[ WELCOME TO CALLEJO'S HACIENDA]
" Wow ate ang laki naman po ng bahay nato at ang ganda pa !"
Namamanghang naibulalas ng kapatid ko habang pareho kami noong nakatayo sa harap ng isang magarbong bahay mula sa aming harapan.
Or should i say Hacienda.
" Mimi, Dali ayusin mo yang mukha mo at pati na rin yang damit mo para makapag apply tayo ng maayos."
Excited kong naibulalas bago inayos ang sarili namin.
Nang sa tingin ko'y eto na ata ang pinaka presentableng ayos namin ay agad kong nilapitan ang matandang hardinero ng mansyong iyon na abala sa pagpuputol ng mumunting mga dahon mula sa punong bayabas.
" Ahm kuya , Hiring po ba sila ng bagong Maid? " Nakangiting tanong ko dito.
" Aba'y oo eneng, Pumasok ka lang sa loob kung gusto mong mag apply ."
Sagot ng mabait na hardinero nang ito'y mag angat ng tingin saamin.
" Naku ! Maraming salamat po."
Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong iyon at agad ko nang hinila ang kapatid ko papasok sa loob.
" Ah eneng, kung sakaling matanggap ka, pagtiisan mo nalang yang ugali ng may ari sa loob para makatagal ka dito."
Pahabol ng matandang hardinero ngunit hindi ko na iyon pinansin at tuluyan na ngang pinasok ang Kulay Itim na may Gold nilang gate.
Wow ! Ang ganda ! Kaso nakatamad kase mula dito ay lalakarin pa namin ang patungo sa loob ng bahay.
Malawak kase ang Rancho nila rito pero sobrang ganda pa din ng paligid.May mga kabayo ring malayang pinapatakbo at mula dito sa aming nilalakaran ay di maikakailang labis kaming namangha sa ganda ng paligid na aming nasaksihan.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay walang pag-aatubili akong nag angat ng kamay upang kumatok.
" Tao po, May tao po ba dito? Ahmmm, Mag aaply po sana ako bilang maid."
Malakas kong naisambit habang hawak ang laylayan ng aking damit pagka't ako'y labis na kinakabahan nang mga panahong iyon at maya maya pa'y naririnig na namin ng kapatid ko ang mga tunog ng hakbang paa.
" Who is that?"
Pagbubukas ng isang di katandaang babae.
Kung titingnan mo sya ay masasabi mo talagang istrikta ito dahil mula sa mala sopistikadang postura at mamahaling mga alahas na nakakabit sa katawan nito ,ay nagsusumingaw ang aura nitong nagsasabi na siya ay hindi basta bastang babae.
" Honey who is that?"
Rinig ko naman tawag ng isang di katandaang lalaki na sa tantya ko'y nasa 48+ ang edad.
Kunot noo silang napatitig saakin sanhi ng aking paglunok.
This must be Mr.And Mrs.Callejo.
" A-ahmm .Magandang hapon po, B-Balak ko po sanang mag apply bilang maid sa bahay na ito. "
Hanggat maaari ay sinisikap kong mag tonong magalang kahit pa medyo kinulang ako sa pormalidad.
Ramdam ko ding tila Kinikilatis kami ng kanilang mga mata sanhi upang napayuko na lamang ako habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ng aking kapatid.
" Mag-aapply ka bilang Maid sa payat mong iyan? Tingin mo paano mo kakayanin lahat ng trabaho dito? At nagdala ka pa talaga ng bata?"
Sarkastikong tanong ni Mrs.Callejo na siyang naging dahilan upang mag angat muli ako ng tingin.
" M-Mam pagdating po sa gawaing bahay ay sinisigurado ko po sainyong kaya ko p-----"
" Anong pangalan mo?" Tanong ni Mr.Collejo na agaran ko namang sinagot.
" Arielle po, At kapatid ko po ito.Si Mimi. "
" Naasan na ang mga pamilya ninyo ?"
" A-ahm sir, wala na po kaming pamilya--"
" So that means you're a beggar kaya tinaló mo nalang ang trabahong ito kahit alam mo na kung ano ang mga kuwento-kuwento dito ganun ba?"
Pang iinsulto ni Mrs.Callejo.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa pang iinsultong iyon sapagkat alam ko namang iyon ay totoo at sanay na rin naman kaming nilulugmok ng panlalait dahil sa kahirapan mula pa noon kaya naman binabiwala na lamang namin ang gayung pang iinsulto.
" S-Sir, Ma'am, Hindi po namin alam kung ano ang mga usap-usapin dito pagka't bagong salta lamang po kami sa bayang ito.Kaya po ako nag apply dahil kailangan po talaga namin ng matutuluyan kaya sana naman po ay tanggapin niyo ako at hindi ko po kayo bibiguin."
Magalang kong sagot ng mga panahong iyon.
" Oh sya , sya, Magtatrabaho ka dito 5,000 a month libre na lahat at magseset din ako ng rules ngunit bago iyan, Come I'll show your room."
Istriktong utos ni Mrs.Callejo at halos hindi na ako maka hinga dahil sa sobrang saya.
Kahit labis akong nagalak ay tahimik lamang namin syang sinundan papunta sa kung saan at ilang ulit pa kami dumaan sa mga pinto pinto bago namin narating ang pinaka likod na bahagi ng bahay nila.
Aminado akong maganda ang bahay na iyon ngunit hindi ko inakalang mas may maigaganda pa pala ang mula sa loob ng bahay.
Isang napakakinang na chandalier mula sa ding ding ng kanilang bahay ang bumungad saamin at kahit medyo pang español ang desinyo ng pagkakagawa ng kanilang bahay ay kakikitaan pa din ito ng labis na linis at karangyaan.
" Ito ang maid's quarter at dito kayo matutulog mula ngayon nang kapatid mo. Tatlong kwarto lang ang nandyan riyan at sainyo iyang bakanteng kwarto.Bukas magpapadala ako ng isang kama para sa kapatid mo at bibigyan na rin kita ng paunang sweldo pambili ng mga damit ninyong magkakapatid."
Taas kilay nitong pag-iimporma saakin bago tinuro ang pinakadulong kwarto na malapit lamang sa lumang hagdanan.
" Nako maraming salamat po mam makakaasa po kayong pagbubutihin ko po ang aking pagtatrabaho mula sa bahay na ito."
Nakangiting pangako ko dahil sa sobrang saya.
Ramdam ko ding masaya ang kapatid ko mula sa narinig dahil mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay namin.
" Okay now for the rules, First , Dapat alas Singko palang ay nadiligan na lahat ng halaman sa buong bahay.Dapat napakain na lahat ng alagang hayop, Alas Sais ay dapat handa na lahat ng breakfast and the remaining of your hours, spend it by cleaning this hacienda in and out because I want no dust on my sight when I get back do you understand?"
" Yes po ma'a---"
" Señora , Call me Señora. Day off mo lang ay every Sunday at yang kapatid mo ay ipapag-aral ko nalang yan dito dahil may homeschooled ang mga anak kong kambal."
Nang dahil sa sinabi ni Mrs.Callejo ay labis akong nagulat at laglag pangang napatitig sakanya.
" T-talaga po?! Naku maraming maraming salamat po Señora ! Salamat po !"
Gulat at di makapaniwala ko'ng naiusal dahil sa pinaghalong galak at excitement para sa kapatid ko.
Ito ba yung sinasabi nilang istrikto? eh ang bait-bait nga eh!
Alakain mo , Nakahanap na ako ng trabaho, May matitirhan pa kami , Hindi nako mamumublema sa pagkain namin araw araw at higit sa lahat, Pagpapaaralin pa ang kapatid ko ! Maraming maraming salamat po lord sa biyaya .
" Now, let's get you to the most important rule here."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay Lumabas ng kwarto si Mrs.Callejo sanhi upang nagtataka namin syang sinundan hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang luma at madalim na hagdanan paitaas.
" See that Room over there? That's an attic and you will NEVER ENTER THAT ROOM.Ipinagbabawal ang kahit na pagtapak man lamang sa hagdanang iyan at mas lalong ipinagbabawal ko ang kahit na sino man sa inyong lahat ang papasok sa kwartong iyan.That's an order and either the two of you will face the consiquences oras na malaman kong nilabag ninyo ang isa sa mga rules dito sa bahay lalong lalo na ito.Understood?"
Seryoso niyang wika mula sa aming harapan.
Napalunok na lamang ako bilang sagot nang mga panahong iyon.
" O-Opo"
" And whatever you will hear , You are not allowed to ask nonsesical questions nor talk about it to anyone inside and outside the house.That's all, have a good day "
Pagtatapos nito sa usapan at tuluyan na nga itong umalis bitbit ang isang Medyo may kabigatang susi.
'Ano kayang meron sa kwartong iyon at grabe sila kong makapagbawal?'
Takang tanong ko saaking isipan nang pinagmasdan ko kung paano humigpit ang pagkakahawak ni Mrs.Callejo sa susi'ng namataan ko kanina.
"Hayysst bahala na basta makakatulog kami ng kapatid ko ngayon ng may laman ang tyan at may Komportableng higaan."
Mahina ngunit nakangiting naibulong ko na lamang saaking isipan bago pumasok saaming kwarto.
Natapos na ang lahat at nang sumapit ang gabi ay natulog na kami.
" Good night ate "
" Night Tulog kana "
Akmang hihiga na sana ako nang may narinig kaming malakas na kalampag na nanggagaling mula sa itaas sanhi upang naalarmang lumingon saaking gawi ang aking kapatid.
" A-Ate ano yun? "
BINABASA MO ANG
Hidden Pleasure
Romance------ Just like every princess in a fairytale , We all dreamed to be loved by a handsome prince.Filthy rich,Smart,Perfect physical looks,Angelic face that matches a bad boy attitude.Admit it.We all want that.Some aren't but I belong to those kind o...