|chapter two: hi|
"Nakikita mo 'yon?" Hindi ako tumingin sa kaniyang tinuturo. "Yun si Chan."
Napatingin ako sa tinuturo niya. "Alin?"
"Uyy, curious and interested," at tumawa siya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at ibinalik ang aking tingin sa pagb-browse sa Twitter. "Ayun nga kasi na naka-jacket na may design ng Mickey Mouse."
"Ewan ko sa'yo Nica," sabi ko sakaniya sabay tayo.
"Oh eh where do you think you're going?"
"Aakyat na."
"Hindi mo ba ako hihintayin?"
Obviously hindi na, pero hindi ko nalang siya sinagot.
Narinig ko ang mga yapak ni Nica kaya alam ko na nakasunod lang siya sa'kin. Napatingin ako sa madadaanan naming grupo ng mga lalaki at 'yong iba do'n ay pamilyar sa'kin dahil kaibigan ko na at 'yong iba ay ka-klase ko.
"Hi Ja!" Napatingin ako sakanila nang batiin ako ng isang lalaki do'n. Napangiti nalang ako sa kanila at nilagpasan sila.
Sa dulo nila, nakuha ng atensyon ko ang kaisa-isahang lalaking naka-upo lang at patingin-tigin sa kung saan-saan at nakasuot ng jacket na may design ng Mickey Mouse.
"Nakikita mo 'yon?"
"Yun si Chan."
"Ayun nga kasi na naka-jacket na may design ng Mickey Mouse."Ow gosh.
Agad akong pumasok ng classroom. At kapag pumasok ako ng classroom...
"Tae ang tahimik naman!"
Tahimik.
"Tahimik sana." Bulong ko habang nakangiti sa kaniya.
"Bawal po pumasok ng taga-ibang section." Napatingin kaming dalawa ni Nica kay Micah na mayor ng section namin. "Ikaw naman Ja, kapag nagpapasok ka ng taga-ibang section, ikaw ang magbabayad ng singkwenta, you got it?"
Nakita ko na nagme-make face si Nica bago lumabas ng classroom namin kaya medyo natawa ako. "Okay mayor."
Ayon, tahimik na naman ang buong hapon ko hanggang sa...
"Uy Ja, kain naman tayo," pag-aaya ni Nica sa'kin.
"Kung hindi sa library, sa kainan mo naman ako yayayain." Pagrereklamo ko naman.
"Syempre, this time, libre ko naman."
Tila ba nagpintig ang aking tenga nang marinig ko 'yon. Kumakain kami ng isaw habang naglalakad.
"Ja, truth or dare?"
"Wow, naglalaro ba tayo?" Natatawa kong tanong.
"Obviously," sabi niya habang kumakagat sa burger niya. "Oh ano truth or dare?"