Chapter 34

12 4 0
                                    

Maegan's POV

Hindi agad ako nakatulog dahil sa pagsagot ko kay Chanlech kagabi. Omyghad! My first boyfriend ever! Hindi ako makapaniwalang may boyfriend akong chinitong gwapo HAHAHAHA.

Tiningnan ko yung cellphone ko at nakita ko yung message ng nag-iisang kong boyfriend!

From: My Chanlech Babe!
Goodmorning Babe! Kain ka na ng breakfast mo pag-gising mo ah? Baka mamayang hapon pa ako makapunta sa inyo. Iloveyou!

Siya talaga yung pumili ng endearment namin! Inis na inis daw kase ako sa Babe kaya yun na lang daw. The more you hate the more you love! Nireplyan ko naman siya para hindi siya magtampo HAHAHAHA.

Ramdam na ramdam ko yung eyebags dahil parang nangangapal yung ibaba ng mata ko. Pumunta ako sa banyo ng kwarto ko at tiningnan ko yung sarili ko sa salamin at tama nga ako! Mukha akong panda grabe!

Ginawa ko yung morning routines ko bago bumaba para kumain ng agahan. Mga 10:20 na ngayon at normal na gising ko lang 'to araw araw. Linggo naman ngayon at walang pasok kaya makakapagpahinga ako maghapon.

Napansin kong may pinag-uusapan sila Mama at Papa sa sala at mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila. Na-curious ako kaso ayoko namang sumingit habang nag-uusap pa sila kaya nagpasya muna akong kumain ng agahan bago ako magtatanong tungkol sa usapan nila.

Walang tinatago sila Mama at Papa sa akin kaya alam kong sasabihin naman nila sa akin kapag oras na nagtanong ako.

Pagtapos kong kumain ay iniligpit na ng katulong namin yung pinagkainan ko.

Papunta ako sa sala ngayon kung nasaan sila Mama at napansin kong tahimik na silang nanonood ng T.V. ngayon. Umupo ako sa tabi ni Mama bago ako nagtanong.

"May problema ba 'ma?" Tanong ko at napatingin naman siya sa akin. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan sa tingin na 'yon ni Mama. Tumingin ako kay Papa at umupo siya sa kabilang side ko.

"Anak 'wag ka sanang mabibigla sa sasabihin namin at ayaw naming mangialam ka dito oras na malaman mo 'to." Sabi ni Papa. Binibitin pa nila ako manong sabihin na agad! Mas lalo akong kinakabahan.

"Ano ba 'yon 'Pa? Sabihin niyo na." Naiinip kong tanong sa kanila.

"Si Nicolas nakakulong siya ngayon." Biglang nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi ni Mama. No! Mabait na tao si Nicolas at alam kong wala siyang kayang gawin na ikakakulong niya!

"Ha!? Baka nagkakamali kayo! Hindi kriminal si Nicolas!" Sabi ko at napatayo na ako.

"Anak, kumalma ka. Nakapatay si Nicolas dahil pinagtanggol niya si Irish sa isang bar kung saan nag-iinom sila Irish kasama yung mga kaibigan niya. Binastos si Irish doon ng isang grupo ng lalake at humingi ng tulong yung mga kaibigan ni Irish kay Nicolas. Nakipagbasag ulo doon si Nicolas dahil sa galit sa pamba-bastos kay Irish at kailangan niyang maligtas yung girlfriend niya mula sa pamba-bastos nung grupo. Self defense ang nangyari pero siya ang nadiin dahil walang nagpatunay sa sinabi niya. Ayaw ng tita at tito ni Nicolas na makialam ka doon. Wala ka din namang magagawa doon dahil wala tayong mapapatunayan na ebidensya dahil wala tayo sa pinangyarihan ng gulo." Paliwanag ni Mama ko. Naiyak ako dahil sa awa kay Nicolas. Siya ba ang dapat makulong ng ilang taon sa loob ng selda kahit wala naman talaga siyang kasalanan? Maging si Mama ay naiiyak na din. Naramdaman ko ang paghaplos ni Papa sa likod ko upang i-komportable ako kahit papaano.

"Sa kwarto muna ako." Sabi ko sa kanila. Ramdam kong nakatingin lang sila sa akin habang papa-akyat ako sa kwarto ko. Malungkot din sila dahil naging anak na din nila si Nicolas.

Iniyak ko sa kama ko yung lungkot ko. Wala akong maggawa para kay Nicolas. He was my best friend back then pero eto ako nagmu-mukmok sa kwarto ko at naghihintay lang ng mga susunod na mangyayari.

Inabot ko ang cellphone ko. Kailangan ko ng kausap at masasandalan ngayon. Ni-dial ko ang number ni Chanlech at sinagot niya naman agad yung tawag ko.

"I need you right now." I said while sobbing.

"Wait! Why are you crying? Anong nangyari!? I'm on my way there. Just wait for me." Sabi niya at hindi na ako nakasagot. Pinatay niya na yung tawag. Nagda-drive na siguro yun ngayon.

Yun ang gusto ko kay Chanlech. Kapag kailangan ko siya ay wala siyang alinlangan para manatili sa tabi ko.

Ilang minuto na akong iyak ng iyak dito dahil sa pag-iimagine ng mangyayari kay Nicolas sa loob ng kulungan. Gusto ko siyang dalawin.

Biglang may kumatok sa kwarto ko. Alam kong siya na 'yon. Bumukas yung pinto ng kwarto ko at nagma-madali siyang lumapit sa akin. Ang gulo gulo ng buhok niya at nakapam-bahay pa siya ngayon. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at hinarap sa mukha niya. Kitang kita yung pag-aalala sa singkit niyang mga mata.

"Anong nangyari? Tinanong ko sila Mama mo pero sabi nila ikaw na lang daw ang magkwento sa akin. You can start now. I'll listen." Sabi niya kaya umayos ako ng upo bago kinwento ko sa kanya lahat ng sinabi ni Mama sa akin and I end up crying again. Niyakap niya ako.

"Magiging ayos din ang lahat. Alam ko ding hindi magagawa ni Nicolas 'yon. Hindi niya deserve makulong, babe. Makakalaya din siya dahil wala naman talaga siyang kasalanan. Maybe not now but soon. Just wait for the right time. And sumunod ka sa sinabi ng tita at tito ni Nicolas. 'Wag na tayong makialam dahil baka 'yun pa ang makasama sa plano nila. Kakayanin ni Nicolas 'yon. He's a strong person by the way." Sabi ni Chanlech habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Tumahan ka na, hihikain ka na naman nyan eh." Sabi niya habang hinahaplos yung likod ko.

Gusto kong dalawin si Nicolas pero alam kong iiyak lang ako don at baka awayin ko pa yung mga nagbabantay doon at sila ang sisihin ko kung bakit nakulong si Nicolas.

Sobrang swerte ko sa boyfriend ko dahil kahit anong problema ko lagi siyang nandyan para makinig at pagaanin yung loob ko.

Hindi ako nagsising siya yung mahal ko ngayon.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon