Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ja's POV
Minsan kasi, mas madalingmag-let go lalo na kapag alam mong you already had enough of everything that's happening in your life pero alam mo kung ano ang mas mahirap? Mas mahirap kung wala ka namang ile-let go.
I smiled when I read that passage from a book. Tama naman ata? Ewan.
I turned to my best friend--Nica--sitting right infront of me, "uwi na tayo," I said.
"Walang libro sa bahay." I rolled my eyes from her reply kasi alam ko na 'yon naman talaga ang irarason niya at paulit-ulit nalang.
"Magpabili ka," sabi ko sa kaniya habang papatayo at ibinalik ang libro na binabasa ko kanina sa kung sa'n ko siya nakuha.
"Wala pera sa bahay."
Tss, weirdogs.
"Tara na kasi," kinuha ko ang kaniyang braso para higitin siya para makatayo siya pero binibigatan niya ang sarili niya.
"Libre kita ng merienda bilis na."
Agad siyang napatingin sa'kin at nagtataka sa sinabi ko. "Ano sabi mo?"
Nagpigil ako ng aking ngiti, "sabi ko, libre kita meryenda."
Ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa pagbabasa ng libro at sinabing, "alam ko wala ka nang pera."
Natawa ako ng palihim kaya naman pinigilan ko 'yon bago muling magsalita. "May natago ako sa ATM ko."
Tumingin ulit siya sa'kin pero alam ko na nagpipigil siya ng tawa niya. "May gano'n ka ba?"
Tumango ako habang natatawa na kaya naman tumayo siya sa kaniyang inuupuan habang tunatawa. "Sabi mo ah, libre mo."
I'm Ja Manylle. Er, whatever.
Habang naglalakad kami at kumakain pauwi, nagh-hum siya ng kung anong kanta.
"May sasabihin ka 'no?" Napatingin siya sa'kin pero agad naman siyang umiling. "Weh? 'Di nga."
"Oo nga," sabi niya sabay pag-iwas sa'kin ng tingin.
"Hindi eh alam ko may sasabihi--"
"May sasabihin nga! Sabi ko nga may sasabihin na."
Luh, tingnan mo 'to parang timang, wala pa nga ako sa kalagitnaan ng pangba-blackmail ko sakaniya para sabihin niya 'yong sasabihin niya sa'kin tapos nagiging ganiyan na agad siya?
"Oh eh ano 'yon?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"May bago akong crush." Napatingin ako sa kaniya nang may nakakalokong ngiti.