Prologue

458 12 9
                                    

#Star #love



Psst!

Huy!

Oo! Ikaw nga! 'Wag mong sabihing tumingin ka pa sa likod mo? tsk tsk.

Ikaw nagbabasa di ba? obviously ikaw nga.. pero teka! May nakikita ka bang magandang babae? Nakatayo sa labas ng club. Kita mo? Hindi 'yung babae na namumula sa galit na kausap ng parak at kinukuhanan ng statement aah. 'Yung isang babae. 'Yun oh, nakasandal sa pader sa labas ng club at nakaposas.

Nakikita mo na?

Maganda siya di ba? Hindi? Maganda yan! Nadungisan lang siya ng nagkalat niyang mascara. Mukha lang siyang adik at na-rape, pero hindi. Hindi lang nakapagsuklay yan. Kulang lang sa tulog at nasobrahan sa alak. Plus, naligo sa alak na ibinuhos sa kanya. Messy.. sweaty.. but still a hottie.

Hindi siya kriminal, swear! Mabait yan.. pag tulog. Hindi, seryoso.. mabait yan. Bakit ko alam? Oh well, yang babae na yan is... ME. Yup! Ako yan, di ko nga matanggap na ganyan itsura ko. Detergent ang tingin ko sa sarili ko, mas malala sa isang neat freak. Meaning, ayokong magmukhang basura, ayokong mangamoy basura at ayokong binubuhusan lang ng alak sa mukha. Simpleng mga salita hindi niya naintindihan? bobo lang? Sabi kong: Be nice or leave, thank you.. pero anong ginawa niya.. tss.

Sampung buwan pa lang nakalipas ng magtrend ako sa twitter, nagkaroon ng mga meme sa facebook at magkalat ang mga pictures ko na may #wh*re sa instagram.

I love being in the spotlight.. but not like this.

Hindi 'yung sa mata ng mga kalalakihan para akong nakahubad.

Hindi 'yung sa mata ng mga kababaihan, aagawin ko boyfriend at asawa nila.

Hindi 'yung sa mata ng mga nakatatanda, wala akong magulang kaya lumaki akong walang modo.

Hindi 'yung ang definition ko ng fame. At hindi ito ang pinangarap ko.

Simple lang ang gusto ko sa buhay.. pero minsan, kung ano pa 'yung simple.. 'yun pa ang pinakamahirap makuha.

Oh well, Ako nga pala si Summer Aragon.

#fallingstar

#descendingstar


Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon