" Arielle mag usap muna tayo ng masinsinan."
Seryosong wika ni nanay Lita sabay hila saakin pababa nang matapos na ang lahat.
Pikit mata na lamang akong sumunod noon sakanya nang dahil sa labis na kaba.
Hindi ko alam kung ano ang maaring mangyari saakin o sa kapatid ko ngunit sa kabila ng lahat ay naging panatag pa rin ang aking kalooban nang masilayan ko si Red lips na nakahiga sa kaniyang kama.
Mahimbing na natutulog bago tuluyang isinara ni nanay Odeth ang pinto ng kaniyang attic.
Nang dahil kase sa nerbyus ko ng mga sandaling iyon ay hindi ko na mawari kong ano ang gagawin.
Agad ko na lamang siyang iniakbay sa aking balikat upang sana ay itakbo siya ng ospital habang umiiyak.
Ngunit nang mapansin kong bumulwak mula sa kaniyang sugat ang kaniyang masasaganang dugo ay napilitan akong ihiga siyang muli sa kama upang maiwasan ang paggalaw ng kaniyang katawan.
Hindi na ako makapag isip pa ng maayos dahilan upang agad ko na lamang tinungo ang kwarto nila nanay at nagmakaawa ng tulong.
Noong una ay natakot sila at sobrang nagalit saakin pero kalaunan din ay pumayag na.
Nagalit pa ako nang malaman kong hindi namin pwedeng itakbo si Red lips mula sa pinakamalapit na ospital doon dahil pagmamay-ari pala iyon ng mga Callejo at kilala ng mga doktor si Red lips.
Natakot ako kung ano ang maaring mangyari sakanya doon kaya napagpasyahan na lamang naming tulong tulong siyang gamutin doon sa kaniyang silid kahit pa mahirap kaysa naman mas lalo pang lumubha ang kaniyang kalagayan doon sa ospital ng mga Callejo.
Sa tulong nina tatay Rodulfo at Lito ay madali naming naayos ang kaniyang sugat hanggang sa inutusan ako ni nanay na bumili ng herbal sa nayon at kumuha ng talbos ng kamote sa ganoong dis oras na ng gabi.
Kahit anu-anong idinahilan ko sa mga armadong bantay niyong loob at labas ng mansyon makabili lamang ng gamot, at nang tuluyan nang matapos ang lahat, ay tsaka lamang ako hinila ni Nanay Lita papasok sa maid's quarter kasama nina tatay Lito,Odeth at Rodulfo.
" Dyosko Arielle ! Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo !"
Paunang naibulalas ni nanay Odeth bago nanghihinay umupo sa plastic na upuan.
" N-Nanay..P-patawad po.."
Humihikbi ko na lamang naiusal at nang tiningnan ko sila isa-isa ay lahat sila iiling iling na napasapo sa kani-kanilang noo.
" Arielle Ganito ba talaga ka hirap ang sundin lahat ng utos dito?! Papaano pag nalaman ito ng señora hah?! Alam mo naman sigurong maaari kaming madamay dito!
" Hindi biro ito Arielle at buhay natin lahat ang alanganin dito ! May mga anak pa akong tinutustusan ! "
"Mahabaging dyos!"
" Isipin mo ang mangyayari sa kapatid mo pagnagka ganoon ! Isipin mo ang kahahantungan nating lahat! Hindi mo na sana tinulungan iyon doon ! Pinabayaan mo----"
Kahit umiiyak ay galit akong napalingon nang dahil sa sinabing iyon ni Nanay Odeth.
" At ano nanay ? Pabayaan nalang siya doon hanggang mamatay?! Ganoon po ba ang ibig ninyong sabihin?! Tao po siya Nay,Tay ! Tao po siya ! At wala pong tao ang karapat dapat na danasin iyon kahit gaano pa po kasama ! N-Nanay, kung wala na po talaga kayong pagmamalasakit, tulungan man lamang po natin siya kahit bilang tao man lamang po..A-Ako na po ang nagmamakaawa sa inyo D-Dahil hindi ko po ito magagawa ng mag-isa.."
Garalgal kong pakiusap habang patuloy na umiiyak.
" Hindi mo kase naiintindihan ang sitwasyon iha.."
" Ang alin po ba ang hindi ko maintindihan?! Kayong lahat po.., Kayong lahat po ay matagal nang naninilbihan dito sa mahabang panahon at nakakasiguro po akong may alam kayo tungkol sakanya..P-pero hindi ninyo man lang po siyang magawang tulungan? Ituring na pamilya man lamang? Eh ako po nanay , B-Bakit po kami ni Mimi na bago niyo lamang nakilala ay itinuring niyo na agad na pamilya?! Bakit siya po hindi?! N-Nanay hindi niyo man lang po ba naisip lahat ng paghihirap niya?"
" Oo nanaawa kami sa binatang iyon pero hindi anak eh! Hindi mo naiintindihan!"
" Nanay sabihin niyo po kung ganun at nang maintindihan ko po !"
" Hindi mo naiintindihan dahil sa katotohanang hindi naman Callejo ang binatang iyon!"
Gulat na gulat akong napahinto sa pag iyak at tsaka tumitig kay Nanay Odeth na noon ay bumaling kay tatay Rodulfo na puno ng lungkot.
" Iha , Ma upo ka muna at sasabihin namin sa iyo.."
Malumanay na ani ni tatay Rodulfo dahilan upang mapaupo ako nang may katanungan sa aking isipan.
" Hindi namin alam kong ano ang tunay na nangyare, basta ang alam lang namin ay naninirahan sa Portugal ang may ari nitong bahay na aming pinagsisilbihan ng mga panahong iyon.Apat na taon bago namin unang nasilayan ang pamilyang Callejo bitbit ang dalawang bata.Isa na anim na taong gulang pa lamang na batang lalaki at isang taong gulang na sanggol ayon sa aming napag-alaman.
Madalas magkaroon ng mga salo-salo dito sa bahay noong mga panahong iyon ngunit madalas kahuhumalingan ng mga bisita ang pangalawang anak.Siya si Aurosin...."
Pagkukwento ni tatay Rodulfo na dinagdagan naman ni tatay Lito.
" Bilang hardinero, Madalas kong makita kung paano hihilahin ng señora ang batang si Aurosin mula sa loob ng salo salo tuwing napapansin niyang mas nakukuha ng bata ang atensyon ng mga bisita kaysa sa panganay niyang anak na si Leonardo.Dinadala niya ito sa likod ng harden at pagkaraa'y minamaltrato."
" Noong una ay hindi pa namin napapansin ang tuwinang pagpapabor ng pamilya sa panganay na anak ngunit kalaunan din ay napansin namin iyon."
" Tuwing may salo salo din noon ay kadalasang hahanapin ng mga bisita ang pangalawang anak nang dahil na rin siguro sa angking pisikal na katangian nito.Kung ihahambing kasi noon ay tila wala nang mas lalamang pa sa pisikal na anyo nito kumpara sa lahat ng bata dito sa nayon at tila kay dami na ring mga magulang na nagmumula sa mayayamang angkan ang nagrereto sa kani-kanilang anak dito.Halos ang pangalawang anak ang laging nakakakuha ng atensyon mula sa mga bisita dahilan upang labis na manibugho ang panganay na anak."
" Nang umalis muli ang pamilyang Callejo pabalik sa Portugal ay doon lamang humupa ang usap usapin tungkol sa kanilang mga anak na madalas noong pinagkukumpara.Ngunit nang bumalik ito ay nagulat na lamang kami sa balitang namatay na ang kanilang pangalawang anak nang dahil umano sa sakit."
" S-So ibig pong sabihin ay normal noon si Sin?"
Gulat na gulat kong naitanong dahil buong pag-aakala ko ay pinanganak na siyang ganoon.
Gumanti lamang ng tango si Tatay bilang sagot at ipinagpatuloy ang pagkukwento.
" Huli na ang lahat ng malaman naming ang bata palang ikinukulong sa attic ay ang batang si Aurosin dahilan upang napagpasyahan naming lahat na itakas ang bata.Pero nalaman nila ito at pinatay ang nag aalaga sa bata."
" Pinagbantaan nila kami nang kami'y magbalak na umalis dahilan upang labis kaming mangamba para sa kalagayan ng aming pamilya.Gustuhin man naming magsumbong sa mga pulis subalit nang minsan namin itong ginawa ay napag-alaman na lamang naming konektado pala sila sa señora't señor.."
" Lahat ng ito iha ay tiniis na lamang namin upang kami'y may mapakain sa aming pamilya at maging maayos ang kanilang kalagayan.Lahat ng mga taong ibinalitang nawawala ay pikit mata na lamang naming iniignora kahit pa sa kaloob-looba'y labis na kaming naghihinagpis."
Pagtatapos ni Tatay sa kwento na noon ay nakatungo.
" Pero Tay, K-Kailangan po nating mai-alis si S-Sin dito ! At kailangan niyo rin pong umalis dahil hindi naman po habang buhay kayong nakatali upang magsilbi sa ganitong klaseng pamilya!.Nay ,Tay tulungan niyo lamang po ako at makakawala rin tayong lahat dito."
Pag pupumilit kong pakiusap dahil labis na akong naawa sa kanilang kalagayan.
Tumitig lamang noon saakin si Nanay Odeth ng masinsinan bago tumayo at may isinulat sa papel,tsaka ito inabot saakin.
" Ito.Puntahan ninyo ang address na iyan kapag nailabas niyo na ang binatang iyan dito.Hindi ako sigurado riyan pero iyan nalang ang tanging pag-asa upang mahanap ninyo ang tanging natitirang kaanak ng binatang iyan."
Agad ko itong kinuha at binasa.
' Block 6 Lot 16 ,Bago oshiro, Acrutus City
PH.'
" Sige na, Matulog kana at baka mahuli pa tayo dito."
Nang isa isa nang magsialisan ang lahat ay tumayo na rin ako at akmang lalabas nang biglaan akong yakapin ni nanay Lita.
" Sobrang nagpapasalamat ako sa diyos at dumating ka sa bahay na ito anak dahil sa totoo lang, Gustong gusto ko nang tuluyang maialis ang binatang iyan dito."
" N-Nanay..."
" Huwag kang mag-alala, pagkatapos at pagkatapos din ng selebrasyon ay hahanap ako ng paraan upang kayo'y maitakas at nawa'y pagpalain kayo ng panginoon anak.."
Dahil sa aking narinig ay tuluyan na akong napaluha sa saya ng mga sandaling iyon.
" N-Nanay, M-Maraming salamat po sa inyo.."
Humihikbi kong naiwika habang yumayakap ako sakanya pabalik.
" Hiling ko lamang na sana'y ingatan mo ang binatang iyan at huwag mong sasaktan pagkat alam kong may pagtingin ka mula sa kaniya..."
Nakangiting usal ni nanay at bago pa man ako makasagot ay agad na niya akong naitulak palabas ng kwarto.
--------
Lumipas ang dalawang araw at hindi na nasundan pa ang pagbisita ni Leo mula sa attic na iyon ngunit lumipas din ang dalawang araw ay hindi pa rin siya gumigising.
Naging abala rin kaming lahat para sa darating na selebrasyon dahilan upang kahit papaano'y mapanatag ako.
" Ate babantayan niyo po ba ulit si kuya red lips?"
Tanong ng kapatid ko na noon ay abala sa pag aayos ng kaniyang higaan sa pagtulog.
" Oo Mimi ehh pasensya ka na ah , Yaan mo pag gumaling na ang kuya mo babawi kami sayo okay ba?"
Nakangiting tanong ko at nang makita ko itong tatango-tangong ngumisi ay ginulo ko na lamang ang kaniyang buhok bago nagpaalam.
" Oh siya matulog kana ah, Good night."
" Good night din po ate."
Pagkapasok kosa kwarto ni red lips noon ay hinagkan ko muna ang kaniyang noo.
" Pagaling ka lang diyan, Pero wag mong kalimutang gumising ah kundi...
K-Kundi ako naman ang mamamatay sa lungkot.."
Mahina't malungkot kong naibulong bago tumabi sakanya sa pagtulog.
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkatulog noon nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi.
At nang magmulat ako ng mga mata ay isang nakangiting Red lips ang bumungad saakin.
" R-R-Red lips?! Dyosko nanaghinip ba ako?!"
Napabalikwas kong naitanong dahil sa labis na pagkagulat sanhi upang mahina itong napatawa.
" H-H-Hey.."
Dali-dali akong yumakap sakanya ng mahigpit.
" Awww"
" ay sorry, Ikaw naman kase ! Masyado kang nagpapamiss loko ka.!"
Kunyare naiinis kong singhal pero sa totoo lang ay hindi ko maiwasang mapaluha sa saya.
" Y-You miss me?"
Nakangising tanong ng gago sanhi upang mahina ko itong binatukan.
" Loko ka kase"
Ani ko sabay upo sa tabi niya noon.
Dagliang namutawi ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa..
" Okay ka na ba?"
Tanong ko pero hindi ito kumibo.
" Red lips..Huwag mo munang isipin ang mga nangyare..."
Ngunit tumalikod lamang ito at maya-maya pa'y nakita ko kung paano nagtaas baba ang kaniyang balikat hudyat na siya ay umiiyak.
" I-I h-hate myself for being like this .."
Mahinang bulong niya kaya agad akong umusog upang yakapin ko siya mula sa likod.
" Hindi ganun yun.Wala kang kasalanan okay? Kaya nga kailangan nating umalis dito.."
Umiling lamang ito bilang sagot.
Napabuntong hininga ako bago kumalas at inutusan siyang pumihit paharap.
" This is only a part of you worse life experienced red lips.Hindi ito ang katapusan kaya wag kang iiyak-iyak diyan na para bang wala na nang karamay.Oo alam kong mahirap pero kailangan mong tatagan to eh kase hindi pwedeng hindi."
Sabay turo ko sakanyang kaliwang dibdib na napapaluha na rin.
" Red lips, Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman kasalanan."
" I k-know, b--"
" Hindi kita iiwan kong iyan ang iniisip mo."
" Y-You will.Eventually."
Nakatungo niyang sagot saakin.
" No, I will stay at all cost.Hindi kita iiwan hanggat kailangan mo ako kaya magpakatatag ka.."
Nakita ko ang paglagas ng kaniyang mga luha nang siya ay humarap saaking muli.
" D-Dont promise me you'll stay if y-you'll be leaving me a-after a day.I D-Don't wanna h-hoped for it."
" I will stay okay? at kahit araw-araw kong papatunayan iyon sayo ay gagawin ko."
Nakangiting turan ko habang nakatitig sakanya.
" Y-You promised?"
" Pangako,Hindi kita iiwan...."
Kasi mahal kita ..
BINABASA MO ANG
Hidden Pleasure
Romance------ Just like every princess in a fairytale , We all dreamed to be loved by a handsome prince.Filthy rich,Smart,Perfect physical looks,Angelic face that matches a bad boy attitude.Admit it.We all want that.Some aren't but I belong to those kind o...