Chapter 9

6 3 0
                                    

Maegan's POV

Matapos ng pag-uusap namin ni Chanlech ay ilang saglit pa kaming nanatili doon bago niya ako iniuwi. Wala ng nagsasalita sa amin.

Tinanong niya pa ako kung gusto ko daw bang kumain muna sa labas bago umuwi pero tumanggi ako dahil parang lamyang-lamya ako ngayon kakaiyak.

Inihinto niya na yung sasakyan sa tapat ng bahay namin. Tinanggal ko yung seatbelt ko. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Thank you. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Sige. Goodnight." Sabi niya sa akin at ngumiti din pabalik.

Pumasok na ako sa loob ng gate namin. Nakasilip pa rin ako sa labas at tiningnan kung aalis na siya pero nakatayo pa rin siya sa gilid ng kotse niya. Nag-gesture siya sa kamay niya na pumasok na ako.

Tumango na lang bago naglakad papunta sa pinto ng bahay namin.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na humingi ng pabor kay Chanlech at sinabi ko pang hindi siya mahirap magustuhan jusko! Paano na lang kapag hindi ko napanindigan yung sinabi ko? Paano na lang kapag hindi ko talaga siya kayang gustuhin!?

Bwisit! Napaka-shunga mo Maegan!

•••

Lumipas ang maraming araw. Hindi naman ako na-awkward kapag kasama ko si Chanlech. Pero naninibago daw siya sa akin dahil mas naging tahimik daw ako ngayong mga araw.

Siguro kase hindi pa rin ako makapaniwala na unti-unti ng pumoporma si Nicolas kay Irish. Baka hindi na makaya ng puso ko kapag nalaman kong nililigawan niya na si Irish.

"Kain muna tayo sa labas." Sabi ni Chanlech. Tumango na lamang ako.

Hindi ako pumasok ngayong araw. Pinuntahan niya ako sa bahay.

"Paalam mo ko kila mama." Sabi ko sa kanya.

"Kanina pa kita napaalam hahahaha." Sabi niya at napataas naman yung kilay ko.

"Para kapag hindi ka pumayag sila na yung magsasabi sayo na kakain tayo sa labas." Sabi niya at tumatawa pa siya. Mautak talaga 'tong lokong 'to.

Nasa trabaho pa rin sila Mama at Papa.

Nag-bihis ako bago bumaba. Lumabas na kami ni Chanlech ng bahay. Nasanay na akong laging nakikitang sabay na umuwi sila Nicolas at Irish. Masakit pa rin pero pinipilit kong 'wag ipakitang apektado ako.

Tahimik lang akong pumasok sa kotse ni Chanlech. Pumasok na din siya sa driver's seat at tahimik lang din siya.

Maya-maya pa habang bumabyahe bigla na lang siyang nagsalita.

"Ang galing mong magtago na nasasaktan ka." Sabi niya at lumingon naman ako.

Walang emosyon yung mukha niya habang nakatingin sa kalsada.

"Nasanay na siguro ako." Lumingon siya sa akin ng sinabi ko 'yon pero hindi siya nagsasalita.

Nag-iwas na ako ng tingin at hindi na din nag-salita. Ewan ko ba. Hindi ko kayang tumitig sa mga mata niya. Kulay brown yung mata niya at parang maraming sinasabi kahit laging nakangiti yung mga mata niya.

Dinala niya ako sa paborito kong fast-food restaurant. Sa Jollibee!!!

"Anong order mo?" Tanong niya ng makahanap kami ng upuan.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon