Chapter 5: Friends

45 3 5
                                    

*DNA, lalalalala lalalalala uyeoni aninikka*

Agad akong bumangon para patayin ang alarm ko ngunit imbis na dumiretso sa banyo ay muli akong nahiga dahil inaantok paren akooo hayssss, lagi nalang akong si Ms. Antok.. Balak ko ulit sanang matulog kaya agad ako pumikit dahil sa sobrang antok.. Ngunit ilang minuto pa lamang ay malakas na katok sa pinto ang gumising muli sa akin kaya agad akong tumayo upang buksan iyon at pagbukas ko ay bumungad sa akin si mama na halatang bagong gising pa lamang din..

"Nak, diba may lakad ka?! Bakit tulog ka pa diyan? Male late ka na"

Dahil sa sinabing iyon ni mama ay agad naman akong natauhan at tila ba nagulat sa akin naalala na mayroon nga pala akong lakad ngayon.. Mabilis akong bumalik sa kama upang kunin ang phone ko at tignan kung anong oras na..

"Sht. 9:17 naaaaa matagal pa naman akong mag ayossss halaaaaa" , mahina ko namang bulong sa aking sarili...

Nang makita ko ang oras ay tumakbo na ako papunta sa banyo para mag toothbrush at maligo, pagkatapos naman non at mabilis ako nagbihis ng damit na inihanda ko kagabi.....

Habang nagsusuklay ay nagulat ako sa isang sigaw na nagmula kay mama..

"Anak, nandito na yung kaibigan mo, bilisan mo na diyan!"

Wth, kaibigan ko na pala yunnn HAHA baka mamaya crush ko na yiee3xzcc charrr

"Okay maaaa , pababa nako wait langgggg", sagot ko naman sa kaniya.

Dahil sa nalaman ko, ay mabilis kong inayos ang gamit ko at agad agad bumaba...

Paglabas ko ng kwarto ay mabilis akong bumaba at habang nasa hagdanan ay tanaw na tanaw ko ang isang gwapo at matangkad na lalaki , wearing his ripped jeans and white long sleeve shirt. Di ko alam kung bakit ako natulala at parang nawala sa mundo habang bumababa then....

"Ahhhh!!!!"

Yes, I slipped at nahulog ako sa hagdan in front of himmm!! In front of that handsome guyyyy!!! Nubaaaa nakakahiyaaaa hayssss bat ngayon paaaaaa bakitttttt, para tuloy akong pinagsakluban ng langit at lupa!

"Uyyy ayos ka lang ba???", sabi naman ni Yasser habang mabilis na lumapit sa akin... but I was shocked at nilalamon paren ng kahihiyan kaya di ko siya nasagot at hindi ako nakapag salita, naka titig lang ako sa kaniya.

"Uy nakkkk tinatanong kaaa kung ok lang ba daw??" , sabi naman ni mama.

"ahh oo , oo a-ayos lang ako" , sabi ko naman sa kanila. Pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya dahil sa sobrang pananakit ng binti at ng likod ko.

Bigla namang tumalikod sa akin si Yasser and I have no idea kung anong ginagawa niya..

"W-what are you doing?", sabi ko naman na tila ba nagulat...

"Pumangko ka na , wag ka na maarte halata namang di mo kayang tumayo", sabi naman ni Yasser eh tutal no choice naman ako kase tama naman siya edi pumangko naren ako hihi! Teka hearttt kalma langgg hihi!

"Ehemm ughh ehem ehem *clears throat*" , sambit naman ni Aanti na hindi ko naman napansin na nasa gilid lang pala at tila bay nang aasar pa...

"Nako kumuha ka nalang kaya ng yelo , mukang nagpasa yung binti neto", sabi naman ni Tita taba.

Pagkapangko sa akin ni Yasser ay dinala niya ako sa may sofa para iupo doon at halata naman ang akin pasa sa may braso dahil iyon ang ginamit kong pang suporta sa aking pagkakahulog..

"Uhmm tita, may yelo po ba kayo? Baka po kase mas lumala pa to pag hindi naagapan", sabay abot naman ni mama ng yelo kay Yasser at parang sasabog na yung puso ko!

KATABI KO SIYA! KATABI KO TO!!
Hayss Chavezzz bilis mo magka crush ahhh!! *gentleman alert* *heart alert*

"Pano tayo makakagala neto? Eh hindi ka makatayo?" , putol naman ni Yasser sa pag iisip ko..

"Hala oo nga, sayang, I guess may atraso ka pa saken huh?" , sabi ko naman na para pang natatawa...

"Ipagluto nalang kaya kita?? Para kwits na tayo diba? Food for the food" -Yasser

"Huh? Marunong ka ba magluto??"
-Cha

"Oo namannn, bata pa lang ako balak ko na mag chef kaya maaga den akong natuto mag luto. Just let me cook for you, para malaman ko den kung may nasasarapan ba naman sa mga niluluto ko."-Yasser

"Sige ikaw bahala, basta siguraduhin mong masarap ha para kwits na tayo HAHA!" , sabi ko naman sa kaniya habang tumatawa... at agad naman siyang dumeretso sa kusina para alamin kung anong maaari niyang lutuin habang ako naman ay nagamit ng phone at ikinwento agad sa A-Gang ang nangyari.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Maya maya pa ay tinawag niya na kami para kumain at naisipan ni mama na doon nalang mag hain sa may lamesa sa may sofa dahil hindi nga ako makatayo ng ayos at dinadala pa lang niya ang luto niya ay amoy amoy na agad na masarappp! Kaka excite!!!

"Oh kain na , alam ko namang takam na takam ka na sa luto ko"-Yasser

"Tseee ewan ko sayo!" -Cha

Unang subo palang ay lasang lasa na yung sarapppp.. shtt napaka ideal naman netoooo gwapo , gentleman tas marunong pa mag lutooo haysss.. konti nalang talagaaaa konti nalangggg nakowwww!

Pagkatapos namen kumain ay nagkipag kwentuhan sina mama kay Yasser para makilala nila ito...

"Saan ka ba nakatira?" -Mama

"Diyan lang po sa kabilang village"
-Yasser

"Ahh buti naman malapit langg, magkakaron den itong si Astraea ng kaibigan na madaling puntahan kase yung tropa niya ang lalayo ng bahay eh kaya wala yan masyadong kausap kundi yung aso namen"-Mama

"Ehem baka madevelop haaaa" , pangaasar naman ni Aanti..

"Gusto mo ba siya???"
"Liligawan mo ba or friends langg??"
"May pag asa ba tong pamangkin namen?"

Sunod sunod na tanong naman ng mga tita ko..

"Nakooo stoppp naaa uuwi nato baka gabihin pa tooo diba Yasser?? Uuwi ka na diba???" , palusot ko naman para matigil na sila sa kakatanong at mabilis konh hinaltak si Yasser patayo sa mesa..

"Yasserrr, balik ka ha, salamat ulit", habol naman ni mama habang naglalakad kami palayo..

"Opo titaaa" , sagot naman ni Yasser at inihatid ko na siya sa may gate para makauwi na siya..

"Uhmm Yasser salamat ulit ah, pagpasensyahan mo na yung mga tita ko" -Cha

"Ahh wala yunn ayos lang hehe.. I guess we're friends , right?" -Yasser

"Yes, friends..." -Cha

"Sige, goodbyeeee, Cha" -Yasser

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon