Chapter Three💃My Bitchy Girlfriend is Unromantic Woman

14 2 0
                                    

"Monthsarry nilaaaaaa!"

"Ano kayang hinanda ni Ash?"

"Ew. Nakakadiri kayo." Sambit ni Sherane.

Kanina pa nila inaasar si Sherane. First Monthsarry kasi nina Ash, at naiinis ang dalaga.

"Anong ibibigay mo sakanya Sherane?" usisa ni Jiriana.

"Shoes? T-shirt? " -Selma.

Ngumiwi si Sherane.

"So cheap." she commented.

"Eh ano?!" sabay na tanong ng kaibigan niya.

"Wala." sabi na lang niya at pumasok sa classroom dahil nag bell na. Inilibot niya ang tingin sa buong classroom at nasa sulok si Ash. Umupo na lamang siya at nakinig sa guro.


---
Break time na at ang tatlo na lang ang nasa cafeteria. Wala ang iba dahil last practice na nila para sa basketball, bukas na ang competition at gaganapin ito sa kabilang school.

"Boring." sabi ni Sherane at tamad na pinag hiwa-hiwalay ang Cake niya.

"Eh kasi busy si Ash." tawa ni Selma.

"Hindi siya ang hanap ko. Si Kier at Kiro lang." Irap pa niya.

Gusto niya mang sabihin na pati si Ash pero ayaw niya. Masama ang loob niya dahil hindi man lang siya binati ni Ash pero itinatago niya sa loob niya.

"Sus ideny mo pa!" -Jiriana laughed. Umiling na lang siya.

"I'll go ahead." Paalam ni Sherane.

"San punta mo?!" sigaw ni Selma.

"Diyan lang. Magpapahangin." sambit ni Sherane at tuluyan ng umalis.

---

"Anyari don?" tanong ni Selma kay Jiriana.

"She must be dissapointed." buntong-hininga ni Jiriana.

"Yo!" tinignan nila si Kier, Kiro at Ash na kakarating lang.

"Nakakapagod."
Sumandal si Ash sa upuan at ipinikit ang mga mata.

"Kaya nga. Buti nalang at makakahinga na tayo mamayang tanghali." sabi ni Kier at ininom ang Juice ni Selma.

"Kengena mo! Bumili ka ng sayo!" sapak ni Selma sakanya.

"Magkaibigan tayo Selma." Kier smirked.

"Asan si Sherane?" tanong ni Kiro. Minulat ni Ash ang kanyang mata.

"Wala pa la siya. Akala ko katabi niyo." sabi ni Ash, pinukpok naman ni Jiriana ang ulo ni Ash ng kutsara.

"Idiot. Girlfriend mo di mo makita!"

"Sorry. Pagod ako." sabi ni Ash at ipinikit ang mata. Umiling nalang sila at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Is that how you celebrate your monthsarry bro?" Kiro asked and laughed. Umiling na lang si Ash at kumain.

"Magagalit lang siya." sabi ni Ash at kumain sa cake na naiwan ni Sherane.

"Sakanya yan." sabi ni Selma.

"Gotta go. Last practice na namin." Kier said. Naiwan na naman si Jiriana at Selma.

---

"Sherane!!" someone shouted kaya lumingon siya.

"Mistika." yan nalang ang nasabi niya.

"Ahm, Nakita mo ba si Ash? I need to find my bracelet." sabi ng babae. Napamura na lang siya sa loob-looban niya.

"Akala ko ba kayo yung laging magkasama? Cheerleader ka diba." sabi ni Sherane.

"Sorry. Wala kasi siya kanina sa gym. Thank you nalang." sabi nito at umalis.

Patuloy ang paglalakad niya, wala na silang klase sa hapon kasi naghahanda ang lahat para bukas lalo na ang nga guro.

"Nandito ka lang pala."

Tumabi si Jiriana at Selma sakanya.

"Siya yung tumapos sa slice cake mo kanina." -Selma.

"Tinanong ko ba?" pagbabara ni Sherane.

"Share ko lang." sabi ni Selma at palihim na natawa naman si Jiriana.

"Intindihin mo nalang Sherane. He needs to focus on the competition tomorrow." -Jiriana

Napanguso na lang si Sherane.

"Yah." she answered.


Uwian na naglalakad sila pa hallway.

"Mag-uusap pa kayo?" tanong ni Selma.

"Usap? Wala nga siya. He must be busy finding Mistika's bracelet."

"Akala ko ba-----"

"Mistika talk to me earlier. Hinahanap si Ash."

"Mauna na kayo. Mag papaalam lang ako sakanya. Go." Sherane said.

"San ka sasakay? You didn't bring your car. Gamit natin kay Selma ngayon." Sambit ni Jiriana. She forgot na routine na pala nila yun.

"Mag ta-taxi na lang ako." sabi ni Sherane, nagkatinginan ang dalawa.

"Sige. Hindi ka sana namin iiwan dito pero ngayon ang arrival ng Mom at Dad namin." Selma said. Tumango na lang si Sherane at nag simulang pumunta sa gym.

Nakahinga ng malalim ang babae ng nakitang water break pa. Hindi na siya mag aantay.

"Ash!" she shouted kaya lumingon ito.

"Aalis na ako." paalam niya. Tumalikod na ito pero pinigilan siya.

"Wait for me. Ililigpit ko lang ang mga gamit ko." Sabi nito at inayos ang gamit. Tinignan ni Sherane ang gym, may mga nanonood pala, tinignan niya si Mistika na kumaway sakanya, umismid nalang ito.

"Let's go?" Ibinaling niya ang tingin niya kay Ash. Tumango ito at naunang maglakad. Pagkarating nila sa parking lot ay nakatayo lang silang dalawa sa harap ng kotse ni Ash.

"Galit ka?" tanong nito kay Sherane.

"Hindi. Pagod lang." sagot nito at tinignan ang oras sa kamay niya. Binuksan ni Ash ang backseat at ibinigay sakanya ang bouquet of roses at Human sized na pink Teddy bear. Mas malaki pa ito sa tao.

"For You. Happy monthsarry." sabi nito. Umatras si Sherane ng inilahad ni Ash ang bouquet at Teddy Bear.

"Common Sher. Hindi yan nangangain." Ash laughed. Umirap si Sherane at tinanggap ito. Yakap-yakap ng babae ang Teddy Bear na mas malaki pa sakanya, dagdag pa ang bouquet.
Inakbayan siya ni Ash pero inalis niya.

"Ano ba, ang bigat na nga eh." reklamo niya. Umiling na lang si Ash at tinulungan ito.

"Lika na nga." Sabi ni Ash at ibinalik ang Teddy Bear tsaka bouquet sa loob.

"Hatid na kita."

Pumasok si Sherane sa front seat. Tahimik lang sila, nahihiya kasi si Sherane. She don't even buy a simple gift, she find it corny. Pati pag sagot niya kay Ash ng Happy monthsarry din ay di niya nagawa.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pabalik-balik naman ang tingin ni Ash kay Sherane at sa kalsada.

Palihim itong napangiti.


Nakarating sila sa bahay ni Sherane, tinulungan niya itong kunin ang Teddy Bear at bouquet.

"Salamat."

Yun na lang ang nasabi ni Sherane at pumasok sa loob.
Pagkapasok ni Sherane sa loob ay saka pa siya ngumiti at nag diwang, pero sa loob-looban niya ay nag sisi siya na hindi siya bumili ng regalo o kahit ano man lang.


"Goodbye My Unromantic Girlfriend." bulong ni Ash habang nakangiti at umalis na.

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon