e i g h t

21 1 9
                                    

|chapter eight: i'm scared|

Ja's POV

Natatakot ako.

Natatakot ako sa kung ano ang susunod na mangyayari. I'm already thinking so loud that it could already hurt me.

It's been three days no'ng nalaman ni Nica ang tungkol sa'ming dalawa ni Chan but...

"Malaman-laman ko lang talaga na may boy friend ka na, papatigilin na kita sa pag-aaral at malilintikan ka sa'kin."

I'm really scared of what's happening next. What if papa finds out that I already have a boy friend? What if--shitness overload.

"Angela? Anak?" Napatingin ako sa pinto ng k'warto ko at nakita ko si mama na papasok ng k'warto ko.

"Ma," gulat kong tawag sa kaniya. Dude, I'm pacing out and my mama came in, like--I have to tell her the truth.

"Tulala ka ah?" Sabi niya. "May problema ba?" Umupo siya sa may gilid ng kama ko kaya naman napa-upo ako.

"Ma," parang pinagpapawisan ako ng malamig kahit naman na ang init-init dito ngayon sa k'warto ko. "Wag ka magagalit."

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ni mama. Nakakunot na ang kaniyang noo ngayon, "bakit ako magagalit?"

"Kasi ma..." huminga ako ng malalim upang makahugot ng lakas ng loob. "May nanliligaw po sa'kin."

Isiningkit niya ang kaniyang mata kaya naman mas lalo akong kinabahan. "Sinagot mo?" Tila galit niyang tanong.

Oh gosh. Yes I answered his question but... how can I tell you if you'll gone mad at me?

"H-hindi po."

I bet Chan will get mad at me when he heard that I denied our relationship, especially to my parents.

"Buti naman," huminga siya ng malalim.

"Ma," I'm trembling. "Please, 'wag mo sasabihin kay papa."

Tiningnan niya lang ako, pero tumango naman siya. "Basta lagi mong tatandaan, Angela. Ang tunay na magmamahal sa'yo, 'yong taong kaya kang hintayin kahit gaano pa 'yan katagal, okay?"

Tumango ako sa sinabi ni mama. "Sundin mo kami ng papa mo dahil 'yon ang nakabubuti sa'yo. Magtapos ka muna ng pag-aaral ha, anak? Good night," she said in a very sweet tone after leaving my room.

I burst into tears when mama left my room. I realize na hindi ko talaga sila sinunod in the first place.

"What?"

"I need to talk to you." Sabi ko kay Nica kaya naman biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"Tungkol sa'n?" Nag-aalalang tanong niya.

"Kasi Nica..." huminga ako ng malalim. "Natatakot ako."

"Natatakot?" Tila naguguluhan niyang tanong. "Sa'n? Sa multo? Yaan mo lang sila, sus." Inis nitong sabi.

"Nica naman eh."

She smiled awkwardly. "I'm just kidding," she said. "Ano ba kasi 'yon?"

"I broke the rules, Nica."

Alam ko naman na na-gets niya agad 'yong sinabi ko kaya naman...

"Sinabi ko na kasing sabihin mo muna kahit kay tita man lang eh."

Nag-pout ako, "alam ko naman na magagalit sila."

"Hey," napatingin ako kay Nica nang tapikin niya ang balikat ko. "If you already know from the start what's the outcome then, why did you end up answering him?"

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now