f o u r t e e n

18 1 2
                                    

|chapter fourteen: ze new|

"Bobo ka ba Chan?" Napatingin kaming dalawa ni Chan kay Nica. "Limot mo na bang ang birthday niya ay no'ng July pa?"

"Tangina naman si atenik," sabi niya kaya medyo napangiti ako. "Magkaiba ang bobo sa nagjo-joke."

"Alam ko," sabi naman ni Nica habang inaayos ang kaniyang pinagkainan.

"Alis na 'ko," sabi ni Chan. Pipigilan ko pa sana siya nang tumakbo na siya sa mga kabarkada niya.

"Don't tell me..."

"Yeah, I won't," sabi ko at agad na inubos ang cake na naubos naman sa tulong ni Nica.

Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ng pagre-review at kung ano-ano pa, nagawa ko na din ang mahiga sa'king kama ng sobrang aga. Matutulog na ako kasi bukas, Christmas party na namin.

Yea, boi.

Tapos na ang exam at lahat-lahat kaya naman ayahay na kami at wala nang halos ginagawa, nagpapaganda nalang ng classroom namin.

Nakabili na din kami nila Shiela at Nica ng mga pang-regalo namin sa mga classmate namin na nabunot namin.

Tapos ito pa, si Nica grabe ang bait. Ngayon lang siya naging mabait, okay?

Binilhan niya kami ni Shiela ng Christmas gift. Swet naman ni ateh mue.

And pagkagising ko nga, hindi ko na maipag-kaila 'yong excitement ko. Grabe kahit wala akong dala para sa bring and share namin keri lang 'yan 'di din naman ako kakain. Konting puslit lang ng pagkain, okay na 'yon.

Inabangan ko si Nica para sabay na kaming pumunta sa school. Ayon 'yong dala niya, donuts. Eh kasi naman pajama party sa kanila. Ang weird nga eh pero parang masaya naman.

"Ang pabet naman ng isang 'to," sabi ko kay Nica kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Kasalanan ko ba na ayaw ko?" Sabi niya kaya natawa lang kami ni Kira.

"Magpapa-picture ka lang naman kasi eh," sabi ni Kira. "Ayaw mo no'n, may souvenir kayo?"

"Souvenir? Para saan pa? Para maalala ko na nasaktan ako, naging tanga at kung ano-ano pa dahil sa--ugh, sige payag ako." Napahiyaw kami ni Kira sa sinabi ni Nica.

Nang umalis na si Kira, naiwan kami sa may corridor ng classroom nila Nica. "Sa totoo lang ayoko talaga."

Napasandal ako sa may railings ng corridor nang sabihin niya 'yon. "Ngayon lang naman eh," sabi ko pa sa kaniya.

"Kahit na. Nakakahiya kaya, ang pogi niya ngayon tapos potanginang pagmumukha 'to--hindi ako bagay sa kaniya." Huminga kami ng malalim. "Isa pa mas bagay sila ni Kira."

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Ano?"

"Hindi mo ba napapansin? Ang close nilang dalawa."

Mas lalong napakunot ang aking noo sa kaniyang sinasabi. "Ano naman ngayon?"

"I can say that Kira liked him, okay? Ayoko naman na masira 'yong friendship namin nang dahil lang sa isang lalaki." Huminga siya ng malalim. "Grade 5 palang kami, friends na kami." Sabi pa niya.

"Well, are you telling me that you're giving up on him?"

"Uh," she cleared her throat, "sort of?"

"Hay nako, Nica. Ayusin mo." Sabi ko sa kaniya. "Isang picture lang naman 'yon eh."

"Ayoko pa din." Huminga siya ng malalim at napa-pikit. "Imagining him and me beside him is like--bullshit, hindi kami bagay. I'm just a piece of shit and he's... he's a star."

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now