Cha's POV
3 months passed nang hindi kami nag papansinan, kahit mag kasama kami sa klase lagi akong nag mamadali umalis para hindi niya ako maabutan, pag naman nasa bahay, hindi ako lumalabas, dahil makikita ko na naman siya, baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko, I want him back, isang sabi niya lang, I will always be here, waiting for him. He would still message me sometimes tho, but I would always keep our conversations short, even though I miss him, a lot.
Siguro in that 3 months, naging maganda din yung dulot non sa kanya, nagkaron siya nang ibang kaibigan, kaya marami din siyang nakakasama.
_____
"Ma'am coffee niyo po"
"Oh thank you ate, and can I add a chocolate waffle, for take out?" ,sabay lapag niya ng kape sa table.
"Ofcourse mam, I'll get it for you" ,sabi naman nito nang naka ngiti.
"Thank you ate" , and I gave her a smile.
It's friday, and halos mag hapon ako laging walang ginagawa dahil christmas break na. Sometimes, hang out lang kasama ang AGang and sometimes I want to spend my time alone, reading books, and thinking about things. Today I ended up here in this cafe near the village.
I'm scrolling on social media while sipping on my coffee. Nakita ko naman na nag post sa IG story niya ang isa sa mga kaibigan ni Iñaki, looks like they are together huh, good thing he's happy. I left him for that, his happiness.
I'm sitting on a two chaired table, beside a clear glass wall, kaya kitang kita ang nasa labas. Nasa dulo to ng street kaya kita ang intersection. It's raining, kaya ang sarap tumingin sa labas habang nainom ng kape. Nagpalsak ako ng earphone para makinig nang music, I played Spring day by BTS. Tamang tama miss ko na si Iñaki, awit HAHA.
Habang nainom ng kape ay napatingin ako sa bilog na salamin na nasa tagiliran nang cafe, wondering kung ano ang purpose non, eh hindi naman to kotse, the mirror was facing opposite,kumbaga kung sa North ako nakaharap, siya sa South HAHA. Titignan ko sana sarili ko kaso di abot awit, kita lang yung pathway.
May naisip akong pic idea using that mirror para ma post sa IG, ang arte ko kainis HAHA. Tatayo na sana ako nang mapatingin ulit ako sa salamin.
"Hala qaqo", nagulat ako nang makitang naglalakad si Iñaki kasama ang tropa niya sa pathway and it looks like, papunta rin sila dito, awit. Hindi nga ako nag kamali they entered the cafe, and I panicked. Inilugay ko ang buhok ko at isinangga sa muka ko ang librong dala dala ko. Nakatalikod naman ako, at nasa pinaka dulong table ako nakaupo, kaya possible na di nila ako makikita. I acted normal, at kung minamalas ka nga naman, they sat on the table behind me, jusq Lord. Mukang matatagalan ako dito ah.
I tried to get my mind off of them and just mind what I'm doing. I scrolled on twitter, at hininaan ng kaunti ang sounds, when I suddenly heard them talking about Nicole.
"May bebe nga kase yon, move on na kase tol" , sabi nang isa niyang kaibigan, guessing na si Iñaki ang kausap nito.
"Hoy naka move on nako" , I heard Iñaki's voice tinanggal ko ang earphone sa isa kong tenga para mas marinig ang pinag uusapan nila, chismosa ka ghorl HAHA.
"Wag nga ako, marupok ka kaya" , sabi naman nang kaibigan niyang babae. I don't really know their names yet, they're from a different class kase, di ko nga alam kung pano sila nakilala ni Iñaki.
"Pero pre, seryosooo, ayaw mo na kay Nicole?" ,tanong ulit nung isa.
"Yes ayoko na,may bebe naren naman eh, tsaka naka move on na nga ako lols, simpleng crush lang naman yun" , sagot naman ni Iñaki sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Unrequited
RomanceYou are the source of my happiness yet you are also the source of the pain and yes, I'm still into you.