|chapter thirteen: flashbacks|
Ja's POV
"Happy birthday," napalingon naman agad ako at napatulala nang nakita ko siya na may hawak na maliit na cake at sa likod naman niya ay si Nica.
I felt so happy kasi never pa ako naka-experience ng pag-surprise sa'kin at ganito pala ang feeling.
"Hey, blow your candle," sabi niya kaya napabalik ako sa realidad. "And make a wish."
"I wish this was all true."
"Justin? Justin!"
"Hoy ano ba Justin Angela!" Napamulat ako ng aking mata at kinusot iyon. "Gumising ka na nga!" Sigaw sa'kin ni mama kaya agad naman akong napabuhat.
Napahawak ako sa sentido ko at napakunot ang aking noo. "Ano nga ulit 'yon?"
"Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan?" Napatingin ulit ako sa may pinto ko at nakita ko si kuya na handa nang umalis papunta sa school.
"Aish!" Dumiretso na agad ako sa CR at nag-ayos. "Bwiset, panaginip, sana naman nagpapaalala ka oh."
Naglakad kami papunta sa school s'yempre kasama ko na din si Nica kasi magkapit-bahay nga kami. Medyo awkward lang kasi si Nica medyo takot kay kuya. Eh malay ko ba d'yan kay Nica, eh ang dali lang naman barahin ni kuya.
"Uy, Ja," napatingin naman ako sa kaniya nang kalabitin niya ako. "Bike tayo sa--"
"Hindi ako p'wede mag-bike." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang umiinom siya ng paborito niyang inumin na sterilised milk.
"Eh? Bakit naman?"
"Eh kasi babae siya," sabat ni kuya kaya naman natahimik si Nica.
"Ano naman kung babae siya? Ano naman akala nito sa'kin, lalaki?" Rinig kong bulong ni Nica.
"Narinig ko 'yon," sabi naman ni kuya kaya naman medyo nagpipigil ako ng tawa sa kanilang dalawa.
"Alam ko po kuya, kasi nagpaparinig naman talaga ako," sabi naman ni Nica at ngumiti ng sarkastiko. "Buti naman po narinig niyo."
Napatingin naman ako kay kuya kasi aabangan ko 'yong isasagot niya. "S'yempre maririnig ko kasi may tenga ako."
"Congrats kasi may tenga ka pa," she said in a sarcastic way. "Punitin ko 'yan eh."
"Ano?" Tanong ni kuya sa kaliwa ko at medyo sumilip pa kay Nica na may masamang tingin.
Sumilip din si Nica kay kuya habang kagat 'yong straw sa iniinom niya. "Sabi mo kuya may tenga ka, ba't 'di mo ginamit ngayon?"
Kaya ayo'n nga, natawa ako. 'Di ko akalain na ngayon pala mangyayari 'yong pambabara ni Nica kay kuya na matagal ko nang hinihintay.
"Hoy, Ja," napatigil ako ng kaunti sa oagtawa at tumingin kay kuya. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo--"
"Ba't ako pa? May bibig ka naman kuya ba't hindi mo ginagamit?"
"Hayop talagang araw na 'to," parang bad trip si manoy ah? May kinuha siya mula sa kaniyang bulsa at may ibinigay sa'ming dalawa. "Oh ayan, tig-piso kayo, maghanap kayo ng kakausapin niyo."
Aalis na sana si kuya nang bigla siyang pigilan ni Nica. "Ey kuya Angelo," napaligon si kuya. "Sa'yo nalang po 'to, tingin ko mas kailangan mo po ng kausap." Tapos no'n tumawa siya at tumakbo palayo kaya ako naman nagba-bye muna at bumelat kay kuya bago sundan si Nica.
"HANEP!" Sabi niya. "ANG GANDA NG SIMULA NG ARAW KO, KAINIS!"
Natatawa parin talaga ako, bwisit na Nica 'to. "Ano naisipan mo? Akala ko ba takot ka kay kuya?"