|chapter twenty one: birdbox|
I guess people are just people. They're bound to make mistakes when it comes to decision makings, I know I'll lose when it comes to that.
"Ja! Bilis na!" Narinig kong sigaw ni Nica.
Just... What the actual fuck...?
Sobrang lakas ng boses niya at alam kong tulog pa sila mama at papa sa ganitong oras, kaya...
"Bakit ka ba sumisigaw?" suway ko sa kaniya nang makababa ako.
Nakakainis eh.
"Eh malay ko ba kung tulog ka pa ba or gising."
Binatukan ko siya kaya ngayon, nakahawak siya sa batok niya, malamang.
"P'wede mo naman kasi akong tawagan, 'di mo ba magagawa 'yon?"
"Nah, I feel like shouting on you." Then she started to ride on her bicycle after he lend me his brother's bicycle.
Sumakay na din ako sa bike. "Gaga talaga 'to. Sinabi-sabi ko pa naman na 'takas' na ang tawag dito eh, nambulabog ka naman."
Tumawa lang siya na parang takas nga, takas sa mental.
Naglibot-libot lang kami hanggang sa mapagod kami kaya napatigil muna kami sa isang mini park doon.
"Wala ka bang dalang pagkain?" Pagtatanong niya.
"Wala."
"Tsk, mahina ka pala."
"Taena, anong gusto mo, sumegwey pa ako sa kitchen para lang kumuha ng pagkain?"
"Oo! Ang magaling na tumatakas, may dalang pera at..." May kung ano siyang kinuha mula sa string bag niya. "Pagkain!"
"Uy! Penge naman oh."
Halos isang oras din kaming naglibot-libot sa loob ng subdivision namin. Halos nakakadalawang ikot na kami eh, sobrang laki kaya ng subdivision na 'to kaya sobrang nakakapagod din at nakakagutom.
"Sige, basta sa susunod, magdadala ka na ng pagkain kapag tumatakas."
"Eh, gaga ka. Hindi naman 'yon pagtakas. Since sigaw ka ng sigaw, malamang sa malamang ay narinig ka nina mama at papa o kaya naman si kuya kaya baka sa mga oras na 'to, pinagpi-pyestahan na nila akong pag-usapan sa agahan." Mahaba kong litanya.
Huminga lang siya ng malalim at kumagat sa dala niyang ensaymada. "Ang tagal mo naman kasi. Ang usapan, alas k'watro y media. Eh anong oras na? Tsk, tsk, tsk."
"Oo na, oo na. Sa susunod aagahan ko."
"Wala nang susunod kasi ipapabenta na 'tong mga bike na 'to."
Bigla akong nanghinayang, "ha?"
"Hakidogi."
"Seryoso ka ba?"
"Uh, hindi? Baka oo, bakit bibilhin mo ba bike namin?"
"Walang money," mabilis kong sagot kaya agad naman siyang natawa.
"Tara na, balik na tayo, madami pa akong gagawin eh," sabi ni Nica habang sumasampa sa bike niya kaya naman sabay na kaming nag-bike pabalik sa bahay namin.
