|chapter five: an unspoken promise|
Nica's POV
Napakatorpe nga naman ni Chan, oo. Sa totoo lang, pareho lang naman sila ni Ja eh. Sadyang nilalakasan lang talaga ni Chan loob niya.
Leonardo:
eh wala na eh tulog na 'yon.Gunggong ka kasi kanina na gising pa di mo sinabihan.
Tsk, torpe, torpe, torpe.
Isa 'yan sa mga gusto ko sa isang lalaki. Ewan ko, bad na ata ako pero kasi happy crush ko si Chan.
Op! Itataas ko na kamay ko mentally na parang inaaresto ng pulis. Sorry, alam kong gusto ni Chan si Ja at alam ko din naman na 'di kalaunan, magugustuhan din ni Ja si Chan.
Pero hindi naman masama kung happy crush lang 'di ba?
Leonardo:
bukas nalang atenik.Tss, atenik ka d'yan.
Kasi kahit papa'no parang special na din ako kay Chan. 'Yon nga lang as a friend. Eh kasi naman ang ganda ng best friend ko, s'yempre ayoko naman na sumapaw ako, 'di pa naman ako 'yong tipo ng babaeng sumasapaw sa ganda ng iba. Kasi hindi naman ako maganda.
Ako pa nga naunang nag-chat no'n kay Chan eh. Ini-spam ko pa siya no'n ng 'kuya'. Kuya pa tawag ko sa kaniya kahit alam kong mas matanda ako sa kaniya.
Utot na yawa eh. Do'n palang nabawasan na ako ng pag-asa.
Everyday kasi kapag nakatingin ako sa kaniya, tumitingin din siya sa'kin tapos nagtititigan kami. Potek alam ko lang naman no'n nagpapa-cute siya para matulungan ko siya kay Ja eh.
Pero alam ko naman na hanggang ngayon, crush ko pa din siya kahit alam ko na ang gusto niya ay 'yong best friend ko.
I'm trying, okay? Trying to disperse my feelings towards him. I'm trying not to look at him but gah, that's so hard especially when looking into his chinky eyes.
But as early as now, I know I have to end this shit. Bago pa masira friendship namin ni Ja nang dahil lang sa ugok na torpeng lalaking 'yon.
Understood, Nica?
Of course I do. I'll just take one step at a time so it won't be harder.
And that's my unspoken promise.
Game.
Kinabukasan...
"Oy, atenik," pesteng yawa, boses pa talaga niya sumalubong sa'kin? Ke-aga-aga.
Humarap ako sa kaniya habang ibinababa 'yong bag ko sa upuan ko. "Oh?"
"Nasabi ko na."
Tumingin ako sa kaniya. "Wow," ngumiti ako sa kaniya. "Buti naman."
Well, I'm happy for him that he finally told Ja what he really feel towards her.
"Kaso sineen lang ako eh."
Tumawa ako at tinap ang balikat niya."Gabi lang 'yon nag-oonline. Magrereply din 'yon."
Huminga siya ng malalim. Tiningnan ko siya at parang dismayado siya. Kumamot siya sa kaniyang ulo at ginulo ang kaniyang buhok.
Gosh, why do I have this urge to mess his hair too?
"Eh kasi naman baka layuan--"
"Ugok ka talaga, hindi ka naman no'n lalayuan alam ko 'yan." Sabi ko.
