(stan) s e v e n t e e n

24 1 1
                                    

|chapter 17: back to you by louis tomlinson|

After the Christmas break, back to normal again. Klase, klase, klase. Kain, kain, kain.

"Share mo lang?" Tanong ni Nica sa'kin.

Binato ko siya ng crumpled paper. "Nakakainis ka," sabi ko habang ibinabalik ang aking atensyon sa'king cellphone. "Nagtatanong ng maayos eh," I murmured.

Natahimik kaming dalawa. Nags-scroll lang ako sa facebook ko nang bigla akong may nakitang picture ni Chan.

Ise-save ko na sana kaso biglang nagsalita si Nica kaya nataranta ako at naitago ko 'yong phone ko.

"Malapit na 'yong prom ah?" Napa-upo ako ng maayos.

"Yan kaya 'yong tanong ko sa'yo kanina." Inayos ko ang mga gamit ko na nagkalat sa table.

"Baka 'di na ako sumali." Agad akong napatingin kay Nica sa sinabi niya.

Nakatulala siya at para bang ang daming iniisip. "Madaya ka, sumama ka na kasi!"

"Ano naman gagawin ko do'n? Tutunganga? Nganganga? Matutulog? Ano?"

Huminga ako ng malalim. "Sabagay, wala namang pag-asa 'yong crush mo eh."

Sinamaan niya ako ng tingin. Hay nako, tingnan mo 'tong si Nica, hindi matanggap.

"Hintayin mo lang, baka may magyaya sa'yo maging partner." Nakangisi kong sagot.

"Hm, baka ikaw." Natatawa niyang sabi habang tumatayo. Kinuha niya 'yong bag niya at isinaklay sa kaniyang balikat.

"Akyat ka na?"

Tumango siya, "tara na."

Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya.

After how many pangungumbinsi, pumayag din si Bela, Pau at Nica na sumali sa prom.

"Sino naman partner ko do'n? Upuan?" Natatawang sabi ni Nica.

"P'wede, p'wede," I said, chuckling.

Naglalakad kami paounta ng 7/11 kasi, wala lang, trip lang namin tumambay do'n.

"Teka lang, bibili na nga lang ako." Sabi ni Nica kaya naman pumasok siya sa loob ng 7/11.

Kanina pa kasi niya pinapanood 'yong mga school mates namin na kumakain, ayon, nagutom ata.

Pagbalik niya, may dala siyang dalawang cup ng noodles.

"Oh, sa'yo 'yong isa, utang mo 'yan ah." Sabi niya kaya naman napasimangot ako.

"Edi sana hindi mo na ako binilhan, ang ulul naman neto."

Tumawa nalang siya habang kumakain.

Pagkatapos naming kumain, nakatutok na agad kaming dalawa sa cellphone pero nag-uusap pa din kami hanggang sa tumahimik siya hanggang sa uwian.

Naglalakad kami pauwi nang hindi ko na kunaya 'yong katahimikan namin.

Tinulak ko siya ng kaunti, "hoy, problema mo?"

"Eh kasi naman..."

Natawa ako, mukhang alam ko na eh. "Tungkol sa gc 'yan 'no?"

Tiningnan niya ako pero umiwas agad siya ng tingin. Natawa lang ako. "Kinilig ka lang do'n no'ng ayain kang maging date eh."

"More on nainis, Ja." She murmured. "Kasi naman parang pupunta talaga ako do'n sa prom para sa kaniya eh hindi naman talaga."

"Weh?" Natatawa kong tanong.

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now