Chapter 38

17 2 7
                                    

Maegan's POV

"Anaaaaak! Kanina ka pa tingin ng tingin sa salamin. Baka mamaya mabasag na yan ha." Sabi ni Mama habang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at pinapanood ako.

"Syempre 'ma. Ang ganda ko kali ngayon. Hindi lang ako makapaniwala sa itsura ko!" Sabi ko kay Mama at natawa naman siya. Lumapit siya sa akin.

"Syempre anak kita. Tsaka kahit di ka nakaayos maganda ka pa din 'no! Napaibig mo nga yung nobyo mo ngayon eh HAHAHAHA." Pang-aasar sa akin ni Mama at natawa din ako.

"Hindi na ako magtataka kung sa susunod na pag-aayos mo ay nakatrahe de boda ka na." Parang naiiyak na sabi ni Mama at natawa naman ako dahil sa ang layo na ng naiisip na ni Mama. Masyadong advance kumbaga.

"Matagal pa yun 'ma. Tsaka dapat nasa tamang edad na ako bago mangyari yun. Gusto ko pang mapalitan lahat ng paghihirap niyo sa akin habang lumalaki ako." Tuluyan ng naiyak si Mama dahil sa sinabi ko with matching singhot pa ng sipon HAHAHAHAHA.

"Pinapaiyak mo naman ako eh! Mamimiss ka namin ng Papa mo oras na hindi ka na dito nakatira. Oh siya! Tama na ang dramahan. Baka nasa baba na yung nobyo mo at sinusundo ka na. Baka ma-late pa kayo sa graduation niyong dalawa." Sabi ni Mama at tumayo na din ako at kinuha yung gamit ko saka sumabay kay Mama palabas ng kwarto ko.

Ga-graduate na kami ngayon. Board exam na lang at magiging license engineer na kami! Relationship goals!

Hindi ko akalain na yung lalaking nangungulit lang sa akin dati ang makakasama ko sa pagtupad ng mga ganitong relationship goals. Parang dati patay na patay pa ako sa best friend kong hindi marunong mag-loveback.

Nakita ko si Chanlech na nasa sala at nakasabit na din sa braso niya yung toga niya. Kausap siya ni Papa.

Lumapit ako sa kanila pati si Mama at tumabi kay Papa. Kaya napatingin si Papa at si Chanlech sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanila. Tuwang tuwa maski sila Mama at Papa dahil magkasabay kaming ga-graduate ngayon. Sayang daw at hindi ganito ka-ganda ang love story nila Papa dati dahil sa trabaho nagsimula ang love story nila.

"Picture-an ko kayong dalawa!" Sabi ni Mama at hiniram yung cellphone ni Papa.

Inakbayan naman ako ni Chanlech at parehas nakasabit sa braso namin ang togang susuotin namin para sa graduation namin.

"Ang sweet niyo talaga! Sana lang ay kahit ilang taon ang lumipas ay ganyan pa din kayo. Tingnan mo kami ng Papa mo walang nagbago simula noon." Sabi ni Mama at nagda-drama na naman. Natawa naman kami parehas ni Chanlech.

"Ganun daw po talaga kapag nananaig ang pagmamahalan. Walang makakapagpabago kahit anong mangyari." Sabi ni Chanlech at sila Mama't Papa naman ang natawa.

"Oh siya tara na baka mahuli pa tayo sa graduation niyo sa kadramahan niyo." Sabi ni Papa at hinampas naman siya ni Mama sa braso. Ang mga magulang ko parang mga teenager pa rin kung umasta. Parang magjowa lang silang dalawa kapag magkasama.

Sa kotse ako ni Chanlech sumabay dahil 'yun ang sabi ni Mama ko. Wala na akong naggawa dahil pinilit niya talagang dito ako sumabay.

"Dala mo ba lahat ng kailangan mo?" Tanong ko kay Chanlech na nakangiti habang nagda-drive. Napataas ang kilay ko ng nakita ko siyang nakangiti.

"Oo." Sagot niya at mas lalong lumawak yung pagkakangiti niya.

"Bakit ka nakangiti?" Tanong ko sa kanya.

"Masama ba?" At bigla na siyang natawa. Hindi ko alam pero mukhang takas talaga sa mental 'tong boyfriend ko.

"Bakit nga?" Inis ko ng tanong sa kanya.

"Inis ka naman dyan agad. Masaya lang ako kase syempre dati pangarap lang natin 'tong dalawa. Tapos tingnan mo ngayon unti-unti na nating natutupad mga hinihiling natin para sa atin." Sabi niya. Hindi ko akalain na iniisip niya din pala 'yon. Para kase sa akin hindi naiisip ng lalake 'yon dahil masyadong cheesy at nakakawala ng pagka-lalake nila.

"Seryoso? Bakit parang ang bading pakinggan pag-ikaw nagsasabi?" Sabi ko sa kanya at natawa naman ako dahil sumimangot siya. 'Yan ang pinaka-ayaw niya yung kine-kwestyon yung pagkatao o pagka-lalake niya. Masyadong pikon kapag inaasar.

"Sige gumanyan ka. Kung bading ako bakit mo pala ako pinatulan ha?" Nagsisimula na siyang maasar dahil nababakas ko na sa boses niyo.

"Kase love kita." Ngumiti pa ako ng pagkatamis tamis sa kanya at biglang namula yung tenga niya at napangiti na din siya. Natawa na lang ako dahil sa itsura niya kapag kinikilig sa mga banat ko.

Nakadating kami sa University namin at maganda ang pagkaka-ayos para sa graduation namin. Nakasunod si Mama't Papa ko sa amin.

"Si Mommy mo?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko napansin yung mga parents niya.

"Papunta pa lang daw. Alam mo naman si Mommy gusto laging maganda yung ayos. Laging naiinip si Daddy kakahintay doon." Sabi niya at natawa na lang kami.

Sinuot na namin yung toga namin. Tinulungan niya pa ako dahil baka daw masira yung ayos ko kapag sumabit yung toga sa mukha ko.

"Anak! Ang sweet niyo dito oh!" Sabi ni Mama at pinakita yung picture na inaayos ni Chanlech ang toga ko.

"Papasa po ako mamaya, 'Ma. Ipo-post ko po agad 'yan sa Facebook." Sabi ni Chanlech at natuwa naman si Mama dahil kanina pa siyang picture ng picture sa aming dalawa.

Maya-maya ay nagsimula na ang ceremony.

Ako ang unang tinawag kesa kay Chanlech. Todo cheer siya sa akin habang nasa stage at panay sigaw ng 'girlfriend ko 'yan!' HAHAHAHA natawa na lang sa kanya yung mga estudyante at ibang parents dahil siya lang yung sobrang lakas ng boses.

Nang siya naman ang pumunta sa stage ay todo cheer din ako bilang pambawi. Bigla siyang nagflying kiss sa akin habang nasa stage at natawa na lang din ako. Kilig na kilig yung mga kaklase ko syempre pati ako din HAHAHAHA.

Puro picture yung ginawa namin matapos ang graduation.

Isa sa pinaka hindi namin makakalimutan ang grumaduate ng sabay at matupad ang pangarap namin ng sabay.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon