f o u r

25 1 3
                                    

|chapter 4: assume|

Si Nica...matalino 'yon eh. Kaso nga lang minsan tinotopak! Hindi ba siya nag-iisip ng matino? Hindi ba niya--argh!

Don't worry, Ja. Magagawan mo naman 'yan ng paraan eh.

Eh kasi naman! Huhu.

Naglalakad kami ng lalaking 'to. 'Yon lang naman. Eh alangan naman kasing gumapang kami.

Nauuna akong maglakad at nasa may likuran ko siya. Minsan nililingon ko siya pero nakaka-ilang lang kasi nakatingin siya sa'kin kapag tumitingin ako sa kaniya.

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Magkatapat na kami ngayon.

"Ba't tayo tumigil?" Tanong niya.

Napahawak ako sa t'yan ko. Umiling-iling lang ako at dumiretso sa paglalakad.

Sa totoo lang, gutom na gutom na ako. Nasanay na ata ako na palagi kaming kumakain ni Nica bago umuwi.

Habang naglalakad, hindi ko na talaga mapigilan na hindi mapasulyap sa mga taong kumakain ng street foods. Aghr! Tandaan mo Nica, babawi ako.

Maya-maya pa, nakaramdam ako ng kung anong nakadikit sa'king kaliwang balikat. Napatigil ako sa paglalakad at nakita ko ang nakadikit niyang kamay sa'king balikat na may hawak na supot.

"Ah kasi..." Kumamot siya sa kaniyang batok. "Sabi ni--"

Kinuha ko 'yong supot na hawak niya nang padabog. Hindi ba siya matitigil sa 'sabi ni', 'eh kasi si'--ugh whatever.

"Salamat," bulong ko na sana naman narinig niya.

Napangiti ako nang makita ko kung ano ang laman no'ng supot. Parang nagningning 'yong mata ko nang makita ko 'yong...

"Hamburger," bulong ko bago ako kumagat sa burger.

Ni minsan hindi ako nilibre ni Nica ah parang ngayon--

"Dinaanan ko pa 'yan kay Kuya Borg kanina, baka kasi magutom ka kasi alam kong malayo pa bahay mo." Rinig kong sabi niya.

My heart skipped a beat. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na naka-iwas siya ng tingin. I shouldn't be moved with what he's talking about but...

Damn, kinikilig ako medj lang.

"Salamat." Huminga ako at nagumiti sa kaniya. "Sige ah, dito na ako."

Tumigil kami sa may eskinita kung sa'n papasok 'yong bahay namin ni Nica. Duh? Privacy pa din.

"Ha? Eh do'n pa 'yong--"

"Hindi na din." Tumalikod ako sa kaniya, "isa pa may dadaanan pa ako eh."

"Samahan na kita baka kasi mamaya--"

Lumingon ako sa kaniya, "hindi na nga eh," ops, not today mood. Nginitian ko siya, "salamat sa concern."

"S-sige, ingat."

Napapikit ako habang naglalakad at hindi mapigilang ngumiti. Buset, oo. Baka mamaya nakita ako ni Chan na nakangiti tapos--tapos--tapos isipin niya na... No way.

Tapos concern na concern pa siya kanina. Oh my gosh, layuan mo 'ko Chan baka masipa kita at ako pa ang ma-fall sa'yo! Buset sabing walang ganiyanan, marupokru~ ako!

"Miss," halos mapatalon ako sa tumawag sa'kin. Napaangat ako ng tingin at nakita ang dalawang baboy na mukha pero body goals. Tsk.

"Parang nag-iisa ka yata ah?"

"Ha? Ah eh--" tragis, ba't ko ba kasi pinaalis si Chan? "Actually may kasama--"

"Hoy miss, alam mo bang bawal kaming gumamit ng 'actually' 'actually' na 'yan kasi hindi pa naman Linggo eh."

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now