CAPITULO 4

172 10 0
                                    


Nanginging ang mga tuhod ko habang dahan-dahang inakyat pataas ang hagdanan patungo doon sa misteryosong kwarto, nang wala man lang dala kahit na isang pamalo o ilaw man lamang nang mga oras na iyon.

Mahirap na kase at baka mamaya ay may makapansin pa saakin.

Halos magkabundol bundol na rin ako dahil nahihirapan akong maglakad sa dilim pero dahil sa ka desperadahan kong malaman kung ano ba talaga ang laman ng kwartong iyon ay pinagpatuloy ko pa din ang paglalakad ng walang ingay hanggang sa narating ko na ang tapat ng isang lumang pinto.

Medyo may kalakihan ito kumpara sa mga pinto ng iba pang mga kwarto dito sa bahay.

Ang nakakapagtaka lang ay gawa ito sa makapal na bakal,na para bang may ikinulong dito na hindi kanais-nais.

Nababalutan din ng malalaking kadena ang isang malaki ngunit luma nang kandado kaya naman ay pinag-aralan ko muna ito upang mabuksan ng walang ingay gamit ang aking hairpin.

Hindi ko mawari kung bakit magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon.Ni hindi man lamang ako nakaramdam ng takot.

Lumingon muna ako sa baba upang makasigurado na walang tao bago ko sinimulan ang aking plano, at nang makumpirmang wala nga ay dali-dali kong tinanggal ang aking hairpin at dahan dahang itinutok sa butas ng mabigat na kandado,at saka pinaghahalungkat ang loob niyon bago ko ito tuluyang nabuksan ng tahimik.

Marunong kasi ako sa mga ganyang gawain dahil doon sa tito ko ay lagi akong pinagsasarhan ng pinto kapagka nalaman niyang pumapasok ako sa eskwelahan, kaya naman ay sinanay ko na ang aking sarili sa mga life hacks at buti nalang ay napapakinabangan ko ulit iyon doon.

Napahugot hininga ako nang tuluyan ko nang natanggal ang mga kadena ngunit kamuntikan ko na itong maibagsak sa sahig nang dahil sa bigat .

Bago ko pinihit ang siradora ay pumikit muna ako at nagdasal sa lahat ng panginoon na sana ay hindi ko pagsisisihan ang kahibangan na aking pinasok pero dahil pursigido na talaga ako, ay dahan dahan ko nang pinihit ang siradora pabukas at napatakip ako sa aking ilong nang dahil sa masangsang na amoy mula sa loob ng kwartong iyon.

Kalahati pa lamang ang aking nabubuksan bago ko tuluyang ipinasok ang sarili sa loob ng tahimik at mabahong kwarto na iyon sabay inilocked ang pinto .

Unang tingin ko palang sa silid na aking nabungaran ay masasabi ko nang isa itong di kalakihang Attic.

Walang ilaw na nagmula sa kuryente ngunit dahil walang takip ang triangular na bintana sa aking harapan ay nagkakaroon parin ng mumunting ilaw ang kwarto dahil sa liwanag na nagmumula sa silaw buwan.

Nagkalat din sa paligid ang mga sira-sirang piraso ng salamin ngunit kapansin pansin ang mga nakaukit sa bawat sulok ng pader.

Bahagya akong nagulat riyon...

Sobrang ganda ng mga guhit lapis na naka bandal sa mga pader.May makikita kang mga iba't ibang uri ng hayop at bulaklak na malinis na naiguhit mula dito at may mga postura din ng mga tao na kahit walang kulay ay mapapanganga ka talaga sa labis na pagkamangha, kaya naman sa labis na pagkaaliw ko, ay hindi ko namalayan ang aking sarili'ng naglalakad papunta sa mga pader na iyon upang titigan ng malapitan ang mga nakakabusog matang larawan,

nang biglaang masagi ng aking mga paa ang isang bagay na nagdulot ng matinis na ingay.

Agad akong yumuko upang tingnan kung ano ito at nang makita ko ang puting bowl na pinaglagyan ni Mam Callejo nang mga sandaling iyon ay mas lalo lamang ako'ng nilamon ng matinding kuryusidad.

" Ano kayang meron dito.."

May pagtatakang kong tanong at akmang pupulutin na sana ang wala nang laman na puting bowl na iyon ,nang may biglaang nagsalita.

" W-w-who is t-that?!"

Tila natataranta at may bahid na takot nitong tanong.

Halos maputulan ako ng hininga dahil sa malamig na boses na iyon at mas lalo pang nanginig ang mga tuhod ko nang makompirma ko'ng nasa bandang kiliran ko lang pala nanggagaling ang boses !.

Dahan dahan akong pumihit paharap upang makita ang isang bakante ngunit de sakong kama.

" M-may tao po ba dito?"

Nanginginig kong tanong habang inililibot ang paningin sa paligid.

Pansin kong sobra luma na ng kamang de sako dahil nakaka agaw pansin ang mga punit-punit nitong parte na malayang nakabalot sa kama.

Sobrang dumi din ng paligid at punong puno ng mga bahay ng gagamba ang pinakamataas na parte ng attic.

Nakakapagtaka...

Walang sumagot sa aking tanong dahilan upang ako ay humakbang patungo sa kama iyon para sana'y umupo, nang bigla nalang...

" D-D-Dont c-c-come a-a-any closer !"

Natatarantang sambit nito.

Agaran kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.

Alam kong nakatago ito sa likod ng isang basag na malaking salamin upang matakpan ang sarili kaya ay imbis na sundin ko ang sinabi nya, ay pumihit ako patagilid at tinungo ang kinaroroonan ng misteryosong boses na iyon.

" K-kung sino ka mman dyan, Huwag kang matakot saakin dahil hindi naman kita sasaktan.Gusto ko lang malaman kung i-ikaw ba iyong kumalabog k-kani-----"

" L-leave "

Pagpuputol nito sa mga sasabihin ko dahilan upang mapahinto ako sa aking paglalakad patungo rito.

Hindi agad ako nakapagsalita at biglaang kumalabog ang pintig ng puso ko dahil sa boses na iyon.

Parang nakakahibang ang malamig na boses ng nagmamay ari niyon.

Ang sarap pakinggan sa tenga.

Napakaganda.

Napakalalaki.

'Siguro sobrang gwapo nito'

Wika ko sa aking isipan ngunit agaran din akong napabalik sa huwisyo.

" Bakit ka nagtatago?"

Ang tanong na iyan ang biglaang lumabas mula sa aking bibig imbis na 'Sino ka?'.

" D-d-don't a-a-ask, L-l-lea-- AHH! "

Malakas na daing nito kasabay ng pagkatumba ng salaming nakaharang sa aming pagitan kaya naman ay dahil sa labis na pag-aalala,agad akong lumapit at tinulungang makatayo ang lalaking naka jacket na natumba.

" Oh dahan dahan ! Ayos ka lang ba?"

May bahid na pag-aalala kong naitanong pero nang tumama ang mga palad ko sa kanyang balat ay daglian akong nakaramdam ng matinding kaba dahilan upang mabilisan akong kumalas sa pagkakahawak nang mapansin kong maayos na ito.

" Nahihirapan ka pa ba? Masakit ba ang likod mo? "

Tanong ko nang mapansing pakurba ito kung tumayo.

" I s-said L-l-leave !"

Galit nito sagot habang nakayuko at pilit na hinihila ang kaniyang jacket upang matakpan ang mukha tsaka tumalikod at naglakad papunta sa de sakong kama nang iika-ika.

Agad naman akong napasinghap nang may napagtanto .

Kuba pala siya kaya pakurbang nakatayo kanina !

Nang dahil sa kahihiyan ay agad akong lumapit sakanya upang humingi ng paumanhin.

Baka kase ay napahiya iyon nang tinanong ko kanina.

" Hey, Uhm..Pasensya na di ko napansin na ganun pala ang likod mo."

Pagpapaumanhin ko at tsaka yumuko sa kaniyang harapan upang sana ay mapantayan ko sya sa de sakong kama at makita ng pormal ang kaniyang mukha.

" Ahhmm, S-sana ma------"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang agaran niya akong naitulak dahil sa pagkabigla.

Labis akong nagulat sakanyang ginawa at doon ko lamang napagtantong hindi ko din naman kase namalayan na sobrang lapit na pala namin sa isa't isa.

" A-Aray naman !"

Reklamo ko at nang makita niya ang expresyon ko sa mukha ay agaran na naman itong natakot at tsaka umusog papalayo saakin.

" H-Hala hindi naman kita sasaktan ah."

Gulat kong nasabi nang maramdaman kong halos manginig na ito sa takot.

" Y-y-you're M-m-mad!"

Takot na takot nitong naiusal at mas lalo pang umusog papalayo saakin sabay hila sa pinakamalapit na damit na noon ay nagkalat sa kama upang takpan ang kaniyang mukha.

Ano bang meron sa lalaking toh ' ..

" Hindi ako galit okay? "

Sagot ko at tsaka umusad papalapit sakanya.

Balak ko pa sanang lapitan siya upang makita ang mukha niya, nang biglaan itong nahulog sa kabilang gilid ng kama dahil sa kauusog.

" Oh ! "

Gulat kong naibulalas at tsaka tumayo upang tulungan ito.

Medyo nahirapan itong iangat ang sarili kaya naman ay agad akong yumuko upang dahan dahang alalayan.

Sa kabila ng kaniyang sitwasyon ay nagawa niya pang pagtakpan ang kaniyang mukha kahit na halos hindi na ito makagalaw dahil sa labis na sakit.

Parang gusto ko tuloy matawa.

At sa kauna-unahang pagkakatao'ng nagtama ang aming mga mata ay halos magpigil ako ng hininga dahil sa sobrang pagkamangha.

Natatamaan kase ito ng ilaw na nagmumula sa liwanag ng buwan kaya naman ay nagsusumingaw ay kulay asul nitong mga mata na sinamahan pa ng mahahabang pilikmata.

Sobrang nakaka insekyur sa ganda...

Kahit na sa kaliwang bahagi lamang ng kaniyang mata ang naaninag ko pagka't doon lamang ang natatamaan ng liwanag, ay sobrang namangha pa din ako sa aking nakita.

An eyes so vividly blue.So unique.

Napabalik lamang ako sa huwisyo nang bahagya niya akong tinulak sa pangalawang pagkakataon sanhi upang di makapaniwalang napatitig ako dito.

Maging sya ay nagulat din kanina kaya nya siguro ako nagawang itulak.

" L-l-l-leave now o-o-or i-i-i'll s--shout !"

Bulol bulol nitong naibulalas dahilan upang mataranta ako.

" Wag ! Oo na oo na aalis na ako ! Huwag kalang magsumbong okay?! Please "

Pagsusumamo ko at saka dali-dali akong tumayo at tumitig sakanya.

Ngunit tumango lamang ito bilang sagot at tsaka mas lalo pang inilayo ang sarili saakin.

Kaya naman ay agad ko nang nilisan ang kwartong iyon ngunit bago ko isinara ang pinto,ay humarap pa'ng muli ako pabalik sakanya at tsaka ngumiti.

" Aalis ako ngayon pero babalikan pa kita bukas kaya wag kanang matakot.At tsaka patulugin mo na rin kami tuwing gabi dahil walang epekto saamin ang pananakot mo.Di kami aalis dito hanggat hindi kami pinapaalis."

Pahabol ko at tsaka tuluyan nang inilocked pabalik ang kandado ng pinto nang may mga ngiti sa labi.

Ewan ko ba pero sa di malamang kadahilanan ay wala talaga akong makapang takot sa aking sarili.

Pero kaba oo meron.Sobrang Lakas.

Hidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon