Chapter 4

8 6 0
                                    

Maegan's POV

Maya-maya pa ay umuwi na din si Chanlech. Naka-ilang sorry siya sa akin. Natawa na lang ako dahil ang akala niya talaga ay galit ako sa kanya.

Natulog na din ako nang umuwi siya.

Kinabukasan...

Pagka-gising ko ay naligo agad ako,nag-bihis ng uniform at bumaba na para mag-agahan.

Nasa hagdanan na ako ng bahay namin ng may marinig akong kausap nila Mama at Papa.

"Lagi mo pala siyang hinhatid papasok eh. Bakit hindi ka pa dito sa bahay naghihintay? Laging nasa kanto ka lang?" Si Papa ko 'yon.

Nag-madali akong pumunta sa kusina. Laking gulat kong nandun si Chanlech at ngiting-ngiti siya habang kausap sila Papa at Mama. Jusko! Nandito na naman ang bansot.

"Goodmorning." Bati ko para maagaw ko ang pansin nila. Agad naman silang lumingon sa akin at binati din ako pabalik.

"Goodmorning beautiful!" Sabi ni Chanlech at sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"'Nak dun ka na umupo sa tabi ni Chanlech." Sabi ni Mama kaya wala na akong naggawa kundi dumeretso sa upuan na nasa tabi ni Chanlech.

Agad na tumayo si Chanlech at hinila ang upuan para sa akin at inalalayan pa akong umupo.

Umupo din naman siya agad at inabutan ako ng kanin pati mga ulam. Naiilang ako dahil nandito sila Mama at Papa. Tumingin ako kila Mama at Papa tuwang tuwa sila kay Chanlech ngayon.

"Nanliligaw ka na ba kay Maegan?" Tanong ni Papa. Bigla akong nasamid. Inabutan naman ako agad ng tubig ni Chanlech at hinimas pa ang likod ko.

"Hindi pa po eh. Gusto ko po munang mas makilala ako ni Maegan at para din po maa masanay siya sa presensya ko." Sabi niya at napangiti naman si Papa sa sagot niya.

"Mabuti nga 'yon. Maegan, boto ako kay Chanlech kaya kapag nagpaalam siya sayong manliligaw siya ay payagan mo agad." Sabi pa ni Papa. Jusko! Yung ibang tatay ayaw na ayaw paligawan yung anak na babae. Pero etong tatay ko gustong gusto magpaligaw ako kay Chanlech.

Sino ba talaga yung anak niya? Ako o si Chanlech? Nakakaloka!

Nang matapos ako kumain ay nagpaalam ulit akong pupunta sa taas para kuhanin yung gamit ko. Pumayag naman sila.

Sabi ni Chanlech ay sa labas niya na lang daw ako hihintayin. Tumango na lang ako.

Nag-tootbrush ako sa banyo na nasa loob ng kwarto ko. Pagtapos non ay nag-suklay ako at naglagay ng konting pampa-ganda sa mukha.

Nang naging maayos na ang itsura ko ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.

"Alis na po kami." Paalam ko kila Mama at Papa at hinalikan sila sa pisngi.

Nang makalabas ako ng bahay ay nakita ko si Chanlech na nakasandal sa kotse niya.

Agad siyang tumayo ng maayos ng makita ako. Agad siyang pumunta sa passenger's seat para pagbuksan ako ng pintuan. Hinayaan ko na lang siya.

Sinarado niya 'yon at pumunta sa driver's seat.

Pinaandar niya ang kanyang kotse. Nagtataka ako kung bakit siya nagsasalita ngayon.

"Ang tahimik mo yata?" Sabi ko kaya napalingon siya sa akin.

"Baka kase masyado ka ng nakukulitan sa kadaldalan ko." Sabi niya at natawa naman ako.

"Medyo lang pero mas sanay ako kung nag-iingay ka." Sabi ko at napangiti naman siya.

Mabilis kaming nakarating sa school. Hindi ko muna binuksan ang pintuan ng kotse niya dahil alam ko namang bubuksan niya 'yon para sa akin. Agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Hinawakan niya ang ulo ko para hindi ako mauntog.

Biglang may nag-ring sa cellphone niya.

"Una ka na. Sasagutin ko lang 'to." Sabi niya sa akin at tumango na lang ako bago nag-lakad ulit.

Nakita ko si Nicolas. Napatingin din siya sa akin pero agad din niyang iniwas yung mga mata niya na lagi niya namang ginagawa tuwing nakikita ako.

Umupo ako sa upuan ko sa loob ng room namin.

Mukhang hindi na pupunta si Chanlech dito dahil magta-time na.

Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin sa first subject.

Napatingin ako saglit sa cellphone ko kung may text siya pero wala. Mukhang naging mahaba yung pag-uusap nila nung tumawag sa kanya.

Nag-discuss na yung teacher namin. Nilabas ko ang ballpen at notebook ko para magtake-down ng notes.

Maya-maya ay biglang may kumatok sa sa pintuan ng room namin. Lahat ay napalingon doon.

Nahulog yung ballpen ko kaya pinulot ko muna 'to.

"Ma'am excuse po kay Maegan." Sabi nung nag-salitang lalake mula sa labas ng room namin. Nang mapulot ko na ang ballpen ay lumingon ako doon.

Si Chanlech! Walangya talaga.

Tumango yung teacher namin.

"Sabay tayo mamayang recess at lunch ah? Sunduin kita! Yun lang po thank you po!" Pasigaw na sabi ni Chanlech at saka mabilis na umalis.

Nakatulala pa rin ako sa labas. Ang kapal ng mukha niya! May teacher na't lahat tapos yun lang ang sasabihin niya! Bwiset!

Tinukso ako ng mga kaklase ko. Tumingin ako sa teacher namin at siya ay napapangiti na din sa akin. Napayuko na lang ako sa sobrang hiya. Jusko!

"Bagay kayoooooo." Sigaw ng isa kong kaklase na nasa likuran at tiningnan ko naman siya ng masama.

Tumingin ako kay Nicolas pero nakatingin lang siya sa notebook niya at parang walamg pakialam sa nangyayari ngayon sa loob ng room.

Hindi man lang ba siyang nagseselos!? Sa bagay wala naman pala siyang gusto sa akin, bakit siya magseselos!?

Ang tanga mo Maegan!

"Kayo na ba?" Biglang tanong ng teacher namin kaya mas lalong umingay yung mga kaklase ko.

Ang init na ng mukha ko!! Lagot ka sa akin mamaya Chanlech!

"Hindi po!" Sabi ko agad.

"Pero nanliligaw siya sayo?" Tanong ulit ng teacher namin. Eh ano bang pakialam niya?

"Hindi pa po." Sabi ko din naman agad pero agad kong na-realize yung sinabi ko pero bago pa makapag-paliwanag ay naunahan na ako ng teacher namin.

"Hindi pa pero soon." Sabi ng teacher namin at napayuko na lang ako sa sobrang hiya.

"Bagay naman kayo hahaha." Biro pa ng teacher namin. Jusko! Pati ba naman teacher sinasabing bagay kami!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon