|chapter nineteen: promenade|
Bago pa ako makapunta ng prom, s'yempre hindi mawawala ang pag-tatalo namin sa bahay ng mga magulang ko, isabay mo na din ang mga kapatid ko.
Pinagalitan nila ako kahit hindi ko naman alam kung bakit.
I almost back out last minute but my aunt told me not to. She helped me.
Inayusan niya ako. Sobrang hands on ni Aunt Liz. Iyak ako ng iyak kaya hindi na ako na-make-up-an ng maayos.
"Ayan kasi, iyak ka ng iyak eh," pinunasan niya ang luha ko.
Sinusubukan kong hindi humikbi pero hindi ko kinaya. "Tama na, 'wag ka na umiyak, Ja."
Parang naiiyak na din si Aunt Liz kaya pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "O-okay lang po ako Auntie."
"Nakakainis ka, ayan tuloy ang light nalang ng make up mo," sabi niya.
Umiling nalang ako. "Okay lang po 'yan Auntie, thank you po."
Nginitian niya ako at niyakap. "You'll be alright when the night comes so enjoy this night, okay?"
Humiwalay siya sa pagyakap at tumango naman ako.
Sana nga.
×××
"Ano? Asa'n na kayo?" tanong ko.
"Sens'ya na, eh ikaw kasi nauna ka na, 'di mo man lang ako hinintay." Umiling nalang ako, ang lapit ko na sa pila ng mga magp-paso.
"Bilisan mo na, baka mag-isa ka nalang mamaya sa pag-paso mo."
"Mas okay nga 'yon eh. Sige na baba mo na, malapit naman na kami eh. See you!"
Ngumiti nalang ako habang inilalagay sa pouch and cellphone ko.
"Miss, kayo na po ang next," sabi ng nagg-guide sa'min kaya naman napatango ako.
I looked down in dismay. I want to tell her that I'm still waiting for someone but she's like telling me that 'the long wait is over'.
"Hi," bati sa'kin ng kapartner ko sa pag-paso.
"Hello," is just what I manage to say.
Kilala ko siya. Classmate siya ni Nica, though ang uncomfortable nga lang kasi hindi nga kami magkakilala ng personal.
Nang matapos kaming magpaso, na-upo na ako sa isang empty table. Okay na 'to para sa'min nila Pau, Bela at Nica.
Naghintay lang ako ng naghintay habang nanonood ng mga sweet moments habang naglalakad sila sa aisle.
Pero isa lang ang hinahanap ko.
Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko siya na nakatingin sa'kin mula sa sulok.
Nagtitigan kami ng ilang segundo pero parang mapagtanto niya na nakatingin ako sa kaniya kaya naman nanlaki ang mga mata niya at sinubsob ang ulo sa mesa.
Napangiti nalang ako though the thought na hindi niya ako hinintay para sabay kaming magpaso kanina, it's like he's already forgiven even he didn't even apologize.