CAPITULO 22

151 7 0
                                    


Kakatapos lang naming mag impake ng mga sandaling iyon at habang abala si Red lips sa loob ng CR niyong kwarto ay pumuslit ako upang buksan ang computer ni Lola at i-search ang ibig sabihin ng salitang ' Tortoise'.

' Lagot ka sakin ngayon'

Napangising nausal ko sa sarili habang nag ta-type,at nang lumabas ang resulta ay padabog ko itong ini off sabay sigaw.

" AUROSIIINNNNNNNN!!"

Inis na inis kong naisigaw sa kaniyang buong pangalan.Ayaw niya kasing tinatawag siya ng ganoon.

Sakto naman kakalabas niya lang sa CR nang naka tapis lang ang pang ibabang katawan dahilan upang mas lalo akong mainis.

" What?"

Inosenteng tanong niya nang makita ang reaksyon ko habang abala sa paghahanap ng damit .

" BWESIT KA ! ANG GANDA GANDA NG PANGALANG BINIGAY KO SAYO HAH! RED LIPS PA TAPOS SAKIN PAGONG ?!!!!! "

Sinugod ko siya at tsaka pinagsasapak dahilan upang napasalampak siya sa kama habang nasa ibabaw niya ako.

" Hey hey aww ! Hahahahaha ouch!"

" MUKHA BA AKONG PAGONG HAH HAH?! LINTIK KA ! ANG DAYA DAYA MO BWESIT KA ! BAKIT SA LAHAT NG PALAYAW EH PAGONG PA ?! WALANGYA KA! HINDI NA KITA TATAWING RED LIPS ! KAYA BAWIIN MO NA YUN ARRRGHHHH ! "

Mas lalo pa akong nainis nang makitang tatawa tawa lamang ang gago kaya naman ay nang makita ko ang unan sa ibabaw niya ay kinuha ko ito at pinaghahampas sakanya.

" Pffttt HAHAHAHA AWWWW, H-HAHAHA TORTOISE !!"

" BAWIIN MO YUN NAKAKAINIS KANA!!! TINATAWAG NA TULOY AKONG TORTOISE NG KAPATID KO PATI SI LOLA ! ARGHH BWESIT KA! BAWIIN MO YUNNN!"

" OUTCH PFFTT HAHAHA TORTOISE !"

Ewan ko ba pero nag aalburuto talaga ako nang bumungad saakin ang pinakamalaking larawan ng pagong sa internet bilang resulta ng senearch ko.

Nabwe-bwesit ako kase ang ganda ganda ng palayaw ko sakanya tapos sakin LINTIK NA PAGONG?!

Napatili ako nang mahuli niya ang aking dalawang kamay at tsaka pwesahang pinagpalit ang posisyon namin dahilan upang siya na noon ang ngingisi-ngising pumaibabaw saakin.

" Tortoise , You are aware that i'm naked beneath this towel right? So better behave yourself if you don't want to be naked too.Well unless if you want to hehehe "

" GAGO ! UMALIS KA NGA SA IBABAW KO BWESIT KA! "

Pilit kong inaabot ang unan at nang makuha ko ito ay pinaghahampas ko ito sa kaniyang nakangising mukha sanhi upang nakakaloko itong tumawa.

" Awww, my baby is looking for a pillow fight, okay here you go "

Hindi ko namalayan ang kaniyang pagkuha sa isa pang unan mula sa aking ulunan tsaka ako mahinang pinaghahampas nang nasa ibabaw niya ako.

" ARGHHH ! ANO BA ALIS AHHHH!!"

" HAHAHAHAHAHAHA "

" UNFAIR KA ! LUMAYAS KA DYAN SA IBABAW KO AT LUMABAN KA NG PATAS !"

At nang umalis siya sa ibabaw ko ay naghampasan kami ng unan.

Ang kaninang inis ko ay napalitan ng matindi tawanan nang makita kong nabutas na ang kaniyang unang panangga at naglaglagan doon ang mga feathers mula sa loob.

" Hala ka ! Ikaw may kasalanan niyan Hahahaha ! Ito pa tanggapin mo !! "

" Wait Hahahaha awww your unfair! Ouch!"

"HAYAAAAAAAAA !!!!"

Para kaming mga bata ng mga panahong iyon.Naghahampasan ng unan hanggang sa halos mahulog na lahat ng feathers sa buong sahig ng kwarto nang dahil sa aming katatakbo.

" O-OUCH AWWW YOU'VE BETTER RUN NOW CUZ YOU'LL BE DOOMED !"

" HAHAHAHA DOOMED MO MUKA MO WALA KA PALA EH NYENYENYE! HAHAHA AAAAHHHHHHHH !"

Gulat akong napatili at tsaka nagtatakbo sa bawat sulok ng kwarto dahil sa takot na maabutan ng nakangising si Red lips.

" HAHAHAHAHA ! YOU HAVE NO WHERE TO RUN NA !"

" HAHAHA YUN ANG AKALA MO !"

Tatatawa tawa pa akong tumakbo papasok sa loob ng CR habang hinahabol ako ni Red lips pero nang pinihit ko ang pintuan niyon ay nagulat ako ng hindi ito bumukas sanhi upang ngingisi ngising naglakad papalapit saakin si Red lips.

" C'mon ! "

Natatarantang pagpipihit ko sa lock ngunit napatili ako nang maramdaman kong may kamay na humawak sa aking bewang mula sa likod kasabay ng mahinang bulong sa aking tenga.

" Gotcha!"

" AHHHHH SHIT SHIT ! TEKA LANG OYY HAHAHAHAHAHA JOKE LANG YUN LAHAT HAHAHAHA T-TAMA NA ,TAMA NA HAHAHAHA SINNNNNN !!"

Malakas akong napatawa nang kilitiin niya ako mula sa kili kili dahilan upang mabilis akong napapihit sakanya at tsaka pwesahan siyang pinatigil habang mangiyak ngiyak nang tumatawa noon.

" HAHHAHAHA, P-PLEASE TAMA NA HAHAHAHAHA ! AHHH !"

" SERVES YOU RIGHT BAD GIRL HAHHAHAHAHA!"

Nang tumigil na siya ay nanghihinang napasandal ako sa pinto ng naka locked na CR habang nakangising hinihingal na tumitig sakanya.

" pffftttt, hahahaha!"

Maya maya pang tawa niya matapos tumahan sa paghingal.

" Bwesit ka kase ! Hahahahaha !"

Tila na puno ng tawanan ang silid ng aming kwarto ng mga panahong iyon hanggang sa..

" Kiss."

Malalaking mata akong napatitig sakanya matapos niya iyong sabihin sa harapan ko nang nakangusong nakapikit.

" Gago! Umalis ka nga dyan hahaha abnormal!"

Pagtataboy ko sabay lagay ng kaliwang palad ko sakanyang buong mukha ngunit hindi ito nagpatinag.

" Nuuu, I deserved a kiss."

Nakapout niyang sabi.

" Ano ka bata?! "

" Yes, I want kiss."

" Tss pwede ba Red lips tigil tigilan mo nga yang pagka isip bata mo ."

" No I want kiss.

" Baliw ! "

Akmang aalis na sana ako mula sa pagkakasandal habang tumatawa nang biglaan niya ako tinulak pabalik bago kinornered.

" Kiss."

Seryosong wika niya sanhi upang di makapaniwalang napatitig ako sakanya.

" Abnoy ka ba? Hahahaha bigla bigla ka nalang nanghihingi ng kiss ! Ano ka---"

" Kiss."

" No abnormal , Magbihis ka na nga doon"

Pagtataboy ko ngunit para lamang itong batang naka pikit at pilit na nagmamatigas.

" No."

" Seryoso ka ba talaga sa kaabnoyan mo? Oh sya sige na nga.Ang weirdo mo naman!"

*Tsup*

" Oh ayan na ,Alis na dyan!"

Napasimangot siyang nagdilat nang mata at tsaka nakapout na tumingin saakin.

" But that's not a kiss!"

" Hoy, Kiss yun abnoy !"

" No, I want kiss!"

" Binigay ko na nga diba!Ano bang kaabnormalan ang pumasok sa isip mo't bigla bigla ka nalan---"

" I am asking for a kiss like this tortoise !"

Inis na pagpuputol niya sa sasabihin ko bago inilapit ang kaniyang mukha at tsaka ako hinalikan ng madiin.

Gulat akong napatingin sa kaniya habang siya naman ay naka pikit na ninanamnam ang aking mga labi sakanya.

" Kiss back"

Agad akong tumugon at nang maibuka ko ang aking bibig ay biglaan akong napakapit sa kaniyang leeg nang agad niya akong hinalikan ng sobrang diin na tila ba sobra sobra ang pananabik niya saaking labi.

He was kissing me with full forced at kahit aatras ako ng kaunti ay agad niyang hinahabol ang aking labi sabay ako hahalikan ng sobrang diin na kahit dila ko ay hindi na halos makasabay sa kaniyang mga halik.

Nang pwersahan akong kumalas para kumuha na hangin ay tsaka lamang niya ako tinitigan ng nakangisi habang pareho kaming humihingal.

" Ano bang nakain mo?"

Wala sa sariling naitanong ko sakanya habang naghahabol ng hangin dahilan upang humalakhak ito ng mahina.

" Nothing.Now you know what kind of kiss to give everytime I ask for it"

" Abnoy! Sya sige na at baka kanina pa sila nag aantay sa baba."

" Wait "

Habol niya sabay hila saakin pabalik.

" Ano na naman ?!"

*Tsup*

" More kiss more happiness hahaha "

" Gago ! Hahahahahaha eh kung sipain ko yang bayag mo para more kiss more happiness more sipa bayag talaga eh no ?kase nakakahiya naman sa budhi ko tss?!"

Sarkastikong sagot ko sakanya tsaka ko siya iniwan doon upang bumaba at sabayan ang lahat sa pagkain.

Ewan ko ba kung anong nakain ni Red lips cuz he became extra sweet all of a sudden.

Not that I don't like it but I just find it weird.

Oh well baka ganyan lang talaga sya haha .

Sweet na weird na may pagka abnoy din tsk tsk tsk.

Baka ma triggered ako sa magiging anak namin kung mamanahin nila ang ugali niya hahaha.

Hidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon