Excuse me. Bibili ako." Sabi ko. Rinig kong malat ako. Nanlaki yung mata niya. Hindi agad siya tumabi. Kulang na lang itulak ko 'to sa sobrang uhaw ko.

Ilang segundo pa bago siya tumabi. Tiningnan ko yung mga binili niya. Mga pagkain siguro na para kay Irish. Sweet huh? Bitter ako psh.

Hindi ko na lang pinansin at bumili na lang ng tubig.

Umupo muna ako saglit sa isang table bago lumabas ng canteen.

Gusto ko munang magpahangin kaya pumunta ako sa may court. Mahangin kase doon at wala namang nagpa-practice ngayon dahil oras ng klase.

Paupo na sana ako sa bench dito sa court ng bigla na lang nag-sway yung paligid ko. Agad akong uminom ng tubig pero hindi ko pa rin mapirmi yung paningin ko.

Naaninag ko si Patrick na kaklase namin na tumatakbo palapit sa akin habang sinisigaw yung pangalan ko.

Hanggang sa bigla na lang nag-dilim ang lahat at naramdaman kong bumagsak na ako.

•••

Chanlech's POV

Naiinip na ako dito sa loob ng room kahit pangalawang subject pa lang. Hindi din ako sanay na hindi kinukulit si Maegan pero siguro dapat ko muna siyang layuan para makapag-isa siya at mas madali niyang kalimutan yung nararamdaman niya para kay Nicolas.

Nakatulala lang ako sa bintana ng room namin. Hanggang sa may naramdaman akong nakatingin sa akin. Nilipat ko yung tingin ko sa labas ng bintana. Laking gulat kong nandun si Maegan at nakatingin sa akin.

Pansin kong matamlay yung mukha at mata niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ako ngumiti pabalik.

Kinuha ko yung cellphone ko para patagong i-text si Maegan. Tatanungin ko sana kung ayos lang ba siya o may masakit sa kanya. Pero nakaagaw ng pansin ko ang isang message galing sa unregistered number.

From: +639**********
Chanlech, ang Mama ito ni Maegan. Pwede mo bang tingnan-tingnan si Maegan dyan? 'Wag mong papabayaan o malingat sa paningin mo. Hindi ata yan natulog kagabi at sobrang putla. Baka mamaya ay mandilim na naman ang paningin. Hindi ko na nga pinapapasok pero makulit pa rin at pumasok. Yun lang 'nak. Salamat.

Nanlaki yung mata ko. Nagpuyat na naman siya!? Pasaway.

Tumingin ako sa orasan sa loob ng room namin. 2 minuto na lang bago mag-recess. Hindi na ako mapakali dito sa upuan ko. Gusto ko ng hanapin si Maegan. Bakit ko ba kase siya iniiwasan!?

Nangako akong magi-stay pero anong ginawa ko!? Napaka-tanga naman Chanlech!

Maya-maya pa ay nagbell na bilang hudyat na break time na. Agad akong nagmadali palabas. Naunahan ko pa nga yung teacrr namin.

Una kong pinuntahan yung room nila. Wala siya doon.

Sunod kong pinuntahan yung bench sa tabi ng building namin. Wala pa rin siya doon.

Habang tumatakbo ako ay nasalubong ko si Nicolas. Pawis na pawis na ako dahil panay ako takbo. Tinanong ko sa kanya kung nakita niya ba si Maegan. Sabi niya ay nakita niya sa Canteen kaya agad akong pumunta doon.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa canteen dahil malayo 'to mula sa building namin at halos takbuhin ko lang 'yon ng 3 minuto.

Hinanap ko siya sa loob pero wala siya.

Pumunta ako sa counter.

"Ate nakita niyo po ba yung lagi kong kasama na babae?" Tanong ko sa cashier.

"Oo kaso umalis na siya. Namumutla nga yung batang 'yon. Tatawagin ko na sana at sasamahan ko sa clinic kaso umalis na agad." Sabi niya. Nagpasalamat naman ako.

Sunod kong pinuntahan yung court. Hindi ko na iniinda yung hingal ko dahil kailangan kong mahanap agad si Maegan. Paano na lang kung kailangan niya ng tulong!?

Nilibot ko yung paningin ko sa buong court.

Hanggang sa nakita ko may mga nagkakagulong tao sa bench. Agad akong pumunta doon at naaninag ko si Maegan na nakahandusay na sa sahig.

"Maegaaaaaan!" Sigaw ko.

Author's Note:
Please keep reading and supporting guys! Thank you♡.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon