|chapter seven: we're in a relationship|
Nica's POV
Really, what's with this guy?
I'm trying to avoid him all these time but still, he's looking at me like there's something he wanna tell me.
"May sasabihin ka?" Tanong ko sa kaniya.
Ang alam ko kasi, matagal na silang nagcha-chat ni Ja kaya hindi na ako minsan nagugulat na lalapit nalang siya sa'kin tapos 'yon, hihingi ng tulong.
Ang alam ko, nililigawan na niya si Ja eh. Tapos alam ko din na gusto ni Ja si Chan. Umamin sa'kin si Ja nang hindi ko siya kinukulit at tinatanong. Omoyzing right?
"Ah," kumamot siya sa kaniyang balikat. "Eh, kasi--wala!" Tapos nag-walk out siya.
"Aba!" Lumingon siya at nakita ko na nakangisi siya habang naglalakad palabas ng pinto ng classroom. "Siya pa may ganang mang walk out ah?" Bulong ko sa sarili ko.
That's the time when I know that they're happy with each other. Hindi lang ata nahahalata ni Ja na bago pa man siya umamin na gusto nga niya si Chan, alam ko na 'yon eh.
Kasi naman puro Chan nalang ang naririnig kong k'wento niya. Lahat tungkol sa nagkaka-crush sa kaniya na si Chan. 'Di na nga ako magtataka kung magkakasundo talaga sila kasi halos lahat ng ugali nila, magkapareho.
And yea, boi. I'm starting to see Chan as a friend. Yea boi, just a friend. YEA BOIE!
"Uy Nica!" Napatingin naman ako kay Karl. Tsk, napaka-lakas naman niyang tumawag ng pangalan tapos pinalo-palo pa noo ko. "Sabi ni ma'am tawagin mo daw si Chan kasi hindi tumutulong dito eh."
"Okeh," sabi ko. Lumabas ako ng classroom at nakita ko si Chan na naka-upo lang sa mga hile-hilerang upuan na nasa labas.
"Hoy, ano na?" Napatingin siya sa'kin.
"Anong 'ano na?" Tanong niya kaya muntik ko na siyang batukan.
"Tumulong ka do'n, wala kang grade sige."
"Hmph!" Sabi niya lang habang tumatayo at pumasok sa classroom.
Inaayos ulit namin 'yong classroom namin. Konting retouch kung baga kasi matagal na 'tong mga decorations na nilagay namin. Halos masasabi ko nang last month pa namin 'yan inilagay. Tsk.
"Atenik," napalingon na naman ako. "Sasabihin ko na." Itinaas ko ang kilay ko habang naglalakad papunta sa gym.
May program kami ngayon sa gym eh. Ewan ko sa kanila kung ano gagawin basta ako may dalang pagkain.
"Alin nga?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Kaminakaminakamina."
"Ano?" Sa totoo lang, sasapakin ko talaga 'tong isang 'to kapag hindi niya pa sabihin sa'kin. Makikita niya talaga mga stars umiikot-ikot sa may ulo niya. Ha!
"Wala!" Tapos no'n hindi na niya ako pinansin kahit medyo magkatabi kami ngayon.
Maya-maya pa, dumating si Ja at umupo sa bakanteng upuan. "Uy Chan!"
Nakita ko naman na lumingon siya sa'kin kaya naman napangiti ako ng nakakaloko at tinuro si Ja na naka-upo sa tabi ko.
He then mouthed, "tapos?"
Tumawa lang ako ng bahagya at nakita ko si Ja na nakatingin na din kay Chan. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o guniguni lang or talagang totoong nakita ko na naka-smile si Ja habang nakatingin kay Chan.
"Hoy, ang kulit niyang Chan na 'yan." Chika ko kay Ja.
"Ha?" Lumingon siya sa'kin at nakita ko na seryoso ang kaniyang mukha.
