|chapter eleven: your boyfriend and the sketches|
"Aba?!" sabi na nga ba at maghi-histerical na naman 'tong best friend kong loka-loka. "Talaga bang tinanong ka niya no'n?" She laughed in sarcasm. "Dapat binalik mo sa kaniya 'yong tanong niya."
"Yun na nga eh."
"Nagpauna ka na naman sa takot mo 'no?"
Huminga nalang ako ng malalim sa tanong niya.
Sa totoo lang, hindi ko pa din talaga maalis sa isipan ko 'yong nakita ko sa mall eh. Para kasing wala lang sa kaniya or... Naghahanap lang siya ng tamang t'yempo para sabihin sa'kin?
Pero kasi bakit naman niya ako pagsasabihan eh wala naman ngang kami at hindi naman niya ako kaano-ano? Wtf is wrong with me?
Isa pa... hindi ko din alam kung ano ba 'yong naging reaksyon niya no'ng sinabihan ko siya ng 'I love you' no'ng birthday niya.
And now, tatanungin ko din siya kung mahal pa ba niya ako? Eh hindi nga siya no'n sumagot eh, kahit man lang sa Messenger, wala. Bakit? Pa'no kapag ang sagot niya hindi na, eh di nasaktan ako?
Okay, fine. Isa pang sakit, tumba na ako. Titigil na ako.
As what life is, it went on and on and on until one day, he hit me up.
"'Yon na nga kasi 'yong point ko Nica eh, kung kailan nawawala na--"
"Talaga bang nawala na?"
O-kay?
"O-oo naman! Cross my heart, dude." Napapikit ako sa sarili kong kasinungalingan.
"Weh?"
I just need some convincing para mapatigil siya sa pagkulit niya sa'kin.
"Oo nga, I can finally sleep tight at night without thinking about him, okay?"
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim mula sa kabilang linya. "Fine, I'll believe you for the mean time."
Kahit naman mukhang na-convince ko nga siya, alam kong hindi pa din naman siya naniniwala.
"Ano na gagawin ko, Nics?"
Nakarinig ako ng pagtawa mula sa kabilang linya. "Nako, nako, Ja." Alam ko na umiiling-iling siya mula sa kabilang linya. "Kung totoo ngang naka-move on ka na, you can do that without any back up."
Oh, shit, sablay na naman pagpapalusot ko, ganern? Tsk.
"I'm just asking for--"
"Just talk to him, you need that and in fact, I have this feeling that he's still feeling the same feeling he was feeling for you."
Napapikit ako. Ano daw? Feel na feel mo 'yong feeling?
"Pinagsasasabi mo?" Napangiti ako ng mapait. "Nakita natin siya 'di ba na may kasama nang iba?"
"Yeah, I know. And please don't ever cry over a man--no, he's not a man, he's still a boy." She cleared her throat. "Don't ever cry over a boy who doesn't know how to fulfill his promises and not worthy of your tears, okay? Okay."
I heavily sigh as she ended the phone call.
Tsk, wala man lang good night mula sa best friend ko?
Leonardo:
hey, ja.Nagbago siya oo, pero hindi pa din nagbabago 'yong way ng pag-type niya. 'Yong tipong laging low-key lang.
"Ano na naman ba kasing kailangan mo, Leonardooo?" Napapikit ako habang nakahiga sa kama ko.