Chapter Eight 💃🏻 My bitchy girlfriend is now a cold girlfriend

13 1 0
                                    


"Shein, Umuwi ka na pala galing L.A?" Tanong ni Ashid sa babaeng kakababa lang sa hagdan.

"Yap. Kagabi lang. Sorry pero I have to go may meeting pa ako." sabi nito at nauna na sa labas.

Tumango si Ashid at umakyat patungo sa kwarto ni Sherane. Binuksan niya ito at naabutan ang mahimbing na natutulog na si Sherane. Umupo siya sa gilid ng kama ni Sherane kaya naalimpungatan ito at dahan-dahang idinilat ang mata.

"I'm sorry, nagising kita." sabi ni Ash.

Kumunot ang noo ni Sherane at bumangon.

"What are you doing here Ashid?" tanong nito at umirap.

"I'm just checking on you." tipid na sabi nito at binabasa ang nasa isip ng girlfriend niya.

"I'm okay. You can go now." sabi nito at tumayo. Lumabas si Sherane sa pintuan ng kaniyang kwarto, huminga na lamang ng malalim si Ash at sinundan ito.

Hindi pa nakababa si Sherane sakanilang hagdan ay nahawakan na ni Ash ang kamay nito.

"Let's talk Sher." sabi nito ng nagsusumamo ang mga mata. Hinarap siya ni Sherane. He automatically meet the cold eyes in her girlfriend.

"What? Wala akong problema Ash. Don't you get it? I'm still a bitch parin naman ah? Yung nagbago lang hindi na ako nanakit. Stop being paranoid and following me like something is happening." sabi nito at bumaba na.
Dumiretso ito sa kusina kaya walang nagawa si Ashid kung hindi umuwi sa kanilang bahay.

----

Sa school ay magkasabay pa rin ang tatlong magkakaibigan. Nakangiti si Sherane at paminsan-minsan ay tumatawa habang nagkukuwento ang dalawang kaibigan sa nangyari kahapon.

"Sayang talaga Sherane! Wala kayo ni Ash." sabi ni Jiriana.

"Pumunta naman siya sa bahay." sabi ni Sherane. Magtatanong sana ang dalawa nang dumating pa ang tatlo. Binigay ni Ash ang isang heart-shaped na cotton candy at strawberry flavor na ice cream.

"Sweet." Selma said habang nakangiti.

Pilit ang ngiti ni Sherane na tinanggap niya ito.

"Thanks."

Tumabi si Ash sakanya at pinagmasdan niya ito habang kumakain.

"Sorry kahapon. Akala ko kasi may problema ka." paumanhin nito.

"Nah, I'm okay." sagot ni Sherane at tinikman ang ice cream.

"Masarap?" tanong ni Ash kaya tumango ito at tumawa.

------

Naglalakad ang magkakaibigan patungo sa Cafeteria. Silang tatlo pa lang dahil may practice pa sa basketball ang tatlo. Umorder sila ng shake at nag simulang mag-usap ng tumikhim si Sherane kaya tinignan nila ito.

"I think we should stop our routine." sabi nito. Nagtaka ang dalawang kaibigan sa sinabi nito.

"What?" tanong ni Selma.

"What routine? Bakit?" Dagdag ni Jiriana.

"I mean, magkanya-kanya nalang tayo ng dala sa kotse, di yung isa lang ang mag da-drive at aantayin ang di pa nakarating." sabi ni Sherane.

"Bakit naman?" tanong ni Selma.

"You suddenly change Sherane." iling ni Jiriana.

"I never change! Ginagawa naman natin ito dati diba? It's normal kung maghihiwalay na tayo ng sasakyan." sabi ni Sherane.

"It's not normal Sher. Nasanay tayo doon." sabi ni Jiriana at padabog na sumandal sa upuan. Napahilot nalang si Selma sakanyang noo na parang di makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.

"Of all things? Why this? No we're not going to do that." sabi ni Selma at umirap.

"The hell." sabi nalang ni Sherane at ininom ang shake niya.

"Tell us Sherane! Bat mo to ginagawa huh?" tumaas ang tono ni Jiriana na minsan lang niyang nagagawa.

"Bat ba ang big deal ng ganito sainyo ha? Selma? Jiriana? Maghihiwalay lang tayo ng kotse! Gosh! Ang big deal sainyo. Diba masaya Yun? The three of us can go wherever we want! Yung hindi nag aantayan! Diko maintindihan ang big deal sainyo!" Sherane shouted.

"Sige, kung yan ang gusto mo. Do whatever you want Sherane." sabi ni Jiriana at kinuha ang kanyang bag saka lumabas sa cafeteria. Umiling na lang si Selma at mahinahon na tumayo.

"She's mad. You're such a bitch." ani ni Selma at sinundan si Jiriana. Naiwan si Sherane doon na napamura dahil sa nangyari.

Walang nagawa si Sherane kundi mag order ng sarili niyang makakain para sa lunch, she needs to eat dahil malapit na ang panghapon na klase nila. Hindi naman niya alam kung asan ang iba.

Tahimik siyang kumakain doon ng may umupo sa tabi niya kaya tinignan niya ito. It was Ashid.

"Are you okay? I heard what happen to the three of you. Andon si Kier at Kiro kina Selma. I came here for you." sabi ni Ashid.

Hindi sumagot si Sherane at ipinagpatuloy ang pagkain hanggang sa matapos niya ito.

Uminom si Sherane ng tubig nang tanungin siya ni Ashid.

"Ano ba talagang nangyari? Bakit mo ginawa yun?" tanong sakanya nito. Mabilis na ibinagsak ni Sherane ang baso sa sahig kaya nagulat ang mga estudyante sa nangyari. Napailing nalang si Ashid sa kamalditahan ng girlfriend niya.

"You want that right? My bitchy side." sabi ni Sherane at itinumba ang upuan para makadaan. Napasinghap ang nasa cafeteria at hinayaan niyang nakasunod si Ashid sakanya.

"I'm sorry. I'll be here for you. Your two Friends decided to leave you."

Natigil si Sherane sa paglalakad.

"What? Why?" tanong niya.

"H-hindi ko alam." sabi ni Ashid at niyakap si Sherane. Hindi na lang siya nagpumiglas. Ang daming tumatakbo sa isip niya. Nasasaktan rin siya sa desisyon ng dalawa niyang kaibigan. Hindi niya aakalaing aabot sa ganon dahil lang sa desiyong gusto niya. 

MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon