|chapter twelve: flashbacks .5|
Nica's POV
"ATENIK!" I rolled my eyes and sat on my bed.
"Ano na naman kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala mangangamusta lang tapos..." rinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Ano nga kailangan mo?" pag-ulit ko sa tanong ko.
"Eh kasi naman atenik, nakakahiya."
"Oh, right. Ngayon ka pa nahiya."
Minuto din ang tinagal bago muli siyang nagsalita. "Eh kasi 'di ba, malapit na 'yong Christmas?"
"Oh edi Merry Christmas?"
Natawa siya sa kabilang linya kaya naman nagtaka ako. Tsk, buset, tawanan ba naman kasi ako?
"Hindi, tulungan mo 'ko."
Napakunot ang noo ko sa kabilang linya. "Tulungan? Sa'n?"
"Nakapag-ipon na kasi ako, atenik eh."
"Oh? Talaga? Edi congrats."
"Tangina naman atenik eh. Ang ganda mo kausap, sarap itapon sa Mars." Natawa ako sa sinabi niya.
"Salamat, anyways, mag-seryoso ka na nga."
"Ay, wow," tumawa siya sa kabilang linya at na-imagine ko naman 'yong pagiging sarcastic niya. "Seryoso kasi ako dito, sino kaya d'yan 'yong hindi?"
Huminga nalang ako ng malalim at iniba ang topic. "So ano nga? Ano'ng pinagmamalaki mo sa inipon mo?" Pabiro kong tanong sa kaniya.
"Uhm," he then clear his throat. "Bibili ako ng gift."
"Oh, salamat ah?"
"Tanga, 'di para sa'yo 'no." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Alam ko," natatawa kong sabi. "Anong plano mong bilhin para sa kaniya?"
"Uhm," masyadong mahaba 'yong 'uhm' niya ah. "May nakita na kasi ako sa mall kanina ih."
"Ano?" Uminom ako sa kape na nakapatong sa mesa ko.
"Yung moon necklace?"
"Omg," na-excite ako sa sinabi niya. "Oy ang ganda kaya ng gano'n."
"Eh kaso nga mahal," huminga siya ng malalim.
"Eh 'di ba sabi mo nakapag-ipon ka na?" Inilapag ko 'yong cellphone ko sa tabi ng binabasa kong libro. "E 'di bili ka na."
"Eh hindi ko pa nga alam kung ano 'yong gusto niyang color." Napa-face palm nalang ako.
"Eh 'di tanungin mo 'to naman." Natahimik siya mula sa kabilang linya. "Hoy!"
"Ah... Eh kasi naman..."
"Ano?"
"Nakakahiya kaya!"
Woah. Ngayon ko lang ulit 'yon narinig sa kaniya.
Natawa ako sa sinabi niya. "Kahit nagbago ka, meron pa din naman palang hindi pa."
"Ha? Tangina, 'di kita atenik narinig. Medyo naging chappy." Natawa ulit ako sa sinabi niya. "Hay nako kapag ako talaga binack-stab mo kanina, who you ka na sa'kin."
"Tae ba't kita iba-back stab?" Natatawa kong sabi sa kaniya.
"Ha? Potangina ang chappy talaga, bye na nga atenik, matulog ka na ah para tumangkad ka."