|chapter fifteen: pick her while i still pick you|
Isang linggo na din ang nakakalipas simula nang malaman namin ni Nica na may girl friend na nga si Chan.
Akalain niyo 'yon? Naghihintay nga siya eh ang kaso nga, ba't may kasama siyang iba?
This made me ask myself, is there any problem with me? Am I that hard to love? Is this all my fault? What am I gonna do?
"Hindi niyo alam?" Tanong ni Shiela.
"Ako, promise," nakita ko na itinaas pa ni Nica ang kanang kamay niya. "Hindi talaga."
Niyugyog ni Shiela 'yong braso ko na nahahawakan niya, "ikaw?"
"O...Hindi."
Oo, nakikita ko sila parati sa may kiosk na magkasama lalo na kapag sobrang aga kong papasok. Hindi ko alam kung ano ba ang tawag sa'kin pero mas maaga akong pumapasok ngayon para makita ko sila parati do'n. Pati si Gemark 'yon din ang sabi sa'kin, lagi daw niyang nakikita si Chan at si Desiree.
"Oo, punyetang Chan Leonardo na 'yon grade school ang hanap!"
Napapikit ako sa pagka-irita dahil totoo 'yong sinabi ni Gemark.
Desiree is just a fuckin' grade six student while Chan? Damn, he has a problem.
Or do I?
Hinayaan ko nalang kahit sobrang sakit sa part ko kasi umasa ako na kaya niyang maghintay sa'kin.
Bullshit, bakit ganito ang nangyayari?
"What do you want to do now?" Tanong sa'kin ni Nica habang naglalakad kami papunta sa cnateen which is weird kasi napapadalas akong umiiwas sa lugar na 'to dahil malapit lang dito 'yong mga kiosks.
"Kakain nalang ako," malumanay na sabi ko. Naghanap ako ng maaaring mauupuan namin habang si Nica na ang nag-volunteer na bumili ng mga pagkain namin. Halos puno na ang mga tables hanggang sa may makita akong bakanteng mauupuan namin.
Kaso...
"Tara na, 'yon oh may vacant," sabi ni Nica na nakabili na pala habang may dalang tray.
No choice, umupo ako do'n habang katabi ang table nina Desiree at friends niya.
Ano ba nasa isip ni Chan at jumowa siya ng grade school? Huminga ako ng malalim habang tinitingnan lang si Nica na kumakain.
"I really have no idea kung sino si--"
Pinanlakihan ko siya ng mata at itinuro ang jatabi naming table. "Shut up."
Lumingon siya sa katabing table at linapit ang mukha sa'kin. "Alin d'yan?"
Palibhasa hindi niya kilala sa mukha si Desiree. "'Yong may mahabang buhok," I said lazily.
"Ahh," tapos binalik niya ang atensyon niya sa pagkain. "Mas maganda ka naman d'yan at mas mature."
Huminga ako ng malalim at napa-iling nalang. Nang malapit na kaming matapos ni Nica, halos wala na ding tao sa canteen at paalis na din sila Desiree no'n.
"Give it a shot." Sabi ni Nica kaya naman no'ng tumayo sila ay tumayo din ako na para bang nag-hahamon ng away.
Tiningnan ko siya at nakatingin din siya sa'kin pagkatapos no'n ay tinaasan niya ako ng kilay at tinarayan.
"Aba't--" Tiningnan ko si Nica at nakita ko na sinisimot pa niya 'yong baked mac na kinakain niya kaya siguro hindi niya nakita.
Nang nakatalikod na si Desiree, itinaas ko 'yong middle finger ko and I softly whispered, "fuck you to the moon and back, bitch."
