CAPITULO 25

195 11 0
                                    


Naalimpungatan ako nang dahil sa sinag ng araw na tumama saaking mukha sanhi upang maidilat ko ang aking mga mata nang nakangiti.

" Goodmornin-- Ayy"

Nagtatakang pagpuputol ko sa aking sasabihin nang mapansin kong wala sa tabi ko si Red lips.

Kadalasan kase ay kapag una siyang nagigising ay inaantay niya pa ako.Hindi siya babangon nang hindi pa ako gising kaya kapag kailangan niya na talagang bumangon ay gigisingin niya ako dahilan upang minsan ay nasisinghalan ko siya.

Nakakasuya kaya pag ganun.Sarap na ng tulog mo kukulitin kapa para lang bumangon.

" Hoy Red lips nandyan kaba?"

Nakangising inilibot ko ang paningin sa aming kwarto bago napagpasyahang bumangon upang maghilamos sa CR at nagtoothbrush.

Pagkatapos niyon ay lumabas na ako.

" Psh ! Himala ! Bumangon ang abnoy nang hindi man lang ako ginising hahaha ! Baka nagluluto sa baba "

Nakangiting bulong ko sa sarili bago binuksan ang cabinet upang kunin ang isa sa pinaka importanting ipagtatapat ko sakanya ng mga sandaling iyon.

Oo kinakabahan ako pero dahil birthday ko noon ay naisipan ko na lamang ibigay ito sakanya.

Knowing he's not yet ready for this nor I am, I have no choice dahil hindi ko pwedeng itago ito nang panghabang buhay.

And he's acceptance with this matter is more than enough for me as gift in my 20th birthday.

Hmmm I wonder kung ilang taon na kaya si Red lips? I mean, Grabe hindi ko man lang ba yun natanong ? Hahahaha.

Pagkatapos kong makuha iyon ay inilagay ko na iyon sa aking bulsa at akmang tatalikod na sana nang mahagip ko ang blankong espasyon sa katabi ng aking mga damit.

"Teka, Nasan ang mga damit ni Red lips?"

Nagtatakang tanong ko sa sarili bago binuksan ang isa pang lalagyan niya ng mga tuping T-shirt ngunit wala akong makitang ni isang damit doon..

Hindi ko alam kung bakit biglaang bumundol ang kaba sa aking dibdib na naging dahilan upang dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdanan kung saan nabungaran ko doon sila Lola at Mimi na nag uusap.

" Lola ,Si Red lips po? "

Pilit kong pinapasaya ang aking boses dahil baka mamaya'y napaparanoid lang ako ngunit gulat lamang tumitig saakin si Lola bago senenyasan ang mga katulong na ipasok sa kwarto si Mimi.

" A-Arielle a-akala ko--"

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko nang tinungo ang kanilang kusina.Nagbabakasakaling nandoon si Red lips na nagluluto nang kaniyang pagod na putahi.

Like Usual.

" Red lips Nandyan ka ba--"

Ngunit walang nakatalikod na Red lips na nagluluto sanhi upang mas lalo lamang dumagdag sa kaba ng aking puso.

Nang mahagip ng paningin ko mula sa bintana ng kusina ang nakakulay blue na lalaking nakatalikod sa di kalayuan ng Bahay, ay alam kong si Red lips iyon kaya naman ay agad akong lumabas bago pa man ito tuluyang makalabas ng Gate.

" Red lips !"

Hinihingal kong tawag sabay hila sakanyang braso nang maabutan ko siya.

Doon ay bumungad paharap saakin ang gulat na gulat na si Red lips.

Bitbit ang kaniyang Maleta.

"T-Teka, Aalis ka? B-Bakit hindi ko alam? Tsaka saan ka ba pupunta?"

Hilaw na ngiting tanong ko ngunit ang kanina'y gulat niyang expresyon ay agad na napalitan ng blankong expresyon.

Hindi siya sumagot sa halip ay inilihis niya ang kaniyang brasong nakahawak saakin bago tumalikod.

Ngunit maagap ako at mabilis ko naman siyang nahila paharap uli saakin.

" Teka nga lang ! Galit ka ba saakin? "

Hindi siya sumagot at malamig lamang akong tinitigan sanhi upang kinakabahang mapalunok ako.

" R-Red lips---"

" Let go"

Nagulat ako nang dahil sa lamig ng boses niyang iyon.

" M-May problema ba tayo? A-Ano bang nagawa ko? "

Mahinang tanong ko ngunit hindi pa rin ito umimik bagkus ay pilit lamang nitong tinatanggal ang kamay kong nakahawak sakanyang braso.

" P-Please naman ohh, Pag usapan muna natin to.."

" We have nothing to talked about."

" Anong wala ehh ano to?! A-Anong kadramahan to hah?! Aalis ka ng hindi nagpapaalam saakin?! Ng hindi sinasabi saakin?! Bakit alam na ba to ni Lola?! "

" Yes "

Malamig niyang sagot bago pwersahang natanggal ang kamay ko roon.

" S-So ako nalang pala ang hindi nakakaalam neto? K-Kailan pa to?"

Garalgal kong tanong dahil pakiramdam ko nang mga panahong iyon ay pinag kaisahan ako ng mundo.

Ang tanga tanga ko naman para palagpasin lahat ng mga hinala ko noon sa kasweetang ipinapakita niya.

Hindi siya sumagot at nakatayong tumitig lamang saakin na naging hudyat upang maluha luha akong napatitig sakanya.

" S-Sin naman ! Ano lang pala ako sayo kung ganoon?! H-Hindi mo man lang ba nai--"

" You are nothing to me."

Malamig niyang pagpuputol sa sasabihin ko bago ako tinalikuran sanhi upang napatigagal akong tumitig sakanyang likuran nang umiiyak.

" Alam mong hindi totoo iyan diba ?! Alam mong mahal moko ! At mas lalong alam mong hindi ako maniniwala dyan"

Humihikbi kong wika bago siya hinabol.

" I don't really loved you like I loved Jia.."

Parang minamartilyo ang puso ko nang bitawan niya ang mga katagang iyon noon.

" E-Eh yung sa dagat! Yung kwentas ! Y-Yung 14 years at y-yung mga sinabi mo saakin noon doon sa attic! Ano lang pala lahat yun hah?! Sin naman wag ka namang magbiro ng ganito ohh.."

Umiiyak kong pakiusap.Ayaw ko sanang magmukhang kawawa kaso pakiramdam ko noon ay talagang seryoso siya sa pag iwan saakin.

" I was stucked in there so why not fool you a little so you could help me escape right? Tss you are naive enough to believed in everything I did because right from the start, I just used you for help."

" N-No, Please tama na.Hindi yan totoo."

Umiiling iling kong pakiusap bago siya yakapin patalikod.

Ang sakit sakit.

" Let go .Stop pushing yourself to someone who doesn't love you back."

Pilit niyang tinatanggal ang mga braso kong nakayakap sakaniyang bewang dahilan upang mabitawan niya ang kaniyang maleta.

" Hindi yan totoo! Stop fooling yourself too! M-May mga plano pa tayo diba? Magkakapamilya pa tayo! Kaya wag mokong paglaruan ng ganito dahil nasasaktan nako Sin .."

Humikbing pagpipigil ko sakanya ngunit tumawa lamang ito ng mapakla bago ako pwersahang iniharap sakanya at malamig na nagsalita.

" You are stupid enough to believed in that then.I don't love you.I never did..I only loved one girl and that's Jia so now that she's gone, there's no point of staying in here..."

Nangingig na kinagat ko na lamang ang aking labi habang nakayukong umiiyak ng mga sandaling iyon.

'Paano pa ako? So obligado lang pala siya sa lahat ng nangyare samin dahil sa pagtulong ko sakanya? Ganun ba yun? Ang sakit sakit naman..'

Hindi ko siya kayang titigan dahil pakiramdam ko mas lalo lamang akong masasaktan.

" Nakangako tayo sa isa't isa diba? Nangako akong hindi k-kita..Iiwan kahit na anong mangyare.."

" Yes and I thank you for than.Now you can go."

Akmang tatalikod na sana siya nang hawakan ko ang kaniyang mga kamay at tsaka siya sinalubong ng tingin habang humihikbi ng mahina.

Ngunit isang malamig na kulay bughaw na mga mata lamang ang sumalubong saakin.

Walang emosyon.

" H-Hindi ko maintindihan ehh! Bakit ba g-ganito ka?! Nangako tayo diba?"

Mahina ngunit garalgal kong tanong.

" You promised not to leave me,But did I promised you the same thing? No."

Doon ay tila tuluyan nang rumihistro ang mga pangyayaring iyon sa attic na naging dahilan upang mas lalo lamang akong maluha.

" Kasi naging kampante ako ! Ikaw na yung nagsabing mangako ako ehh! A-Akala ko.. Akala ko ganoon ka rin.."

" See, that's your problem.Next time if you want some assurance, you don't just hope,you let them promised.."

Malamig na wika niya bago pinulot ang kaniyang maleta at tumalikod.

Napayuko na lamang ako.Sapo ang puso at pilit na huwag umiyak.

Tama siya, I should have let him promised the same thing I did..

Ilang hakbang pa lang ang nagawa niya nang muli akong magsalita.

Kahit kinakabahan sa kaniyang isasagot ay kailangan ko itong gawin.

" K-Kapag umalis ka ngayon..K-Kalimutan mo nang nagkakilala t-tayo...Kapag umalis ka n-ngayon..magkalimutan na tayo.."

Garalgal ngunit may diin kong wika as i forced myself not to cry out loud.

Huminto lamang siya sa paglakad bago malamig na nagsalita.

Disesyong kahit kailan ay hindi ko matanggap.

Ayaw kong tanggapin.

" Forget me then, and i'll do the same thing.It's better this way.."

Mahinang sagot niya tsaka muling naglakad pero bago pa man siya tuluyang makalabas ng gate ay agad na akong tumakbo at lumuhod sa harapan niya.

Hugging both of his knees.

Begging him not to go.

" Aurosin please..Wag naman tayong ganito ohh..Pag usapan natin to..Hindi ko...k-kaya..parang awa mo na...M-Mahal na mahal kita.."

Umiiyak kong pakiusap habang nakapikit noon.

Nang mga panahong iyon ay nasa punto na ako kung saan wala na akong pakialam kong may makakita man saamin at pagsasabihan akong desperada.

Wala na akong pakialam kong pagtatawanan ako ng iba dahil lalaki niluluhuran ko.

I don't care..If this means I might changed his decision, then so be it.

" Please..Sabihin mo saakin kung ano bang problema dahil ang sakit sakit na..Hindi ko kaya...Ayaw kong kalimutan ka..K-Kung madali lang sayo pwes saakin hindi..."

Umiiling iling kong pakiusap.

" Stand up.."

Malamig niyang utos bago ako pilit na hinihila pataas.

Nakapikit lamang akong umiling.

" No..Please..Ayusin natin to..Hindi mo ako pwedeng iwan..Please parang awa mo na.."

" I said stand up ! Have shame on yourself!"

Pabulyaw niyang utos pero hindi ako nagpatinag.

" Hindi ako tatayo hangga't hindi mo aminin saaking mahal mo ako..H-Hangga't h-hindi ka nangakong hindi m-mo na ako iiwan..."

Pakiramdam ko nang mga panahong iyon ay parang ako na ang pinakamababang babae sa mundo.

Magkahalong awa at hiya para sa kaniya at sa sarili ko ang ginawa kong pagluhod dahil pakiramdam ko'y para akong asong ayaw umalis kahit pinagtatabuyan na ng kaniyang amo.

" Let go before I pushed you.."

" No ! H-Huwag mo naman akong ganituhin ohh..Please k-kung ginugood time mo lang a-ako..Ayaw ko na ng ganito.."

Nanghihinang nagpa ubaya na lamang ako nang tuluyan niya na akong nahila pataas bago ako sinalubong ng isang galit na tingin.

Nanlalabo na ang paningin ko nang dahil sa dami ng luhang pilit na rumaragasa sa aking mata habang nakatitig sakanya.

" P-Please...Mahal na M-mahal kita..Hindi ka pwedeng umalis..H-Hindi pwede!"

Umiiyak kong turan at pilit siyang niyayakap ngunit tinulak lamang ako neto.

" Get inside.."

Malamig ngunit may diin niyang utos saakin pabalik sa loob ng bahay ngunit hindi ako sumunod.

Bagkus ay sinundan ko pa siya nang tuluyan na siyang makalabas ng gate.

" Aurosin please.."

" I SAID GET BACK !!"

Galit na galit niyang bulyaw bago ako tinulak at mabilis na sumakay sa magarang kotse na kanina pa nakaparada sa labas ng gate.

Mabilis akong tumayo sa pagkakadapa ngunit bago ko pa man siya maabutan ay agad na siyang nakapasok at pinagsarhan ang ako ng pinto ng kotse.

" SIN PLEASE ! BUKSAN MO TO ! PARANG AWA MO NA ! PLEASEE !!"

Humahagolhol kong pinaghahampas ang bintana ng kotse ngunit hindi man lamang niya ako pinansin.

" PLEASE PAG USAPAN MUNA NATIN TO OHHH ! WAG GANITO ! SIINN!!! PLEASE WAG MOKONG IWAN!!"

Patuloy lamang ako sa paghampas doon at nang marinig ko ang pag andar ng makina ay umiiyak na lamang akong napa iling .

" BUKSAN MO TO ! SIN HINDI MOKO PWEDENG IWAN !!! PLEASE BUKSAN MO TO MAY SASABIHIN AKO SAYO !!!"

" N-NO NO NO !!! PLEASEEEE SIIINN!!"

Hinabol ko sila nang tuluyan nang tumakbo ang kotse.

Nagbabakasakaling hihinto ito at lalabas siya mula roon upang pakinggan ako.

Ngunit wala.

At nang tuluyan na itong naglaho sa paningin ko ay napalunod na lamang ako sa gitna ng kalsada.

Namamaga ang mga paa dahil sa kakatakbo nang wala man lang sapin sa paa.

Gulong gulo ang utak nang dahil sa hindi ko alam kong saan ba ako nagkamali.

At wasak na wasak ang puso..

Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang lahat gayung nagmahal lang naman ako..

Iyak lang ako ng iyak doon bago ko kinapa ang pregnancy test na dapat ko sanang ipakita sakanya.

Maluha luha ko iyong tinitigan bago ako muling timitig sa gawi kung saan naglaho ang kotseng sinasakyan ni Red lips..

" R-Red lips, Ito na nga pala ohh, Binili ko yan kasabay ng pagpapachecked up ko noong nakaraang buwan.."

Pagak akong napatawa habang umiiyak na nakatitig dito.

" I-Isang buwan na nga pala akong buntis at ngayon k-ko pa sana balak sabihin to ehh, B-Bakit ka pa k-kase umalis? E-Eto na y-yung pinangarap nating pamilya o-ohh"

Malungkot na lamang akong napahagulhol.Sapo ang aking puso.

Ang sakit.

" AHHHHHH!!!"

" AHHHH B-BAKIT BA GANITO ?!!! A-ANO BANG KASALANAN KOOO!!!"

Nang dahil sa sobrang sama ng loob ay naisigaw ko na lamang ang lahat ng sakit na aking naramdaman bago inihagis ang pregnancy test kasabay ng tuluyang pagkaupo sa gitna ng kalsada.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Hindi ko alam kung paano ako babango'ng muli.

Hindi ko alam.

Dahil simula nang makilala ko sya, Lahat lang pananaw at plano ko sa buhay ay nakasentro na sakanya at sa magiging pamilya namin.Hindi na para sa sarili ko lamang.

Basta ang alam ko lang ay sobrang sakit pala nang maiwan.

Lalo pa't wala man lang matinong paalam.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon.Tila pansamantala atang nablanko ang utak ko nang dahil sa biglaang pangyayaring iyon.

Hindi ako prepared eh..Ang daya.

Hindi ako makapag isip ng maayos nang dahil sa dami ng ' paano na' na lumalabas saaking utak.

Iyak lamang ako nang iyak hanggang sa napagpasyahan kong tumayo na lamang at pilit na kalimutan ang lahat gaya ng sinabi niya.

Siguro magpakalayo layo muna ako.

Basta kailangan kong magpakatatag para sa magiging anak ko.

I can do it alone.I have to.

But everything went so fast at bago pa man ako mapalingon sa lakas ng busina ag huli na ang lahat.

The screech of tyres and the sudden swerve of the Van came just a moment too late, And only did I realized that I was thrown headlong into the middle of the road bago ko marinig ang sigawan nina lola at nang iilan pang tao.

Naramdaman ko na lamang ang pag untog ng ulo ko matigas na bagay at bago pa man ako tuluyan mawalan ng malay ay malungkot na lamang akong napangiti sa kalangitan.

" Happy birthday to me.."

Mahinang naibulong ko na lamang kasabay ng pagtulo ng aking luha bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.

--------------

Hindi niya alam kong paano niya nakayanang patatagin ang loob niya sa kabila ng mga nangyari kanina.

Parang pinupunit ng paulit ulit ang puso niya.

Parang paulit ulit siyang pinaglalaruan ng tadhana.

At nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng limousine na ipinadala ng papa niya ay doon lamang siya tuluyang napaluha.

Luha na nauwi sa paghikbi.

Hindi niya kaya..

Hindi niya alam kung paano kakayanin..

Bakit ba kasi kailangan pang mangyare ang lahat ng ito?

Bakit ba napaka komplekado?

Hindi ba pwedeng mamuhay na lamang siya ng normal?

Bakit ba kailangang may umalis bago niya matatamasa ang pakiramdam na maging malaya?

Gustuhin niya mang isumbat ito sa kaniyang lola o kaniyang Ama , Hindi niya kaya..

Dahil alam niyang tama sila.

Ito na siya, At kailangan niyang harapin ito.

Kailangan niyang maging matatag dahil ayaw niyang danasin ng magiging pamilya niya ang mga nangyare noon sakanya.

Ayaw niyang dumating ang panahong ikakahiya siya ng magiging anak niya dahil mahina siya.

At mas lalong ayaw niyang araw araw ay magtatago sila para lang mabuhay..

" Wait for me please...Wait for me..It'll only take a few years ..."

Bulong niya sa kaniyang isip bago hinawakan ang kwentas na nasa kaniyang leeg at mariing pumikit.

Isa lingon na lang sana..

Isa lingon sa mula sa di kalayuan at makikita niya na sana kung paano tumilapon sa kalsada ang babaeng kaniyang pinakamamahal kasabay ng pagdanak ng dugo.

Ngunit hindi niya ginawa.

He just firmedly closses his eyes hoping this is all just a nightmare.

Hanggang sa tuluyan na silang makalabas sa lugar na iyon.

Palayo sa kanilang lahat.

Palayo babaeng kahit kailan ay hinding hindi niya malilimutan.

At wala siyang planong kalimutan .

Hidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon