Chapter 36

7 4 0
                                    

Maegan's POV

Years passed and we're still together.

Time check, it's already 10:30 in the evening. I'm with my family and Chanlech's family in our house. Nag-decide sila na sa noche buena kila Chanlech kami at sa salubong ng bagong taon ay dito naman kami sa bahay.

"Babe!" Tawag sa akin ni Chanlech habang inaasikaso yung barbeque. Nakakatawa lang dahil asar na asar siya habang nag-iihaw doon. Pinilit lang siya ni Mama niya since ayaw na ayaw niyang nagluluto siya. Sabi naman ni Mama na tulungan ko siya kaso tinatamad ako kaya nanonood lang ako sa kanya habang tumatawa kapag napapaso siya.

"HAHAHAHAHAHA you're cute kapag nag-iihaw ka." Tatawa-tawa kong sabi habang nasa duyan dito sa pool area ng bahay namin. Dito kase nila napagdesisyunang place dahil kitang kita dito yung nga fireworks dahil walang bubong.

"Ganyan ka bang girlfriend? Kinaka-kawawa mo ako dito! Ayaw mong tulungan yung future asawa mo!" Sabi niya habang nagpa-paypay sa baga kaya mas lalo akong natawa dahil sa itsura niya.

Actually halos magta-tatlong taon na kaming dalawa. Ni-hindi ko nga naisip na sobrang tagal na namin! At mabuti namang hindi pa kami nagki-kiss!!! Omyghad, I can't imagine myself kissing him! HAHAHAHAHA.

"Seriously? Galit ka na dahil hindi kita tinutulungan? Be a gentleman, babe! Di mo na ba ako love at gusto mong mapagod ako dyan?" Paawang sabi ko sa kanya at napataas naman yung kilay niya. Lagi siyang naiinis kapag tinanong ko sa kanya kung hindi na niya ako love. He ended up saying na kine-kwestyon ko daw yung pagmamahal ko sa kanya HAHAHAHAHA.

"Fine! Just don't ask again if I don't love you anymore." Sabi niya at nag-focus sa iniihaw niya habang naka-kunot ang noo. May naisip akong trip para sa kanya.

Lumapit ako sa kanya pero hindi niya ako pinapansin! Naasar na naman siya dahil sa tanong ko kanina. Ang babaw talaga netong kumag na 'to!

Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat at ikinatulala niya. Bigla siyang namula sa hindi malamang dahilan. Kung dahil ba sa init ng baga o dahil sa halik ko sa kanya.

First time lang 'yon! At natawa ako sa reaksyon niya dahil don. Sa cheeks lang naman 'yon kaya hindi big deal beside he's my boyfriend!

"HAHAHAHAHAHAHA! Ang epic ng mukha mo! Dapat pala pinicturan kita! Omyghad HAHAHAHAHAHA." Sabi ko habang nakahawak na sa tiyan ko kakatawa. Hindi siya natinag. Nakatulala pa rin siya sa kawalan habang walang malay na nagpa-paypay pa rin sa iniihaw niya.

"Hoy! Masusunod na yung baboy oh!" Turo ko pa sa mga iniihaw niya pero hindi pa rin siya natitinag kaya hinalikan ko siya ulit sa cheeks. Napalingon na siya sa akin habang nanlalaki yung mata.

"Ninakawan mo ako ng halik!" Sigaw niya sa akin.

"Big deal ba 'yon?" Tanong ko sa kanya at hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa kapag tintititigan ko yung mukha niyang mapula pa rin.

"First time na may humalik sa akin babe! Hindi ako ready! Baka may uling pa nga ako sa pisngi. Sana sinabihan mo ako bago mo ginawa 'yon!" Naiinis niya sabi na hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi.

"At bakit naman kita sasabihan bago ko gawin 'yon? Edi nawala yung trip ko?" Sabi ko sa kanya at ngumiti siya nang pagkatamis-tamis.

"Para nakalingon ako tas nasakto sa lips hihihi." Bigla akong nagulat sa sinabi niya kaya hinampas ko siya ng hinampas. Jusko! Nakakaloka!

"Siraulo ka! Mag-ihaw ka na nga dyan bwiset!" Sabi ko. Ako yung nanti-trip tapos bandang huli ako yung napikon argh!

Habang nagbabasa ako dito sa may duyan ay hinayaan na lang ako ni Chanlech habang siya nag-iihaw pa rin. Nagluluto sila Mama at pamilya ni Chanlech sa loob at paniguradong nagtsi-tsismisan din.

Maya-maya ay chineck ko kung akong oras na at 11:30 na! Tiningnan ko si Chanlech at kakatapos niya lang sa pag-iihaw. Binuhat niya na yung mga inihaw niya at ilalagay na sa loob. Dahil madami 'yon lumapit na ako sa kanya para tulungan siya. Nakakahiya naman! Bahay namin 'to tapos ako pa yung prinsesa. Sasabihin na naman ni Mama hindi ko inaasikaso bisita ko.

"Akin na yung isang plato." Sabi ko sa kanya at binigay niya naman sa akin 'yon.

Sabay kaming pumasok sa kusina ng bahay at naabutan namin silang nagta-tawanan. May sariling kwentuhan sila Mama at Mama ni Chanlech at may sarili ding kwetuhan si Papa at Papa ni Chanlech.

"Tapos na po yung pinapa-ihaw niyo sa amin." Sabi ko at biglang lumingon sa akin si Chanlech na nakataas yung isang kilay.

"Anong sa amin? Ako lang yung nag-ihaw nyan." Sabi niya habang nakakunot yung noo kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Hoy kung wala ako don, wala kang inspirasyon habang nag-iihaw!" Sigaw ko sa kanya at napailing na lang siya.

Natapos na din magluto sila Mama kaya nilagay na namin lahat ng handa sa lamesa sa pool area. 11:50 na at konting minuto na lang new year na!

"Talon ka mamaya ah para tumangkad ka." Pang-aasar ko kay Chanlech habang nakangisi at kinurot niya lang yung pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil may panggi-gigil yung pagkurot niya sa akin.

Kumain muna kaming lahat hanggang sa naabutan na kami ng countdown na nakita namin sa cellphone ni Tito ( Papa ni Chanlech) na nakita niya sa live sa fb kaya tinigilan muna namin yung pag-kain at sinabayan ang pagbibilang.

5...

4...

3...

2...

1...

"Happy New Year!!!" Sabay sabay na sigaw namin at inaasikaso nila Chanlech yung firework at pinaputok na 'yon. May torotot din ako na binili ni Chanlech lol. Bawal daw ako magpa-putok baka daw shu-shunga shunga ako.

Tumalon talon din ako dahil sabi ni Mama ay tatangkad daw kapag tumalon ng bagong taon. Aliw na aliw kami sa fireworks na pumuputok sa kalangitan hanggang sa biglang nagsalita si Chanlech.

"Tita may kukuhanin lang po kami sa kotse. Regalo ko po para kay Maegan." Paalam niya kay Mama at tumango naman ito. Hindi ako aware na may regalo siya sa akin kahit lahat ng okasyon ay binibigyan niya ako. Syempre mahirap mag-expect!

Pumunta kami sa kotse niya at kinuha ang isang maliit na regalo. Papasok na sana ako sa loob nang bigla niya akong pigilan.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Dito ko na lang 'to ibibigay. Nahihiya ako sa magulang mo at sa parents ko." Sabi niya at natawa naman ako. Binigay niya sa akin yung maliit na kahon.

"Buksan mo na." Sabi niya at sinunod ko naman. Nakita ko ang kuwintas na diamond na heart at parang may nakaukit dito. Tiningnan ko 'yong mabuti at ang nakalagay

Stay
C&M

Shaks! Mukhang mamahalin tapos inukitan lang!? Hindi ko alam kung manghihinayang ako sa mga diamond na naukit dito.

"Ang ganda!" Full of sincerity na sabi ko sa kanya. At napangiti naman siya. Bukas ko pa ibibigay yung regalo ko dahil hindi pa 'yon nababalutan.

"Suot ko sayo." Sabi niya at binigay ko naman sa kanya. Pinatalikod niya ako at sinikop yung buhok ko at sinuot niya 'yon sa akin.

Humarap ako sa kanya. Shemay! Ang sarap sa pakiramdam kapag may ganitong kang boyfriend!

Yung kahit ilang taon na kayo hindi pa rin siya nagbabago.

"I love you babe." Sabi niya hanggang sa unti-unting lumapit yung mukha niya sa mukha ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Shemay! Eto na ba yon? Yung first kiss ko? Wait! Omyghad! Hindi pa ako ready! Pero bakit ganon sinisigaw ng isip ko na gusto kooooooo.

Hanggang sa naramdaman ko yung labi niyang nakadikit sa mga labi ko.

We're kissing in the middle of the night under the fireworks exploding in the sky.

Author's Note:
Please keep supporting and reading this story! Thank youuuu love lots!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon