Chapter 39

2 2 0
                                    

Maegan's POV

After ng graduation ay sama sama kaming nagbakasyon sa Boracay. Gusto sana ni Mama na siya na lang ang gagastos para sa pamasahe naming lahat papunta doon kaso umayaw ang Mama ni Chanlech sabi niya ay maghati na lang daw pati sa mga pagkain. Kaya walang naggawa si Mama kundi pumayag.

Pinaghiwalay kami ng kwarto ni Chanlech dahil syempre magjowa pa lang naman kami kaya bawal munang magsama sa iisang kwarto. Ayos lang naman sa amin 'yon dahik ayaw din namin ng masama ang iniisip ng magulang namin habang nasa iisang kwarto kami.

Nagpaalam muna kaming mamamasyal sa tabing dagat habang nag-aayos sila ng mga gamit. Nauna na kaming natapos mag-ayos dahil mas konti lang yung dala naming gamit pwera sa kanilang pang-isang buwan ata yung dalang bagahe. Eh isang linggo lang naman kami dito.

"Saan mo mas gusto ikasal sa akin? Sa beach o sa simbahan?" Tanong niya habang naglalakad kami sa tabing dagat. Nasaktuhan pa naming sunset ngayon at maganda yung tanawin.

"Sure na bang sayo ako ikakasal ha? Malay mo hindi HAHAHAHAHA. Pero para sa akin hindi ko alam, mas gusto ko kase parehas." Sabi ko sa kanya napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko nung una.

"So nagdududa ka na hindi ako yung magiging asawa mo ha?" Kunot noo niyang sabi sa akin kaya natawa naman ako. Humilig ako sa braso niya para lambingin siya.

"Syempre hindi. Sure na magiging Guzman yung kasunod ng Flores ko ah." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Masyado kang magastos kung gusto mo parehas na beach at simbahan. Hindi ako bilyonaryo hoy." Sabi niya at natawa kami parehas.

"Siguro simbahan na lang para sa harap talaga tayo ng Diyos mangangako." Sabi ko at napangiti naman siya.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga plano sa future namin habang naglalakad sa tabing dagat.

•••

Gabi na ng makabalik kami sa hotel na pinagcheck-in-an namin. Enjoy naman kita kami dahil napanood namin kung paano lumubog yung araw kanina.

Pupunta na sana kami sa kwarto sa taas kaso biglang may tumawag sa amin galing sa restaurant ng hotel. Sila mama pala nandun na at kakain na. Sakto lang pala yung dating namin.

Pumasok kami sa loob ng restaurant at naupo sa bakanteng upuan sa kinuha nilang lamesa.

"Kamusta yung paggagala ng magjowa? Nag-enjoy ba kayo?" Tanong ng Mama ni Chanlech habang kumakain kami. Natawa naman kami dahil magjowa yung tawag niya sa aming dalawa.

"Ayos naman 'ma. Maganda panoorin dito yung sunset. Nakakarelax." Sagot ni Chanlech.

"Hija balak mo bang magbeach wedding? Kung balak mo pwede dito. May kakilala ako dito papakiusapan ko na lang para sa kasal niyo." Sabi ng Mama ni Chanlech at nasamid naman ako kaya dali dali akong inabutan ni Chanlech ng tubig.

Natawa naman si Mama dahil sa reaksyon ko.

"Oh bakit? Tapos naman na kayo sa pag-aaral ah? Ayaw mo bang pag-usapan yung mga ganto tungkol sa future niyong dalawa ni Chanlech?" Sabi naman ng Mama ko. Natawa si Chanlech dahil don.

"Ang totoo po nyan tinanong ko na siya kung anong gusto niya kung beach wedding ba o sa church. Both daw po." Sabay sabay silang nagtawanan dahil don. Hanep out of place na ba ako?

"Nako! Mukhang gagastos ka talaga sa anak ko hijo." Sabi ni Papa na pailing iling pa yung ulo.

"'Pa naman eh! Sabi ko naman nung huli sa church na lang. Ikaw naman Chanlech kulang kulang ka magkwento." Kinurot ko siya dahil don.

Sa gitna ng pagke-kwentuhan namin biglang may tumawag kay Chanlech. Titingnan ko sana yung cellphone niya kung sino yung tumatawag sa kanya kaso di ko nakita kase tumayo na siya at hawak niya yung cellphone niya.

"Excuse lang po. Sasagutin ko lang yung tawag." Sabi ni Chanlech at tumango naman sila Mama. Pero ako nanatili lang nakatingin sa kanya habang lumalabas ng restaurant at sinagot yung tawag.

Sino naman kali ang tatawag sa kanya? Hindi mahilig tumawag yung mga kaibigan niya at mga kaklase niya sa kanya. Di naman sa selosa pero syempre curious din ako.

"Hija baka kaibigan niya lang yon. Ikaw naman masyadong malalim yung iniisip mo dyan." Sabi ni Mama ni Chanlech nang makita akong nakatingin pa din sa labas ng restaurant at hinihintay na bumalik si Chanlech. Tumango naman ako sa Mama niya at ngumiti.

Maya-maya ay bumalik na si Chanlech.

"Ahm may pupuntahan lang po akong importante. Babalik din po ako agad." Sabi niya at napataas na talaga yung kilay ko.

"Sama ako." Sabi ko. Lumingon siya sa akin.

"'Wag na. Kumakain ka pa oh. Ako na lang saglit lang naman 'to." Sabi niya at tiningnan ko yung plato niya. Hindi rin naman siya tapos.

"Ubusin mo muna yung kinakain mo." Sabi ko sa kanya.

"Marami naman na akong nakain. Saglit lang 'to promise." Sabi niya sa akin at tumingin ako kila Mama niya.

"Saglit lang naman daw eh. Hayaan mo na." Sabi ni Mama at napabuntong hininga na lang ako at marahang tumango.

"Sige bumalik ka agad." Matamlay kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at hinalikan yung noo ko bago siya umalis.

Ewan ko pero first time na nagpaalam siya at hindi sinabi kung saan talaga siyang pupunta.

Nakailang buntong hininga ako habang kumakain. Sana hindi totoo yung mga pumapasok sa isip ko. Hindi naman ganung klaseng lalake si Chanlech. Alam niyang sobrang laki ng tiwala ko sa kanya at alam kong hindi niya 'yon sisirain.

Nagke-kwentuhan sila Mama at Mama ni Chanlech pero wala akong maintindihan dahil isip ako ng isip kung saan ba talaga pupunta si Chanlech.

Sila Papa naman ay nakikisali din sa usapan nila.

Sana naman hindi dito simula yung pagbabago ni Chanlech. Sa tagal na namin baka biglang matapos lang din ang lahat. Wag naman sana.

Author's Note:
Tagal ulit di nakapag-UD HAHAHAHA. Kinakain na ako ng katamaran mag-type ng kwento HAHAHA. Keep reading and supporting my story guys! Thank youuuu!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon