t e n

24 1 5
                                    

|chapter ten: saved by the bell|

Ja's POV

"Patingin nga kasi!" Inagaw ni Nica 'yong cellphone ko at napatili.

"Dapat kasi pumasok ako!" Sabi pa niya habnag naka-ratay pa siya sa kama niya. "Edi sana ako na kumuha sa litratong 'to tapos madami pang shots, jusko." Sabi niya habang nakangiting nakatingin sa picture.

That was our first picture together. Kahapon lang 'yon nangyari at hindi nakapasok si Nica kasi may sakit siya ngayon.

Chan and I were okay. Nagcha-chat na ulit kami, balik sa dati pero hindi tulad talaga no'ng dati.

No'ng magpapa-picture kami ni Chan, no'ng una ayaw naming dalawa hanggang sa pinilit at pinilit kami ni Ma'am Chavez. Buset eh, ang nakakatawa, nagtago pa si Chan sa ilalim ng mesa.

Ewan ko ba do'n, minsan talaga may sayad 'yon.

Tapos 'yon, nakapagpa-picture kami.

"Akalain mo 'yon? Hanggang tenga ka ni Chan? Tae 'yan, hingi nga height oh." Sabi pa ni Nica.

Pero kasi si Chan... nagbago siya. Isang malaking pagbabago ang nangyari sa kaniya.

And now, May 7...

"Happy birthday." Bati ko sa kaniya.

I heard his chuckle on the other line. "Thank you, Ja."

"Ate! Tawag ka ni mama!" Sigaw ni Cessa kaya naman agad kong itinago 'yong cellphone.

"Teka lang, Chan, tawag ako ni mama eh."

"Sige, I'll call you later." Sabi niya kaya naman napangiti ako bago ibaba ang tawag.

"Sino 'yon 'te?"

"Secret." Tinago ko 'yong cellphone ko sa bulsa ko at sinunod ang utos ni mama.

Leonardo:
thank you sa pag-greet :)

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nakatanaw sa may mini-terrace ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at pumunta do'n. Tawagan ko kaya ulit siya?

And so I attempted.

After ilang rings, narinig ko ang boses niya.

"Hello?" Hindi ako sumagot. All I want is to a hear his voice. "Ja?"

Mapapangiti nalang ako sa mga alaala na maaalala ko kapag naririnig ko ang boses niya.

"Justin, are you there?" Naririnig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya. "Ibaba ko na, good night, Ja."

"I love you too, Chan."

And then immediately, I ended the phone call. Napatulala nalang ako na makita ko si Nica na nakatanaw din sa may bintana niya na ngiting-ngiti habang may hawak na tasa ng kape.

Napapikit ako at isinara ang pinto papunta sa mini-terrace ko. T'yaka ko lang na-realize 'yong sinabi ko kanina kay Chan.

Ano'ng kabobohan na naman 'yon, Justin?

Napahiga ako sa kama at nagpa-gulong-gulong.

Bakit parang ang tanga ko naman? BAKIT AKO KINIKILIG SA SARILI KONG SINABI?!

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now