Chapter Nineteen 💃 MBG-The old her is back

9 0 0
                                    

3rd Person's POV

Isang taon na ang nakalipas.

Naglalakad si Sherane sa hallway ng dating school niya. Siya lang mag-isa sapagkat nasa ibang bansa si Selma at lumipat naman sa ibang skwelahan si Jiriana. Unang balik pa lamang sa skwelahan kaya hinahanap pa lamang niya ang room number niya. College na siya at Bussiness Administration ang kinuha niya.

"Ay! Sorry!" paumanhin ng nakabangga sakanya. Halatang late na ito sa klase.

"Are you fvcking blind? Or you are stupid?" tanong ni Sherane sa babaeng nanginginig na. Halatang bagong salta pa ito. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Late na po kasi ako. Pasensya na po." paumanhin nito at hinawakan ng maigi ang sling bag.

"Late ka na? Do you know what's the punishment for being late? Lalo na sa pagbangga mo sakin?" tanong ni Sherane at ngumisi. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sherane na itim ang lipstick.

"H-hindi po." sagot ng babae. Kinuha nito ang sling bag ng babae at binuksan. Bago pa maka angal ang babae ay kumalat na ang gamit nito sa sahig.

"Yan. Umalis ka na. Late ka na." sabi niya at umalis na.

"Miss are you okay?" tanong nang kung sino sa nabangga ni Sherane. Narinig ito ng babae kaya hinarap niya ito.

"Ashid" mahinang sabi niya. Huling kita nila ay nung nalasing ito at nagmakaawa sakanya. Unti-unting bumalik ang mga ala-ala sakanya hanggang sa katapusan kong saan sa hospital sa napunta.

"Sherane!" sigaw ni Ash nang natapos nitong natulungan ang babae at dali-daling umalis. Nagising si Sherane sa pag babalik sa nakaraan ng nasa harap na niya si Ashid. Inirapan niya ito at tumalikod na pero sumabay parin ito sa lakad niya.

"Iba na ah? Noon pulang lipstick lang ngayon itim na at naka eyeliner pa." sabi ni Ash at pasimpleng hinarap ang babae.

"Shut up." pagsusungit nito at naglakad sa ibang direksiyon.

"Oi saan ka?" habol nito sakanya.

"Bullshit! I'm already late dahil sayo!" sigaw ni Sherane.

"Sinisisi mo ako. Sang building ka ba? Hatid na kita." sabi nito.

"I can walk Ashid."

"Masungit pa rin" bulong ni Ashid.

"What did you say?" hinarap niya ang lalaki.

"Sabi ko, Anong building ka ba? Alam ko ang buong pasikot-sikot sa school nito." sabi nito at ngumiti.

Walang nagawa si Sherane kundi sabihin ito sakanya kundi malalate siya.
She don't want to be late in her first class.

"Bussiness Ad. Here is my sched." sambit ng babae at inilahad ang schedule kay Ashid. Kinuha ito ni Ashid sabay dukot sa cellphone niya.

"Hey? What are you doing?!" sigaw ni Sherane.

"Pinipikturan ko lang. Para alam ko kung saan ka susunduin at ihahatid na dika tinatanong at iniistorbo." sabi nito at ibinalik sakanya ang schedule. Nagsimula na silang maglakad habang nakasunod lang si Sherane sakanya.

"I'm already disturb by your presence Ashid." sagot nito.

Nakarating sila sa Room ni Sherane. Pumasok ito at humanap ng upuan. Nang maupo ito ay nagulat siya na si Ashid ang katabi niya.

"What the hell Ashid? Bat ka buntot ng buntot sakin?!"

"Bussiness Ad. Ang kurso ko Sherane." he smirked and wink at the girl.

Nanatiling tahimik ang babae hanggang sa dumating na ang kanilang propesor.

Sa kalagitnaan ng klase ay nag fofocus si Sherane sa pakikinig habang nakatutok si Ashid sa mukha nito.

"You know what, You're a bitch but I really love that side of yours." Bulong ni Ashid. Hinarap siya ni Sherane at pinandilatan ito ng mata.

"Tumigil ka nga." sagot ng dalaga at nagsulat na.

"Do you still remember the day I cried and begged to you?" biglaang tanong ni Ash. Napatigil si Sherane sa pagsusulat at biglaang bumalik sakanya ang mga ala-ala kung saan naghirap ang lalaki.

"Nangyari pala yun? Kinakalimutan ko na kasi ang nangyari noon." ngisi ni Sherane at tumayo na. Napaawang ang bibig ni Ashid sa sinabi nito pero nabalik rin ito sa wisyo. It's normal.

"Sherane!" habol niya rito. Papunta si Sherane sa kanilang canteen. Hindi niya maiwasang mainis sa presensya ng lalaki.

"Why are you following me?!" sigaw nito sakanya saka nagpatuloy sa paglalakad.

"I'm not following you. Papunta rin ako sa canteen. I'm going to eat." kalamadong sabi ni Ashid. Pinabayaan na lamang siya ni Sherane at nagpatuloy sa pagpasok sa canteen saka umorder. Naghanap siya ng bakanteng lamesa at napansin niya ang natitirang lamesa na nasa pinakagilid dahil punuan na ang iba.

Habang kumakain si Sherane ay may lumapit sakanya na isa niyang ka batch noon. Si Mistika. Ang babaeng kinaiinisan niya noon.

"Hi!" bati nito. Nag angat ng tingin si Sherane.

"What do you need?" tanong  nito kay Mistika.

"Uhm gusto ko lang sana makipag share ng table. Punuan na kasi hihi." sagot nito at umupo sa harap niyang upuan.

"Alangan namang itakwil kita eh naka upo kana." medyo malakas na pagkasabi ni Sherane. Napayuko ang dalaga at sinimulan ang pagkain.

"By the way Sherane gumanda ka!" paglilihis niya ng usapan.

"I know." ngisi nito.

"Ow magkasundo na kayo?!" gulat na tanong ni Ash habang hawak ang isang tray na may lamang pagkain. Sabay na nag angat ng tingin ang dalawang babae.

"H-hindi pa sa ngayon." nag aalangang sagot ni Mistika.

"Hindi, at hinding-hindi mangyayari yun." sagot ni Sherane at tumayo na para umalis.

"Anong nangyari don?" takang tanong ni Ashid kay Mistika. Nag kibit balikat lang ito at ngumiti tsaka sumubo ng pagkain.

"Maybe she's jealous. Diba ganon yun umasta pag nakikita niya ako at tayo noon."

Bahagyang nagliwanag ang mata ni Ashid. Umupo ito sa harap na upuan ni Mistika kaya nagulat ang babae.

"Di mo ba siya susundan?" takang tanong nito.

Binalewala ni Ash ang tanong ng kaharap at ngumiti lang.

"You think she still have feelings on me? Pagkatapos nung Earl na iyon?"

"Hindi ko alam. Look at her, she changed a lot. Nung napalayo siya kay Earl napaka bitch niya. Ngayong wala na ito ay lumala na siya." sagot ni Mistika.

"Sige na. Alis na ako Ashid. Bye." paalam nito sa bandang huli at umalis na.


MY BITCHY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon