CAPITULO 13

155 8 0
                                    


" Hi red lips, Anong ginagawa mo dyan?"

Nakangiting tanong ko habang naglalakad papalapit sakanya noon.

" Ah, H-Hey I-I was j-just s-s-sketching.."

Ganti naman nitong ngiti nang ako'y balingan bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nang tuluyan na akong makalapit sa tabi niya ay agad niya akong pinaupo sa tabing silya.

" Wow, Ano ba yang dinu-drawing mo?"

Kuryuso kong naitanong sabay dungaw sa lamesa.

Ngunit nang makita ko ang larawang guhit ng isang magandang babae ay napawi ang mga ngiti ko.

" A-Ang ganda naman n-neto Sin.Sino to?"

Pilit ngiti kong naitanong.At nang makita ko kung paano siya ngumiti ng mas malaki ay lalo lamang akong na curious.

" S-She's beautiful isn't s-she?"

Malungkot na ngiti niyang tanong dahilan upang mapatitig ako sa drawing.

Malayang nakalugay ang mga buhok neto at may mga makukurbang pilikmata na sinamahan pa kaniyang matangos na ilong.

Mayroon din siyang mga mapupungay na mata habang nakangiti ito sa larawan na para bang sa mga pagkakataong iyon ay sobrang saya niya .

"Hmmmm..."

Tatango-tango kong sagot.

Yes she was indeed beautiful...

" She is..."

The sketch was so realistic kahit pa wala itong kulay.

At nang magsalita si Red lips ay napatitig na lamang ako sakanya.

" S-She's Jia. A-And she's p-probably 20 b-by now .."

Nakangiting pagkukuwento niya dahilan upang muli akong napabaling sa kaniyang iginuhit.

" Ohh, Teka kaano-ano mo siya?"

Kuryuso ko pang tanong.

" S-She w-was m-my f-f-fist l-l-love.M-M-My f-first at e-e-everything..."

Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay napatitig ako sakanya.

At kitang-kita ko kung paano siya malungkot na ngumiti habang hinahaplos haplos ang pisngi ng babaeng nasa larawan sanhi upang nakadama ako ng kakaibang kirot sa aking dibdib.

" S-She was j-just like you..S-She was a m-m-maid too and s-she w-was also m-my f-first k-kiss...."

Pagpapatuloy niya habang nakatitig parin doon ang kaniyang atensyon.

Agad akong napatitig sa damit ng babaeng nasa larawan at doon ko lamang napansin ang kaniyang unipormeng damit na katulad ng saakin.

" R-Red lips.."

Tanging naibulong ko na lamang dahil pakiramdam ko'y unti-unti nang napupunit ang aking puso nang mapagtagpi-tagpi ko ang mga katanungan sa aking isipan.

Kaya pala ang galing niyang humalik at gumawa ng ganoong mga bagay....

Kaya pala....

" D-Do you wanna k-know a-about h-her?"

Nang ibaling niya saakin ang kaniyang atensyon ay naramdaman ko ang kaniyang pangangailan ng kausap nang mga sandaling iyon,kaya naman kahit masakit ay pilit pa din akong ngumiti at tsaka tumango..

" O-Oo naman."

Hilaw na ngiti ko na lamang pagsasang ayon.

" I-I m-met h-her f-four y-years a-ago.S-She w-was s-seventeen and s-she was so k-kind to me.S-She t-taught m-me so m-many things a-and she didn't f-felt d-disgusted....."

Tatango-tango lamang ako habang nakatitig doon kahit pa ang totoo ay gustong gusto ko nang takpan ang aking tenga..

" S-She taught m-me a-about l-love.S-She t-taught me about K-kissing and a-all those things w-we d-did..."

" S-So, s-sya ang nakauna s-sayo?"

Mahinang tanong ko kay red lips noon.

Pilit na pinapalakas ang loob.

" Y-Yes but i t-think i-i'm n-not her f-first.."

Ahh shit ang sakit pala ...

Dapat okay na sakin yun ehh kase alam ko namang hindi niya talaga ako gusto,

But it hurts...

It hurts so much kapag naiimagine kong iba pala ang nakauna sa taong mahal ko..

Lalong lalo na kapag naiisip kong baka trinatrato niya lang akong ganito dahil nakikita niya ang first love niya sa katangia n ko..

Parang gusto na atang tumulo ng aking mga luha nang mga sandaling iyon ,kaya naman ay yumuko na lamang ako ng hindi nagpapahalata at tsaka pasimpleng pinahiran ang kaunting butil ng aking luha.

" D-Do you see t-this bracelet? "

Nakangiting turo niya sa larawang guhit ng kamay ng babae at doon ko lamang napansin ang bracelet nakakabit sa kanang palapulsuhan nito.

" I-It was f-from m-my g-granny. My g-granny g-gave that to me s-saying t-that i-if i met s-someone s-special, I-I should g-gave that b-bracelet to them s-so i -i gave it to h-her..."

" A-Ah,, ganun ba? Hahahaha "

Parang tangang tawa ko na lamang noon at maya-maya pa'y pasimpleng hinawakan ang aking dibdib.

'Kaya pa ..'

" N-Nasan na s-siya?"

Nakatungong tanong ko dahil ayokong makita niya kung gaano ako nasaktan sa mga narinig..

Nang muli itong magpatuloy ay tahimik na lamang akong nakinig.

" S-She s-sailed me with p-promises.She promised t-to l-live the rest of h-her life w-with me.."

Nang marinig ko ang garalgal niyang tinig ay agad akong napalingon pabalik sakanya bago ko siya tinitigan.

" S-Sin...."

" B-But w-when everyone k-knows about u-us, S-She was k-kicked out....."

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit kahit na nasasaktan ako.

" T-That's what s-she s-said to me.B-But she lied.."

Kunot noo niyang pagpapatuloy bago kumalas sa pagkakayakap at pinahiran ang kaniyang mga luha.

" A-Ano ibig mong sabihin?"

" It was Leo I-I saw w-with her."

" I s-saw h-him handing h-her s-some m-money .I-I dont understand w-what they t-talked about but b-before s-she left, I s-saw s-some guy w-who escorted h-her and I-I saw t-them e-exchanging k-kisses."

Napaluha niyang pagkukweto dahilan upang mapaluha na rin ako.

" Ssshhhh..."

Sabay hagod ko sakanyang likod at ramdam ko kung paano humigpit ang kaniyang pagkakayakap saakin nang mga sandaling iyon.

" T-Then I-I decided to w-walked o-outside t-to find her.I-I w-was so desperate to f-find her a-and i hadn't r-realized a-all the t-thoughts of t-those p-people w-who s-saw me.. "

" W-When i asked t-them i-if they know a g-girl n-named J-Jia, T-They threw me o-out, K-kicked me, T-throw s-some s-stones and s-said h-hurtful words to me.T-They felt disgusted."

" Shh, Hey, hey h-hindi mo na kasalanan yun.Masasama silang tao S-Sin."

" I-It was m-my first time to w-walked o-outside a-and i was so s-scared."

" I wanted to s-see her, I-I wanted to ask,I w-wanted to say I loved her s-so much.."

" R-Red lips...T-Tama na.."

Nang hindi ko na makayanan ang emosyon ko ay napahagulhol na lamang ako habang nakayakap sakanya.

" W-Why are y-you c-crying?"

" W-Wala lang, N-Naawa kase a-ako sa n-nangyare s-sa inyong dalawa....."

Ang sakit...

Ang sakit sakit...

Bakit ba ang manhid mo?!..

Bakit kinukwento mo yan saken?!

Naiintindihan mo ba kung gaano kasakit malaman kong gaano mo siya kamahal hah?!

Putangna , Akala mo talaga okay lang saken?!

Bakit hindi mo makuhang nasasaktan ako?

R-Red lips, A-Akala mo ba talaga okay lang saking nagkukwento ka ng mga ganyang bagay nang hindi ako n-nasasaktan?!.

Naiintindihan mo ba yun?

Hindi ehhh,

-Kase pakiramdam ko hindi mo naman talaga ako mahal.

Malay ko bang malungkot ka lang.

--------------------

KINABUKASAN.

Ala una pa lang ay gumising na ako para umalis sa kwarto niya ng walang imik noon.

Ayoko munang pag-usapan ang mga narinig ko kagabi lalo na noo'y maraming negatibong katanungan sa aking isipan tungkol sa aming dalawa.

Ang totoo kase nyan ay hindi ako nakatulog kagabi kakaiyak ng tahimik.

Oo sensitibo akong tao.Iyakin at madaling masaktan pero anong magagawa ko eh napamahal na ako dun sa tao,

hindi ko nga lang maamin.

Ngunit kahit papaano'y nagpapasalamat na din ako kesa naman malaman kong kaya niya lang pala ako tinatrato ng ganito dahil nakikita niya ang katangian ng taong mahal niya saakin.

Mawawasak ako pag ganoon dahil alam ko sa sarili kong mahal ko na talaga sya.

" Nanay ,Saan po ba tayo pupunta?"

Maya-maya pang tanong ko nang mapansin kong patuloy lamang kami sa paglalakad netong gilid ng rancho.

" Lilinisin natin ang puntod ng yumaong anak nila Señora.Dadating na kase sa susunod na araw ang mga kaanak nila para sa Selebrasyon ng kanilang anak kaya napag utusan tayo."

Mahabang pagpapaliwanag ni nanay noon dahilan upang saglit akong mapatigil sa pag-iisip tungkol sa nangyare kagabi.

" Talaga po? "

Gulat kong naitanong at eto na naman ang pesteng kuryusidad ko.

" Oo kaya bilisan mo na riyan at nang makarating na tayo."

Maya-maya pa'y narating na namin ang nasabing puntod at dahil sa kuryusidad ko'y agad ko itong nilapitan.

' In the loving memories of Aurosin Gartez Callejo'

Basa ko sa paunang pangalan.

Aurosin? .

Teka bakit parang pamilyar yung pangalan?

Auro.....

SIN !

OH MY GOD !

Gulat na gulat kong naibulalas sa aking isipan nang may napagtanto.

Agad kong tiningnan ang date.

' Jan.12,1990–Jul.23, 1997'

So Pitong taong gulang pa lamang siya nang siya ay namatay?!.

Bigla kong naalala ang sinabi ng aleng nag chichismisan noong unang salta pa lamang namin sa lugar na iyon.

Ang sabi niya ay pitong taong gulang pa lamang daw ito nang magkasakit kaya ibig sabihin namatay ito nang dahil sa sakit?.

Bigla kong naalala si Red Lips.

Sin din ang pangalan niya,

at kung pagbabasehan ang edad nang namatay , ay tantya ko'y magkasing edad na rin sila ngayon..

Yung pagkakuba niya, Bali-baling mga kamay , Pagkatago sa Attic...

P-Posible kayang....

Posible kayang iisa lang sila?!

" A-Anong ibig sabihin n-nito?"

Mahina ngunit nanginginig kong paghaplos sa puntod.

P-Pero ,Imposible naman yun ! Sobra sobra na yun! Walang kahit na sinong magulang ang ganoon kasama para pekein ang pagkamatay ng kanilang anak.

Dugo't laman mismo !

Kahit gaano pa kasama ay alam kong wala talaga..

At kung mayroon man katulad nito, Alam kong may may mabigat na dahilan iyon..

" A-Anak , Mamitas ka nga ng puting rosas doon "

Untag ni nanay dahilan upang mapatitig ako sakanya ng masinsinan.

May alam kaya si nanay kung ano ba talaga ang katotohan ?.

May itinatago din kaya sila nanay saamin?..

Yung babae sa larawang Iginuhit ni Red lips, Ano nga bang kinalaman niya dito?

Nasaan na ba talaga siya?.

At higit sa lahat,

Red lips or Sin, Sino ka ba talaga? ...

Panibagong katanungan na naman ang nadadagdagan sa aking isipan ng mga panahong iyon.

Panibagong tanong na hindi ko pa din masagot sagot..

Habang naglalakad ako patungo sa Farm ay sobrang gulong gulo na ng utak ko kaiisip .

Ayaw ko mang maniwalang hindi si Red lips iyon, pero nang dahil sa mga ebidensyang natuklasan ko mismo.,

Sa lahat ng pagkakapareho nila,

Alam kong Si Red lips iyon.

Alam kong siya talaga iyon at ang hindi ko lang masagot ay kung bakit nila lubusang binaboy ang katauhan niya gayung siya mismo ay dugo't laman ng mga Callejo.

Hindi ako naniniwalang nang dahil lamang iyon sa kapangitan niya..

Ang babaw nun.

" Argh ! Daig ko pa ang detective dito ah ! Huta mag-apply ka nalang kaya Arielle?! Kaso huwag na, Ang bobo mo eh tsskk."

Inis na inis ko na lamang naibulong sa sarili habang patuloy na naglalakad.

Ngunit nang mapansin kong medyo nawawala na ako sa aking dinadaanan ay agad akong nag U turn para sana sa kabilang daanan dumaan ngunit napatili ako nang ako'y nadulas at nahulog pababa sa madilim na kakahuyan.

" AHHHHHHH tulongggg!!"

Medyo nasaktan ako ng kaunti dahil sa pagkakagulong noon, at nang tingnan ko mula sa baba ang aking pinaghulugan ay lalo lamang akong nadismaya.

Lalo pa nang masulyapan ko ang aking duguang paa.

" AIISSSH ! NAKAKAINIS ! NAKAKAINIS ! BAKIT BA KASE ANG TANGA MO ARIELLE?! O PANO NA TO NGAYON?! AAKYATIN MO YAN NANG MAY SUGAT SA PAA?! WOWW ! HANEP ! ANG TANGA KASE EHHH ! "

Nang dahil sa labis na inis ko'y pinagpapalo-palo ko na lamang gamit ang isang stick ng kahoy ang mga tuyong dahon doon.

Mga ilang minuto rin akong tumunganga roon hanggang sa naisipan ko nang tumayo upang sana ay makabalik ng maayos.

Ngunit isang rectangulang kahon ang nahagip ng aking paningin sanhi upang mapahinto ako sa aking ginagawang pag akyat.

Malaki ito, Lumain at parang lumaing kahoy na kabaong kung ito'y titiningnan ,kaya naman ay dali dali ko itong tinungo upang sana ay matungtungan man lamang sa pag-akyat pataas.

" Kapag minalas ka nga naman "

Reklamo ko nang dahil sa masangsang na amoy.

Hindi ko na iyon ininda pa at sa halip ay hinila ko ito ng hinila para i-plastada ng maayos upang matungtungan.

At nang maiplastada ko na ito ay agad ko na itong tinungtungan gamit ang aking kaliwang paa at tsaka ako kumapit sa mga gamot ng puno.

" Kaya ko toh."

Positibong wika ko ngunit bago ko pa man tuluyang maitungtong ang aking kanang paa, ay biglaan na itong nagcrack dahilan upang mapaatras ako para muli itong isaayos.

Pero halos malagutan ako nang aking hininga dahil sa labis na takot mula sa aking nasaksihan....

Hidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon